"Larry Jhon?" Tawag ko ng pansin.

"Yes, Atrea Wind Duego?" Tumaas ang kilay niya. Ayaw na ayaw niyang tawagin sa full name niya, nandidiri daw siya.

"Gaano kayaman si zjoan?"

"Si Joana Romeo?"

"Oo," sagot ko. Handa nang makinig sa sasabihin ni Larry.

"May ari sila ng hotels sa iba't ibang panig ng bansa. Kasosyo sila ng daddy ko, they are more wealthy than us. Bakit?" Seryoso siyang nakatingin sa akin.

"A-ah, wala. Wala kain nalang ta'yo nagugutom na ako eh." I smiled a little bit.

Hanggang matapos ang lunch, sabaw pa 'rin ang utak ko. Wala akong maintindihan sa klase, wala 'rin pumapasok sa utak ko. Naiisip ko kasi ang sinabi ni Vix, totoo bang mag hihintay siya roon? Totoo bang uupo siya duon hanggang sa hindi ako dumating?

Nakagat ko ang aking labi sa inisip, wala pa akong desisyon. Kung pupunta ba ako o hindi? Pero kapag naiisip ko ang mga sinabi ng kaibigan ni Joan sa akin, natatakot ako.

Makapangyarihan sila, kaya nila akong siraan at paalisin sa school gamit ang pera nila. Kaya nila akong iblockmail para lang mapatalsik. At iyon ang hindi ko kayang mangyari, ang school lang na 'to ang tumutulong sa akin para makapag aral. Kung makaka-alis pa ako dito, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Hindi ko masabi sabi kay Larry, dahil baka gumawa pa siya ng away at masira pa ang pangalan niya dito. Baka sumali na 'rin ang kani-kanilang pamilya ng dahil sa 'akin. Umiling ako sa mga iniisip, ayoko. Hindi pwedi iyon, ayokong mapahamak si Larry dahil sa 'akin.

Natapos ang klase ng buong araw, masayang nagligpit ang lahat. Habang hindi pa 'rin ako gumagalaw sa aking inuupuan. Tanging naiisip ko lang ang sinabi ni Vix, naguguluhan pa 'rin ako. Nakita kong patapos na si Larry at kinalabit ako. "Gurl, tayo na." He said, tiningala ko lang siya. Patuloy lang ang pagtitig niya sa akin, parang nag tatanong ang mga mata. Napalunok ako at dahan dahan tumayo. Nag ligpit ako at natutulala pa 'rin.

"L-larry," nilingon ko siya. Nag lalagay siya ng liptint at make up sa mukha. Nakagat ko ang aking labi habang naguguluhan ang mga mata.

"Ow?" Maarteng saad niya.

"M-mauna ka nalang, may gagawin pa ako sa library e." Pumiyok ako pero pinatatag ko pa 'rin ang sarili ko.

"Sigurado ka? May masasakyan ka ba paguwi?"

"Umh, oo. Madali naman makakuha ng traysikel." Ngumiti ako.

"O siya sige." Tumayo siya at nag beso sa akin. "Mag ingat ka, mukha kang mayaman baka manakawan ka." I smiled a litte bit about his joke.

"Sige, ikaw din."

"Sige bye.." he once again kissed me at nawalan sa aking paningin.

Umupo ulit ako at sinapo ang mukha, unti unti nawawala ang mga ka-klase ko. Unti unti ay ako ang natitira hanggang sa dumilim sa paligid.

It's around 6 pm, mabuti at may ilaw sa sulok ng room, at sa buong building. Marami pa 'rin halos ang mga studyante sa baba at sa labas ng campus. May mga night classes ang iba, kaya sobrang kampante akong magpa-iwan.

Nakalipas ang ilang minutong pagiisip tumayo na 'rin ako. Walang masama kung kakausapin ko lang siya. Sasabihin kong hindi na muli ako babalik sa ilalim ng punong iyon, dahil busy na ako this day. Ang dami kong dahilan kaya sana maniwala siya. Kinuha ko ang aking bag at tumakbo palabas ng pintuan namin, but I stopped when I saw Rehana and her friends.

Nakapag cheer leader outfit sila, mababa ang short at pati ang pang itaas. They were rising their eyebrows at me, naningkit ang mga mata nila ng bumaba sa aking katawan.

Alligators 2: Burning desireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon