It's pretty..



"Akala ko mahilig ka sa pink roses?" Isang boses ng lalake ang narinig ko mula sa 'king likuran kaya napalingon ako rito. It's a man wearing an armor. May nakasabit na espada din sa kaniyang bewang- his outfit means he's a knight. He have dark blue hair that's matched with the color of his sky blue eyes. Maputi, matangkad at may pagka chinito rin ito. Nakakapansin din ang kanang kamay niyang nakatago sa kaniyang likuran.

Suddenly, my heart started to race as if kinakabahan ako. Napahawak ako sa 'king dibdib.


Huh?


Ngumiti ang lalake sa 'kin. "Hi." Sabi niya. Parang may naalala akong description sa novel na same sa kaniya.

"Uhmm.. Hai?" Nginitian ko ito pabalik. Sino nga ba ito? I think na mention siya saglit sa novel eh.

Inilabas naman na niya ang nakatago niyang kamay sabay inabot sa 'kin ng isang bouquet ng red roses. Gulat ko itong tinignan. "S-sa 'kin ba 'to?" Sabay turo ko sa 'king sarili.



Napatawa ito bigla. "Patawa ka rin talaga. Para kay Prinsesa Olga 'yan." Sagot niya. I tilted my head. Okay, Eh ba't niya binibigay sa 'kin? "Same nung last time, paki abot sa kaniya." Napanganga ako.


Ahh! I remember now. He's Leo the trash! Kaya mabilis ang tibok ng puso ko ay dahil may gusto si Elsie sa kaniya. Na-mention siya sa novel dahil siya ang 1st love ni Elsie. Nung naging mag-friends sila ni Lucia, palaging ikinukwento ni Elsie si Leo. But like I said, he is a freakin' trash.

Hindi ko kinuha ang bulaklak. "Eh 'di ibigay mo sa kaniya.." Blangkong sabi ko.

Parang nagulat naman ito saglit pero agad ding ngumiti. "Elsie, hindi ba maganda pakiramdam mo?" Tanong niya.

Napa-irap ako tsaka napahukipkip.
"Firstly, call me Princess Elsie. Hindi tayo magkapareho ng status at hindi rin tayo friends okay?" Pagpupunto ko. "Pangalawa, I'm princess Elsie.. Not Olga kaya sa kaniya mo 'yan ibigay."



Napanganga ito. Buwisit, siguro oo lang nang oo si Elsie sa lalakeng ito.
"Elsie, huwag ka namang ganyan. Alam mo naman 'yong dahilan kaya hindi ko maibibigay 'to ng direkta 'di ba?" Napapangiti pa ring sabi niya.


"Ahh, yes. It's because, you're a Knight but a coward in giving simple flowers to his crush." Pagdidiin ko na nagpatanggal na sa ngiti nito. Duh. Ang kapal ng mukha mo para gamitin ako para maka-close ang bitch na 'yon.


He frowned. "Hindi ko alam kung bakit ka ganyan ngayon pero... hindi ba't magpasalamat ka na lamang at nilalapitan kita pagkatapos mong ipagtapat na may gusto ka sa 'kin?"


Wow... Just, wow! Nababagay sa kaniya ang 360 degree slap na may kasamang uppercut at jab.


"Para malaman mo, may tuldok din ang pagiging tanga. Sa madaling salita, kung baliw na baliw ako sa 'yo dati, gumaling na po ako at nasa tamang katinuan na ako." Mataray na sabi ko. "So, umalis ka na kung ayaw mong gawin kong palaspas 'yang bulaklak sa mukha mo."

"Elsie-"

I raised my hand. "Princess Elsie.. " Pagtatama ko. "Huwag kang g*go." Tinalikuran ko na ito at naglakad paalis.

I Became the Princess of a Fallen Kingdom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon