CHAPTER 19

29 0 0
                                    


LEAH

Sa pag atras na ginawa ko, diko namalayan na may mabubunggo pala ako kaya ayon, nakabunggo ako sa likod ko, tskk! Gusto kong makipag asaran kay Kuya e. Na out balance ako at muntikan ng matumba ng masalo ako ng isang braso.

Kilala ko yung pabango na yon.

"Tumingin ka sa dinadaanan mo", ang ganda ng boses niya potek.

"S-Sir", ani ko nalang at dali dali akong tumayo ng magkatitigan kame.
"Thank you po", pinilit kong maging normal ang pananalita ko.

"Sa susunod mag ingat ka", maotoridad niyang utos, shet nakakahiya napayuko tuloy ako ng di oras.

"Opo", saad ko nalang at naglakad papunta sa mga sunflower waaaa! Nakakahiya.

Ilang sandali lang ay guminhawa na ang pakiramdam ko, ang ganda dito. Ansarap pang kumanghap ng hangin.

"Hi Ms.", nagulat ako sa nagsalita kaya dali dali akong napabaling sa gawi ko na yon.

Nagulat ako dahil sa pagharap ko nakangiti na siya.

"A-Andrew?", nasambit ko nalang.

"I knew it, sabi na't ikaw yan e", todo ngiti niyang sabi.

Bakit naman may ganto kaganda ngumiti hanep, siguro kung ngumingiti rin si Sir Babe ng ganto, mas maganda to hihihi.

"Andrew anong ginagawa mo dito?", naiusal ko, jusme Leah ano kaba, syempre tourist attraction to.

"Ah naggala lang kame", napakamot niyang sabi.

Kame?

"Kame?", sambit ko.

"Sila Mavy andito rin, after we practice we decide to go here", ngiti nanaman niya, jusme para siyang si Kuya Dwayne diba sila nangangalay kakangiti.

"Ahh", naibulas ko nalang. At sabay ngiti sa kanya.

"Ikaw sino kasama mo?", tanong niya.

"Ah si---",

"Ako", naputol nalang ang sasabihin ko ng may magsalita.

Gulat kong binalingan kung sino ang nag salita.

"S-Sir Kael?", naisaad ni Andrew.

Napatingin pa siya sakin at kay Sir uli, juskooo baka kung ano isipin nito.

"Mag kasama kayo Leah?", di niya makapaniwalang tanong.

"Ah hindi hindi", saad ko tas iwinagayway ko pa ang kamay ko.
"Kasama ko sila Bill, at sila Kuya, kaibigan siya ni Kuya kaya kasama siya", dali dali kong paliwanag, jusme inunahan ko na siya.

Napatango naman ito. "Ah I see".

"Andrew!", sakto namang dating nila. Teka boses yon ni Kuya Dwayne ah.

"Kuya Dwayne", nakangiti nitong kaway at bati kay Kuya Dwayne, magkakilala sila?, kaya nga nag batian Leah e ano kaba.

"What are you doing here?", nakangiti niyang tanong, jusmee parehas na parehas.

"Nagpaparelax lang Kuya", saad niya.

"Teka magkakilala kayo?", tanong ni Yousef.

"Hindi ba Obvious?", nataawang ani ni Kuya Dwayne

Sinamaan lang ng tingin niya si Kuya Dwayne.

Napabaling siya kayAndrew.

"Ah oo, he's my cousin", nakangiti nitong tugon.
"Kakilala niyo pala si Kuya"

"Ah oo kaibigan siya nila Kuya at Sir", ako na ang sumagot dahil tumingin ito sa akin.

"Wow, coincidence ba ito?", ani niya na may ngiti sa labi niya.

Sir, Crush Kita! Where stories live. Discover now