The Royal Chapter 18

1.2K 78 2
                                    

AUTHOR'S NOTE

Hello again mga kawattpader. Una po sa lahat humihinge ako ng pasensya dahil sobrang tagal kung nakapagupdate. I suffered from depression po kasi kaya kailangan ko ng mahabang pahinga para maibalik ang dating sigla ko. Ayaw ko naman pong maapektohan ang kwentong dahil sa pinagdaanan ko. Thankfully nakarecover na po ako and promise ko sa inyo na tatapusin ko ang Sold to be loved within this month kasi may bago na naman akong gagawing story pero baka sa ending chapter na ng Sold to be loved ma iintroduce ang panibagong akda na aking gagawin. So enjoy this chapter and asahan nyo po na may kasunod pang update ito ngayong araw. Actually I'll try my best to at least update five chapters today kaya laban lang.

TAKE NOTE: KAKAEDIT KO LANG PALA NG LAHAT NG CHAPTERS. Mas pinaganda ko ang batohan ng linya at nilinis ang mga errors. Kaya I recommend na basahin nyo nalang po ulit ang Sold to be loved from the very beginning. Nasa sa inyo nadin po yun bat kung ako ang tatanungin nyo babasahin ko ulit to from the start.

ENJOY READING

* * * * * * * *

"Asan po ba talaga tayo pupunta Prince Jordan?" tanong ko dito sa katabi ko habang abala ito sa pagdadrive. Eh para naman kasing tanga eh. Basta basta nalang nagpapasama ng walang pasabi. Ako naman tong gago na sama kung sama. Baka pag may nang kidnap sa akin ay baka kusa na akong sumama.

"Relax ka lang kasi dyan, para naman tong sira. Sabi ko naman sa'yo diba mageenjoy ka sa pupuntahan natin." Ayan na naman po sya sa mga paganyan ganyan nya yung sinasabi nyang wag akong magalala pero sa halip na wag akong magalala ay parang mas kinakabahan pa ako. Baka mamaya sa bar na naman ang padpad namin at magwowork-out na naman ako kakabuhat sa kanya. Pero parang may parte sa aking puso na parang magalak dahil solo na naman namin ni Jordan ang araw nato. Ano kaya ulit ang nangyari sa kanila ni Veronica kung bakit nag-aya na naman to.

"Prince Jordan, may nangyari na naman ba sa inyo ni Veronica?" tanong ko dito habang tinititigan ang mukha nyang abala sa pagmamaneho. Napapansin ko rin na lumalayo na kami sa syudad, saan ba talaga ako dadalhin ng lalaking to ayaw pa kasi sabihin kainis. Pa hard to get ang gago.

Lakas natin makagago besh ah? Sabi ng isipan ko. Tsk, yaan mo na nga ako di naman nya narinig.

"Sinong gago?" nakakunot nyang tanong. Hala patay may kakayahan ba ang mga prinsipe na bumasa ng utak. So totoo talaga ang mga nasa fairytales na may special powers ang mga prince charming. Paano nya nalaman ang nasa isip ko. Medyo natatakot na ako sa lalaking to ha baka mamaya isa pala syang engkanto nagkatawang tao at naghahanap ng mabibihag at heto na nga ako ang nabihag ng napakagwapong engkanto na ito.

Hoy gaga, sabi ko sayo diba ang lakas natin makagago dahil literal yun. Naisatinig mo yun tanga. Shabo pa besh ayan nagreresulta na ang mga drugs na pinaggagamit mo. Asar na sabi ng utak ko. Pansin ko lang ah parang ang dami ng involvement ng utak ko dito. Ano ba author baka mamaya sya na ang star ng pasko ng estoryang ito at hindi na ako. Nako humanda ka talaga sakin author.

"Ano kasi Jordan may naisip lang ako hahaha tama naisip ko yung gagong tambay sa lugar namin hahaha gago talaga yun hahaha parating gumagawa ng kagagohan hahaha." Sabi ko nalang. Para na akong timang dito actually.

Buti alam mo! Sumbat sakin ng isipan ko. Ano ba nakakarami ka na ha, nang-aagaw ka na talaga ng eksena leche ka.

"Ewan ko sayo, di kita maintidihan."

Ngumiti nalang ako at hindi na umimik baka kasi kung ano pa ang masabi kong katarantaduhan.

"Alam mo nalulungkot talaga ako kasi parang lumalabo na ang relasyon namin ni Veronica." Pagsira nya sa katahimikan naming dalawa.

Sold to be loved [COMPLETED√] [EDITING]Where stories live. Discover now