The Royal Chapter 28

1K 75 14
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Another update for today everyone! I hope you are enjoying the flow of this story so far. Guys kung hindi nyo pa nalalike ang official fb page ko ay ito po ang username: @visibleteller. Search nyo lang po. Doon po ako maguupdate sa announcement sa first book ng "The badboys series". 

Mga next month ko ioofficially announce ito so watch out po sa mga updates ko sa FB page ko. May title na ako actually sa first book pero di ko muna iaannounce ayaw ko maispoil kayo hehehe.

Don't forget to vote and comment po. Enjoy reading!

* * * * * * * * 

"BENJIE NAIIHI AKO PATULONG NAMAN!" sigaw ko kay Benjie na kasalukuyang nag CCR ngayon.

"Teka lang sandali, natatae pa ako." sigaw nya pabalik sa akin.

"Nako naman Benjie bilisan mo dyan at ako'y ihing ihi na." Di ko na talaga kayang pigilan. Tatlong buwan na din magbuhat nalaman ko ang kakaibang sitwasyon ko. Kagaya nga ng sinabi ng doktor ko ay wala na ako alalahanin pa sa hospital fees kasi sinagot nya lahat ito. Labis ang pagpapasalamat ko kay doc. May mga mabubuting tao parin palang nananahan sa mundong ito at napakswerte ko kasi nakilala ko sila. Isa na dito si Benjie. Hindi nya ako iniwan simula noong unang araw ko dito. Nagtataka nga ang pamilya ng gago kung bakit parati sya dito sa ospital sinasabihan nya lang ito na may binabantayan syang anghel. Maloko talaga tong si Benjie. Mas nakilala ko pa sya ng lubusan dahil sa kanyang araw-araw na pagbisita sa akin dito sa ospital. Palangiti at palabiro ang isang to. Mabilis din syang mapikon kung binabara sya. Kagaya nalang noong sinabihan ko syang panget, napikon ang gago kasi GGSS po sya. Masyadong Gwapong Gwapo Sa Sarili. Kaya sinasakyan ko na lang sya. 

Nasabi nya rin sa akin na di malabong magustuhan nya ako pero pinigilan ko sya. Ayaw ko munang magbigay ng pag-asa sa kanya. Although, hindi sya mahirap mahalin pero hindi pa kasi ako totall nakamove on kay Jordan. Hindi naman deserve ni Benjie na maging rebound kasi napamabuti nyang tao. At isa pa, gusto ko munang ituon ang aking atensyon sa anak ko. Nagalak naman ako kasi naintindihan nya sabi pa nga nya sakin. 

"Hmp, basted agad ako. Pero no worries, mabilis akong makamove on. Hmp!" pabirong pagtataray ni Benjie with matching flip ng hair pa. Para talaga syang timang.

Natatawa nalang talaga ako sa tuwing naiisip ko iyon. Pero ang dami dami ko ng nasabi at hindi pa tapos umihi ang impaktong to.

"HOY BENJIE WALA KABANG BALAK LUMABAS DYAN?" sigaw ko ulit. Hindi ko na talaga kaya parang sasabog na ang pantog ko.

"TAPOS NAKO, PALABAS NA PO AKO KAMAHALAN." 

"DALI NA, HINDI KO NA KAYA SASABOG NA PANTOG KO!" 

* * * * * * * * 

Dito ka lang sa tabi

by Yeng Constantino

Wag kang ganyan, nag-aalinlangan
Padalos dalos ang pagkilos sa kung saan saan
Wag kang ganyan
Baka lang di ko makayanan
Unti-unting nahihibang sa kakaabang
Wag kang malayo, tara na dito
Naghihintay lamang ako
Wag nang itago ang panunuyo
San ka pupunta
Lumapit ka na, pwede ba?


Dito ka lang sa tabi
Dito ka nga ah
Dito ka lang sa tabi
Dito ka nga ah


Nagdaan pa ang mga araw ng pagbubuntis ko. Wala namang masyadong naging problema kasi iniingatan ko talaga ang sarili ko dahil alam kong may anghel akong dapat protektahan. Hindi naman naging mahirap sa akin sa ospital dahil kahit papano ay nasa aking tabi si Benjie para alalayan ako. Siya yung pinagsasabihan ng mga doktor sa Do's and Dont's ng pagbubuntis ko. Siya din palagi ang nag-aasikaso ng mga kinakain ko. Napakastrikto nga ni Benjie kasi minimake sure nya na healthy lahat ng kinakain ko para malusog si baby. 

Sold to be loved [COMPLETED√] [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon