Chapter 15 [Hihintayin]

Magsimula sa umpisa
                                    

"Siguraduhin mong hindi magagalit ang magiging balae ko." Tumayo si papa at umalis na sa harap namin. "Simula ngayon, kapag pupunta ka rito ay tutulong ka sa bahay. Halika sa labas at nang makita mo kung anong hirap ang araw-araw naming hinaharap."

Nagkatinginan pa kami ni Wilbert nang lumabas si papa ng bahay. Nagmadali kami at sinundan siyang lumabas sa bakuran.

"Dito sa bukid, putik ang iyong kaharap. Magtanim ka lang ng gulay mabubuhay ka na," kwento pa ni papa at sinundan si tito na malapit sa kawayan, nagbubungkal ng kung ano.

Nilapitan namin siya saka tiningnan kung ano ang binubungkal niya sa lupa.

"Ano ba 'yan, tito?" usisa ko.

"Ube. Magluluto ang lola mo mamaya ng halaya." Huminto si Tito sa ginagawa niya at hinarap si Wilbert. "Ikaw naman ang magpatuloy nito. Simula na ng duty mo ngayon." 

Binigyan ni Tito ng gulok at pala si Wilbert at sinimulan na niya ang pagbubungkal ng ube sa lupa. With all of Wilbert's strength, he managed to harvest two kilos of ube. Maliliit pa nga ang nakuha niya pero ayos lang daw 'yon at tuturuan siya nila papa sa susunod para alamin kung ano ang maganda nang maani.

"'Nak, dalan mo 'yong manliligaw mo ng melon juice." Napalingon ako kay mama na nasa bintana. "Nasa loob."

Pumasok ako sa bahay at nagsalin ng juice sa tatlong matataas na baso. Akin itong dinala sa bakuran gamit ang plato para hindi matapon.

"Juice kayo r'yan…" Nilapag ko ito sa papag na gawa sa kawayan. 

Kanina ko pa tinatanaw-tanaw ang hubad na katawan ni Wilbert mula rito sa inuupuan ko. Sa tuwing tatama ang sinag ng araw sa kaniyang katawan ay kikislap ito at makintab dahil na rin sa pawis niyang mas lalo siyang pinagmukhang masarap.

Masiyado akong nanghihina at nananabik kay Wilbert kapag nakikita ko siya sa ganoong estado. Mas nakakapanabik siya hindi hamak kay Luke. Malayong-malayo pa sa buwan, mas maalab pa sa sinag ng araw, at mas marami pa ang bilang sa bituin na nagniningning sa kalangitan ang nadarama ko kay Wilbert kumpara kay Luke.

Hindi ko batid kung tama pa ba na pinagkukumpara ko silang dalawa pero ganoon ang nararamdaman ko. Mas matimbang si Wilbert.

"Masarap?"

"Ang sarap mo." Natutop ang dila ko nang huli ko na mapagtantong kausap ko pala si Wilbert. Tangina naman kasi, nangangarap ako nang gising.

"Masarap ako?" natatawang tanong ni Wilbert.

"Oo, masarap martilyuhin ulo mo," ismid ko. Inabot niya ang basong puno ng melon juice na gawa ni mama. Kung gusto n’yo ng recipe, mayro'n sa Google.

"Ito naman, pinapangarap mo naman akong masiyado. Don't you ever worry, sa iyo lang ako." Ang makakapal na kilay ni Wilbert ay nagtaas-baba sa akin.

"Ang landi mo!" sigaw ko at duro sa kaniya. "Maligo ka na nga ro'n sa poso, ang lagkit-lagkit na tingnan niyang katawan mo, oh. Pawis na pawis ka na."

Naupo siya sa aking tabi at inakbayan ako. Oo na, inaamin ko na, ang bango pa rin niya kahit pawis pero ang lagkit! Itinaboy ko siya at umiwas.

"Ang lagkit mo, Bert. Mamaya ka na yumakap kapag nakaligo ka na," nandidiri kong sabi. Tiningnan ko ang kabuuan ng katawan niya saka sinuri. He has a lean build, mas muscular nang kaunti si Luke pero masarap pa rin si Wilbert. Pinkish ang utong, fetish ko 'yan lalo na kapag hairy ang armpits tapos mabango.

Hindi na ako magrereklamo pa kung gaya lang ni Wilbert ang ibibigay sa akin. I heard something snapped in front of me and I noticed it was Wilbert's fingers.

"Nakatulala ka na naman sa 'kin. Ano ba 'yan, Tristan, 'wag ka naman masiyadong pahalata na nahuhumaling ka na agad sa akin. Hindi pa nga kita sinasagot pero hulog na hulog ka na."

Fontabella 1: The Businessman's TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon