My Quarantine Girl VIII

Start from the beginning
                                    

"Dinala ko po si Alex doon para maalala at malaman na niya ang lahat, pero--"

"Pero may dumating na kung sino, isang babae na ang pangalan ay Kers at gusto siyang tapusin.." usal ni Alex dahilan para matigilan ako

Bigla siyang tumayo at nilapitan ang Papa niya, tini-tigan niya ito na para bang ibang tao sakanya..

"At ako? Kasama ka, tayong dalawa.. gusto niyang pag-higantihan.." seryosong usal ni Alex habang nakiki-pagtitigan siya sa Ama niya

"Hindi na tayo ligtas dito.." nag-aalalang tugon ni Tito

"Ano bang sina-sabi mo? Dinamay mo pa talaga si Lou sa kalokohan mo?!"

"Alex!!" suway ko sakanya

"Kailangan na natin umalis, sigurado akong alam na ni Kers na andito kayo.." takot na usal ng Papa niya

"Pero Tito, hindi niya pa alam na kilala na siya ni Alex.." tugon ko

"Lou Iha, nata-takot ako para sa mga Anak ko.."

😞😞😞😞😞

"Ano pong plano niyo?" nanghi-hinang usal ko

"Aalis kami dito, isasama ko kayo ni Alex.."

"Te---teka! Anong isasama? Ako? Si Lou??" takang usal ni Alex

"Delikado ang buhay ni Lou, at ayokong mapahamak ka pa uli Alexander.." tugon ng Papa niya

"Delikado?? Teka lang, baka naka-kalimutan mo na ikaw ang dahilan bakit naging delikado ang buhay ko noon.."

"Alex..." suway ko sakanya

"Lou wag kang maki-alam.." seryosong usal niya sakin

"Ikaw ang dahilan bakit nang-yayari lahat ng 'to, bakit lumaki akong ganito, at kung bakit halos gabi-gabi pina-patay ako ng kabit mo sa panaginip ko!" naiiyak na usal ni Alex sa Papa niya

"Alexander.."

"Yan?! Yang pangalan na yan?! Yan ang pangalan na ayoko marinig noon pa! Dahil pangalan mo yan! At kina-mumuhian kita.."

"Alex!!" suway ko sakanya

"Ano Lou?! Kakampihan mo siya?! Bakit?! Kerida ka rin ba niya?!" galit na galit na usal niya

"Hindi na tama ang sinasabi mo.."

"Anong tama Lou?! Ano bang alam mo!! Ano bang nalalaman mo?! Mag-salita ka!! Sabihin mo ngayon!! Wag niyo na 'ko pag-laruan!!"

"Alex hindi ka namin pinag-lalaruan.."

"Lou sabihin mo na!! Buong buhay ko nagi-gising ako na takot sa nakaraan! Ngayong ikaw ang susi para malaman ko ang mga bagay na hindi ko alam, please... Lou please..." umiiyak na usal niya

"Wag mo na itago.." pagmamaka-awa niya sakin

😳😳😳😳😳

Natigilan kaming tatlo nang marinig namin ang putok ng baril sa labas ng bahay nila!!

"Dapa!!!" malakas na sigaw ni Tito Alex

Agad ako tinulak ni Alex, dumapa siya at pinatungan ako!!

"Shet!" dinig kong usal niya habang naka-protekta ang katawan niya sa akin

"Wag kayong bababa!!" sigaw ni Tito Alex na alam kong ang pinararatingan niya ay ang mag-Iina niya na nasa ikalawang palapag ng bahay

Matagal bago natapos ang pamamaril sa bahay nila Tito alex!!

"Alex!! Okay ka lang??" nag-aalalang usal ko nang hindi ko na maramdaman ang pag-hinga niya

Hindi siya sumagot kaya naman kinabahan ako..

My Quarantine GirlWhere stories live. Discover now