"Hindi pa nga. Baka gusto mong daluhan kami? Punta ka lang doon mamaya," I ignored it and stood up.

Wala akong balak uminom lalo pa't narito ako kina lola. I can drink but not here.

"Kayo na lang," iniwan ko sila roon saka lumabas ng bahay. I went to my grandmother's garden and sat on the hammock.

Hindi hamak na mas maganda ang buhay dito sa probinsya. Bukod sa sariwa ang lahat, narito rin ang kasiyahan na minsan ay hindi mo makikita sa syudad.

I grew up here. Nang nakapag-asawa lang si Mama nakaalis dito. And it will take me months before I can finally visit here again.

Kung piyesta naman ay naririto rin ako, nakikipagsaya sa mga pinsan ko. I can't really imagine myself not visiting here for once in a while. Parte na iyon ng buhay ko.

I wanted to be here as long as I want. Hangga't kakayanin at hangga't nabubuhay pa ako.

Though I know that Alonzo can do his best for what he promised, I am still waiting for that time to come. Na magkakaroon siya ng medical mission dito at kahit papaano ay makapagpatayo ng hospital. I love that idea, actually. Matagal na rin naman kasing walang naglalakas-loob na magpatayo ng hospital dito.

I love his dedication to his career. Hindi ko naman kinokontra iyon lalo pa't iyon talaga ang kanyang kagustuhan.

I want to witness him wearing his official uniform someday. May stethoscope na nakasabit sa leeg habang malapad ang ngiti sa kanyang labi. I can be more satisfied because of that.

Makita ko lang talaga siyang natupad na ang mga pangarap ay masaya na ako. Supporting him all the way is the least I can do for him. Kapag nagtagumpay na, doon na ako mas sasaya pa.

I can't wait to call him Dr. Castellano. Sana, kahit ilang taon pa ang dumaan ay ako pa rin ang para sa kanya. He's the man that everyone's wishing for. Nasa kanya na ang lahat. Wala ka nang hihilingin pa.

Nanatili ako roon sa duyan at nalibang sa kakatitig sa mga bulaklak na naroon. I watched how the flowers were swayed by the fresh air. Naging mas matagal ang pananatili ko roon hanggang maghapon.

With the calm environment that surrounds me, I managed to watch the sunset. Mula sa kinauupuan ko ay tanaw na tanaw ko ang papalubog na araw.

How I wish that I am with him now. Habang patagal ng patagal kasi kami, parang unti-unting nawawalan na kami ng matagal na oras sa isa't isa. Nang dahil sa pangarap kaya iyon nangyayari.

We both wanted to finish all our studies and let ourselves savor the moment after that. Sana nga ay mangyari pa iyon na kaming dalawa ang magkasama. Na magtatagal pa kami kahit alam ko mismong parang katulad ngayon ng araw.

Medyo papalubog na.

My thoughts are harsh today. Epekto ba ito ng pagpunta ng Jacob dito?

Napatawa ako sa mga naiisip. Kung meron mang suportado sa aming dalawa ni Alonzo, bukod kay Mama, si Jacob iyon.

Though I can sense some bitterness sometimes from him, it still cannot change the fact that he's there to support us. Una pa lang ay siya na ang nagsuporta sa amin. He really is my friend after all.

Pakadating ng gabi ay sama-sama kaming naghapunan sa hapag. Si Mama na ang nagluto ng makakain at syempre, tumulong ang mga pinsan ko. I was busy watching the sunset earlier so I didn't got a chance to help her.

Naabutan ko na lang na nasa hapag na silang lahat at tanging sa tabi ako ni Jacob naupo dahil doon lang naman ang bakante.

He smiled at me and even offered me a plate with full of rice. Tinanggap ko iyon at hindi na nag-inarte pa dahil gutom naman na ako.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now