The Royal Chapter 22

977 70 0
                                    

Maaga akong naging ngayong araw. Ngayon ko kasi balak ipagluto si Jordan ng sinigang. Sobrang kinakabahan ako kasi baka mamaya magkamali ako at maapektohan ang lasa nito. Bakit ba kasi ako kinakabahan eh magluluto lang naman ako at sanay na sanay akong gawin to.

Eh kasi nga gusto mong magpa impress kay Jordan kunari pa to. sabad ng magulo kong utak.

Hoy di ako nagpapaimpress no. Gusto ko lang talaga sarapan kasi ano, kasi- 

O dali na hanap ka na ng palusot. Nako Vin ako pa talaga iniechos mo eh ako ang inner self mo wala kang maitatago sa akin. Gagang toh! Di talaga ako mananalo dito sa abnormal kong utak. 

Basta gusto ko lang sarapan ang luto ko dahil ayaw ko ng mapahiya pa kay Jordan. Oo yun nga ang dahilan at wala ng iba period no erase. 

Sa halip na gugulin ko ang oras ko sa pakikipag-away dito sa utak kong wala ng ibang ginawa kundi ang litohin at guluhin ako ay minabuti kong ituon na lang ang atensyon ko sa pagluluto. Hinanda ko muna ang mga sangkap na aking gagamitin. Kinondisyon ko talaga ang sarili ko para maging perpekto ang aking gagawing pork sinigang. Hinugasan ko ng mabuti ang baboy. Naglagay na din ako ng tubig sa kalderong gagamitin ko para masimulan ko na din ang pagpapakulo. Habang naghihintay ako ay hinanda ko ang iba pang kasangkapan kagaya ng kamatis, bawang, sili, radish, okra, sitaw, kangkong, at ang pinakahindi dapat makalimutang sangkap na kokompleto ng lahat ang MAGGI Magic Sinigang Sampalok with Gabi Mix. 

(A/N: Hindi po to sponsor pero baka naman . . .) 

Habang naghihiwa ako ay bigla ko naalala ang mga masasayang sandali namin ni Jordan. Parang fairytale lang kung aking iisipin. Napapangiti nalang ako sa tuwing sumasagi sa aking isipan ang mukha ni Jordan na malakas na tumatawa. Ang sarap nyang tingnan. Napakatotoo kasi ng mga tawa nya. Mga tawang nakakapagpawala ng lungkot at nakakapagpapawi ng mga pangamba. Ayaw kong tanggalin ang tawang yon sa mukha nya. Gusto ko na sana palagi nalang syang masaya kasi nalulungkot sa tuwing nakikita ko syang hindi masaya. 

Ngunit sa tuwing sumasagi din sa aking isipan na darating ang araw na malalaman nya ang totoong rason kung bakit dumating ako sa buhay nya ay di ko mapigilang di malungkot. Aaminin ko na may nararamdaman na ako sa kanya at habang tumatagal ay mas lalo itong umuusbong. Nasanay na din ako na nakikita sya parati at parang di ko kaya na makita syang galit sa akin at kinamumuhian ako. Ayaw kong dumating kami sa puntong yun.

Nasa ganoon akong pag-iisip ng di ko sinasadyang mahiwa ang daliri ko. Namalayan ko na lang na tumulo na ang luha ko. Pero batid kong hindi ako umiiyak dahil nasaktan ako sa pagkakahiwa ng daliri ko. Nasasaktan ako dahil alam kong may kapalit ang kasayahang tinatamasa ko ngayon. Darating ang araw na malalaman ni Prince Jordan ang lahat at yun ang nagpapabigat ng kalooban ko. Itinigil ko muna sandali ang paghihiwa at hinugasan ang aking nahiwang daliri. Nilagyan ko din ito ng band-aid para hindi tumulo ang dugo sa aking niluluto.

"Prince Jordan, sana mapatawad mo ako. ngayon palang ay humihingi na ako sa'yo ng tawad." bulong ko sa hangin. Ibinuhos ko lahat ng aking emosyon sa aking niluluto. Gusto kong maramdaman nya ang pagmamahal ko sa pamamagitan ng pagluluto nito. Maaaring ito na ang huling pagkakataon na matikman ni Prince Jordan ang special sinigang ko kaya gagalingan ko na. 

Tinuloy ko na ang aking pagluluto ng sinigang. Alam kong masarap ito dahil ramdam kong nasa akin ngayon ang pinakaimportanteng sangkap - pagmamahal. I am driven by love kaya nagiging madali sa akin ngayon ang pagluluto para akong nakalutang sa alapaap habang nagluluto ewan ko parang ganoon ang nararamdaman ko. Mga ilang oras ang lumipas at tuluyan ko ng natapos ang sinigang. Kahit na confident ako sa niluto ko ay di ko pa rin maiwasan ang kabahan kaya tinikman ko muna ito. Mas safe ang sigurado. 

Napangiti ako kasi alam kong nagtagumpay ako sa aking layuning maipadama ang aking pagmamahal kay Jordan sa pamamagitan ng sinigang na ito.

"Ang sarap!" sabi ko sa hangin.

Sold to be loved [COMPLETED√] [EDITING]Where stories live. Discover now