Chapter 7

694 21 0
                                    

Chapter 7


"NA SAAN na ba ang batang iyon?" rinig niyang tanong ni Nana Ellena noong papalapit na siya. Nagtaka siya kung bakit naghahanap ito sa anak niya kung tutuusin sila ang magkasama kanina lamang.

"Nana Ellena na saan po si Merliah?" mabini niyang tanong dito. Napakislot ito dahil sa pagkagulat sa biglang pagsulpot niya.

"Ay ano ka bang bata ka ginulat mo ako..."

"Ay sorry po.. Lola na saan po ba ang batang iyon? di ba po ay kayo ang kasakasama nito kanina." may halong pagtataka niyang sambit. Napalinga linga na rin siya sa paligid ngunit wala na ni anino nito ngunit amoy niya parin ang amoy nito subalit parang nakalipas na ito at wala roon ang nagmamay ari ng amoy na iyon.

"Aba'y ang batang iyon, nagpaalam lamang sakin iyon na may pupuntahan ngunit agad din daw siyang babalik bago magdilim ngunit hanggang ngayon ay wala pa ito. Napansin ko nga na may bitbit itong maliit na bag na siyang pinaglagyan ata nito ng mga laruan. Nagaalala na tuloy ako kung saan nagtungo o napadpad ang batang iyon..." mahaba nitong litanya sa kaniya.

Maging siya ay nag aalala na rin kung ano ng nangyayari sa batang iyon, pagabi na nananaman at maraming ng gumagalang nilalang baka kung mapano ito.

"Lola umuwi na po kayo ako na pong bahala na maghanap kay Merliah."

"O siya sige ikaw ng bahala gusto ko man sanang tumulong sa paghanap ngunit sumasakit na ang kasukasuan ko sa kanina pang palakad lakad." litanya ng kanyang lola. Ang totoo niyan ay tao talaga ito na siyang napangasawa ng kanyang lolo Jhon at ang naging bunga ng pagmamahalan nila ay ang kanyang Ama na siyang nang iwan sa kanila ng ina niya noon upang sumapi lamang sa isang kilusan. Naging sakim at gahaman na rin ito sa posisyon niyang pagiging alpha na siyang minana nito sa kanyang lolo at dahil hindi ito pure blooded na werewolf ay natakot itong mapababa sa posisyon dahil sa dugong tao na siyang nananalaytay dito.

Bigla itong naglaho hindi kalaunan ay namatay din ang kanyang ina at sumunod naman ang kanyang lolo at dahil anak siya nito ay sa kaniya napasa ang pagiging alpha ng Blackcrest Howlers pack. kahit sa edad niya pa lamang na eighteen years old ay umako na siya ng malaking responsibilidad na pamunuan at pangalagaan ang kanyang nasasakupan.

Noong una'y hindi niya gusto na maging alpha at magaya sa kanyang sakim na ama ngunit bandang huli sa kaniya pa rin naatang ang pack na ito dahil siya lang din naman ang nag iisang tagapagmana ng pwesto na iyon at sa katagalan ay minahal niya na rin at prinotektahan ang pack na kaniyang pinamumunuan.

Tinungo niya ang kagubatan kung saan ang tinahak na landas ng kanyang anak naglaho lamang ang amoy nito ng nasa west border na siya, ang hangganan kung saan maraming nilalang na umaaligid. Iniisip niya pa lamang iyon ay nag aalala na siya sa kahahantungan ng kawawa at munti niyang anak. Hindi niya kakayanin kung pati ito ay mawawala sa kaniya. Iyon na nga lang ang naiwan sa kanyang bagay ng pumanaw niyang mate at ito ay posibleng mawala pa sa piling niya.

"Papa!" matinis na sigaw ng isang paslit. Hindi man niya lingunin ito ay kilalang kilala niya ang batang iyon.

Agad niyang nilingon ang munting anak niya upang sana'y pagalitan ito ngunit agad na bumungad sa kanya ang masaya at malaking ngiti nito sa labi habang nakaangat sa ere ang dalawang braso nito na para bang nagpapabuhat. Agad na nanlambot ang puso niya kasabay ng masuyo niyang pagtingin dito.

Ngayon niya lamang nakita ang maaliwalas at malaking ngiti nito na para bang sobrang saya ng nangyari sa buong araw nito. Doon pa lamang ay nawala na ang inis niya dito.

Agad niya itong binuhat at mahigpit na niyakap para itong nakaliti sa biglaan niyang ginawa kaya marahan itong napahalakhak. Napangiti siya sa kasiyahan nito.

"Anak saan ka ba nanggaling kanina ka pa namin hinahanap ni Nana Lena." pag uusisa niya dito.

"May pinuntahan po akong bagong kaibigan malapit dito..."

"At sino naman ang bagong kaibigang ito?"

"Bago ko lamang po siya nakilala.. Kani kanina lang po papa at hinatid niya ko dito ngunit hindi niyo po siya naabutan.. Pero huwag po kayong mag alala papa sa susunod ipapakilala ko po siya sa inyo ni Nana Lena..." Litaniya nito kasabay ng pagtaas ng kaliwang kamay na para bang nagpapromise.

Kahit na kausap niya ang anak niya ay kanina niya pa napapansin na may mainit na mata ang siyang sumusubaybay sa kanila. Lumingon lingon siya sa paligid at may isang pares na hazel brown na mata ang siyang sumalubong sa mata niya. Kakaiba ang titig nito. May init doon na makikita kahit ito'y mukhang nagulat. May ibinubulong ang lobo niya sa kanya na hindi niya maintindihan, para bang may nagtutulak sa kanyang lapitan ito sa tanungin kung sino ang taong nagmamay ari sa mga matang iyon.

Ngunit bago niya pa ito malapitan ay agad itong naglaho sa dilim at kahit na anong hanap niya dito ay hindi niya na ito makita ni amoy nito ay wala na kaya hindi niya na masundan ang taong iyon.

"Papa ano pong hinahanap niyo?" may halong pagtataka nitong tanong.

"Wala anak tara na't umuwi na tayo ng makapagpahinga ka na..." sambit niya bago sila lumisan sa west border kung saan huli niyang namataan ang taong may magagandang mata.

Ilang minuto lamang ay nakarating na din sila sa kanilang kabahayan kung saan naghihintay at nagdadasal mataimtim ang kanilang Lola Nena. Nang makita sila nito ay agad itong dumalo sa kanila at niyakap ang paslit.

"Ikaw na bata ka pinag alala mo kami...kanina pa kami naghahanap sayo, saan ka ba kasi nagpupupunta?" patanong nitong litanya sa kaniyang munting anak.
"Alam mo ba kanina pa kami naghahanap sayo halos mabaliw kami sa pagkawala mo, hindi ka agad namin nahanap ng papa mo..." dagdag pa nito.

Maging siya ay halos mawala din sa katinuan habang hinahanap niya ito ngunit hindi niya lamang pinahalata iyon.

Hanggang sa humiga siya sa kama ng kanyang anak habang katabi ito ay hindi parin mawala wala sa isip niya ang estrangherong nagtatago sa puno sa kagubatan.

Muli niyang binalikan ang oras na saglit na pagtatama ng mata nila at maging ang pakiramdam na muli niyang naramdaman pagkatapos ng maraming taon na lumipas, at maaahalintulad niya ang pakiramdan na iyon ng una niyang matagpuan at makita ang pumanaw ng ina ni Merliah, ang una niyang minahal...

Si Lea, ang kaniyang dating mate na pumanaw na limang taon ng nakalipas...











TOCAC 1: His Another MateWhere stories live. Discover now