I noticed some stares from my cousins and their wide smirks. Pansin kong iyong sa itaas kung saan sila mag-iinuman mamaya ay may ilaw na. Doon kasi sa bandang iyon ay tila isang veranda tapos tanaw ang mga dumaraan sa harap ng bahay.

"Ma, gisingin niyo bukas si Jacob ng maaga. Papasok pa 'yan," paalala ko kay Mama. Hindi katulad ko, dalawang araw akong mananatili rito. And him, he's just being invited by my cousins for some drinking sessions.

"Oh? Gago may pasok ka pa raw bukas," singit ni Chance na kaagad tinakpan ang bibig dahil sa mura.

"Oo at kung hindi dahil sa pang-aaya ninyo, hindi 'yan pupunta rito," nginuya ko ang pagkain.

Parang nag-iba kaagad ang isip ko dahil mukhang kanina ay tila balak ko pang i-text ito kung makakahabol ba tapos ngayon...

"Hayaan mo na. Pumapasyal lang naman ang batang 'yan dito," saad pa ni lola. I heard Jacob's low laughs so I eyed him.

"Op. Tama naman ang lola mo. Gusto kong makapasyal saka wala naman kaming pasok bukas. Akala mo ba, kayo lang?" pang-iinis niya sa akin.

I continued eating and didn't gave him my attention. Hindi na nadugtungan pa iyon at minadali ko ang kain.

I don't know why I am upset. I just felt really not comfortable now knowing that he'll drink. O dahil ba sa pagiging busy ni Alonzo?

Gosh. I'm missing him. Para akong isang batang iniwan ng ina kahit ilang araw lang. Tapos ngayon ay sina Jacob ang pinaparamdaman ko niyon.

I sighed in disbelief and continued eating until I finished. Ako na rin ang nagpresintang maghugas ng pinggan dahil pagkatapos niyon ay magpapahinga na sina lola.

Si Mama na ang nagkusang dalhin sila sa kwarto pagkatapos nilang magpahinga ng kaunti. Ako naman ay dinala ang lahat ng huhugasin sa lababo.

"Ako na dyan.," Jacob's voice followed me as I carry those plates. Aangal pa sana ako ngunit mabilis niyang naagaw sa akin ang mga iyon.

I can already hear my cousins' voices upstairs. Tingin ko ay nag-uumpisa na itong gumawa ng mga ingay.

"You should join them. Ako na ang maghuhugas dito."

"No. Ako ang maghuhugas. Kaya ko naman."

Napabuntong hininga ako. Wala na akong naging palag pa dahil sa kagustuhan nga niyang makatulong sa akin.

"Galit ka ba talaga sa pagpunta ko rito? Gusto mo umuwi na ako?" he asked in the middle of washing. Napahilamos ako sa mukha.

Well, maybe part of me didn't liked his idea of coming in here. May parte rin na sadyang gusto ko lang makasama si Alonzo. How I wish he's not busy right now.

"Not really. I just miss Alonzo," sagot ko na ikinatigil niya.

He stopped washing and then faced me. Nakatukod ang kanyang kamay sa lababo habang ang tingin ay nasa akin.

Walang namutawing kahit anong salita mula sa kanya sa loob ng ilang segundo. Tila binalewala ng mga pinsan ko ang kanyang presensya.

"Really? Bakit hindi ka pumunta sa kanya?" naupo ako sa silya. Parang wala pa rin itong kahit na anong ideya sa nagiging schedule ni Alonzo. Pabor na nga sa akin kung tutuusin na narito siya. At least, I can have someone to talk to aside from my cousins.

"Busy. Alangan namang istorbohin ko?" he laughed a bit and then shook his head. Doon lang ito tumalikod ulit saka naghugas ng pinggan.

"You know that I am always here to support your relationship with him, right? Simula pa lang, sinuportahan na kita sa kanya kasi alam kong mahal mo rin siya. Looks like he's got no time for you now, huh?" hindi ko alam kung anong ipinupunto niya sa akin.

Iyong boses niya ay seryoso at ngayon ay wala akong nababahirang kahit na anong biro.

"Naiintindihan ko naman. Bakit? Ayaw mo bang nakikita siyang nag-aaral?"

"Hindi naman sa ganon. Para naman kasing nawawalan na siya ng oras sa'yo? I mean, hindi naman sa naninira ako, ah?" he said.

"Naiintindihan ko naman siya. Why? Concern ka na niyan sa akin?" I teased him but he never smiled or even laugh. Ni hindi man lang ito nagpakawala ng kahit na anong ngiti.

"Bawal na ba? You know, I always wanted to see you happy. Hindi iyong tila nalulungkot ka pa."

Ako ang natawa sa uri ng kanyang pananalita. Naririnig ko na ang tinig ng mga pinsan kong tinatawag siya pero tila binabagalan niya pati ang uri ng kanyang paghugas.

"Naks. Coming from you? May napasaya ka na ba sa buhay mo, ha?" usisa ko sa kanya.

"Oo naman. Bukod kay Mama, kasama na doon iyong babaeng gusto ko," napaismid ako sa naging turan niya.

Bukambibig minsan kapag tinatanong ko pero hindi man lang maipakita sa akin ang mukha ng babaeng gusto niya. Ilang taon na 'yan pero kahit minsan, wala akong naalalang may sinabi itong pangalan o kaya may ipinakita itong larawan sa akin.

"You're funny," pinigilan ko ang mapatawa ng malakas. He wiped his hands and began arranging the plates.

"Talaga? Eh ba't sa iba ka sumaya?"

"Gago. Kaya mo bang palitan si Alonzo?" hirit ko pa sa kanya.

He sighed. "Funny nga tayo pero hindi naman ynnuf. Why Lord?" mahina ko itong sinuntok sa braso dahil umaaktong tila sumasalo ng grasya mula sa itaas.

Napaaray siya nang dahil doon saka natawa.

"Ayusin mo nga 'yan. Hugot ka ng hugot, hindi mo naman magawang mapakilala ang babaeng gusto mo."

"Ako nga rin. Hindi niya ako kilala kahit ilang beses na kaming nagkita. Parang hangin ba. Alam mo 'yon?" inirapan ko ito.

"Umayos ka nga. Tapusin mo na 'yan dyan tapos punta ka nang taas. Kanina ka pa hinahanap ng kalahi mo doon," panaboy ko sa kanya. He nodded his head and then I went upstairs, to my room.

Napahiga na lang ako sa kama at dinama ang lambot niyon.

If ever I'll meet that girl who made my besfriend be loyal to her, I don't think I am ready to surrender Jacob. Naiisip ko pa lang ang araw na walang Jacob na magpapakita sa akin, parang isang napakatagal na panahon ang ipinagkait sa akin, makita ko lang siya.

Hindi ko yata kakayaning maghihiwalay din kami bilang kaibigan kasi mayroon na siyang pasasayahin.

I mean, kaming dalawa ang unang nagkakilala, eh. Katulad niya, susuportahan ko rin ang relasyon nila kung sakali. Iyon nga lang, parang napakahirap sa parte ko. 

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now