Ry rolled her eyes. Binago sila ng Maynila, pero ang kaartehan nito ay buhay na buhay pa rin. "Pero seriously, how did you stay in love for that long?"

"Always say sorry first," kay Nigel sinabi ni Jiro iyon.

Hinampas ko siya, "Ano? Are you saying na hindi ako nagsosorry?" Totoo naman ang sinabi niya na palagi siyang nauuna magsorry kapag nag-aaway. Minsan nga ay mauuna ang sorry niya bago ang away.

"You cry, then I say sorry." humagikgik siya. Mas naging matipuno ang itsura at katawan niya sa mga nagdaang taon sabi ng mga kakilala namin, pero para sa akin ay parang wala namang nagbago. Baka dahil palagi ko naman siyang nakikita. Magkamukha na nga rin daw kami!

"Magaling 'yan umiyak! 'Wag kang nagpapaloko!" sabi ni Ry.

"I can't stand seeing her cry, and I don't mind having to go after her all the time,"

"Arte talaga ni Trey!"

"Nigel, dati pa ay nagtataka na ako kung bakit ba patay na patay ka dito kay Ry, ngayon ay hindi ko na mawari kung bakit mo pa ginirlfriend!" biro ko.

"Aba syempre, I'm so pretty kaya! Right, Nigel?" 

Humalakhak na naman si Jiro. Inilapit niya ako sa kaniya kahit wala naman nang space, parang hindi pa sapat ang lapit namin. Hinalikan niya rin ang sentido ko.

Dati, akala ko, nagkakasawaan ang mga magkasintahan sa katagalan kaya naghihiwalay, pati mga mag-asawa, pero hindi pala totoo. It's been years, but I'm still deeply in love with this man.

He's matured a lot, and he made me mature too. Pero kaming dalawa ang pinakakilala ang isa't isa, at alam rin namin na sa likod ng maturity ay ang mga puso namin na bata. Hindi namin tinatago ang mga naiisip namin na minsan ay childish talaga, iintindihin pa namin. 

Noong bago-bago pa kami sa relasyon ay madalas ang tampuhan at sa huli ay siya palagi ang nagpapakumbaba. Ngayon ay bago magtampuhan ay pag-uusapan na agad bago pa lumala. Karamihan sa mga away namin ay dahil lang selosa ako, pinagseselosan ko ang mga babaeng lapit nang lapit sa kaniya kahit hindi niya naman pinapansin. We were young then.

Mas importante nang matalo sa pinag-aawayan, wag lang siyang mawala. There are a million things more important than pride, and losing them over it will never be worth it.

One thing I have learned after being in a relationship with him, is to always try to understand. 

Sa susunod ko sigurong buhay ay ipis na lang ako dahil masyado na akong sinuwerte sa buhay ko ngayon. Sige, ayos lang. 

Pagkatapos naming mag grocery ng sandamakmak na stocks para sa bahay at sa party ay pumunta pa kami sa mall para bumili ng regalo para kay Lola. Hawak ni Jiro ang kamay ko na para bang bata akong mawawala kapag binitawan.

"I love you," biglang sabi niya habang tumitingin ako sa mga bag na tipo ni Lola.

"Yeah right," 

Kinabahan yata siya sa sinabi ko kaya hinarap niya ako, "Why?"

Ang mga mata niya ay seryoso akong tinitingnan, at hanggang ngayon ay sobrang napopogian pa rin ako sa kaniya't bumibilis pa rin ang takbo ng puso ko dahil sa kaniya. Buti na lang talaga ay alam ng lahat na taken na siya, wala nang masyadong lumalapit. Iyon nga lang, kapag bagong kakilala ay hinaharot pa rin siya.

Nangingiti kong tiningnan ang magkahawak naming kamay at ang daliri niyang may singsing. Binili niya iyon para sa sarili niya, na kapag daw may lumapit sa kaniya ay ipapakita niya iyon at isipin na kasal na siya. 

"I am so married to you," sabi niya nang mapansin na tinitingnan ko ang singsing.

Tumawa ako at umiling. Not yet, Ji. But we'll get there.

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Where stories live. Discover now