CHAPTER 12

47 2 0
                                    


LEAH

"Ayoko nga po Sir", saad ko nanaman kay Sir Kael.

"Bakit nga ayaw mo? Give me a reason?", ani niya ng malalim ang tono.

"Nahihiya nga po ako", ani ko nalang sa kanya.

Pano ba naman kase, pilit niya kong pinapasali sa Contest na yon, sinabi kase ng walangya kong pahamak kong Kuya na maganda daw ang boses ko, kaya ayon pilit ng pilit sakin, pinatawag pa niya ko at ngayon nasa office niya kame at pilit na pinapasali. Bwisit kase si Kuya bat sinabi sabi pa e, mga kaibigan ko nga di ako napilit e, siya pang crush ko luh! Sige na nga HAHAHAHA charottt, ayaw ko talagang sumasali sa ganon, tama na yung kila nanay nalang ako kumakanta, nakakahiya kase di naman ganon kagandahan ang boses, baka mamaya kanta ako ng kanta wala pala sa tono, baka mamaya pumiyok ako. Aishhhhh! Wag nalang.

"Per-", di niya na tinapos ang sasabihin niya ng magsalita ako.

"No more but's Sir", pag eenglish ko sa kanya na ikinatigil niya.

"Wow, you spoke English", namamanghang natatawa niyang saad.

"Aishhh! Ewan ko sayo Sir minsan na nga lang tumama English ko, papansinin mo pa e, sige na Sir mauna napo ako", paalam ko sa kanya. Naka nguso kong ani sa kanya.

"Wait sabay na tayo?", ani niya na ikinatigil ko sa pag talikod sa kanya, shucksss! Yung puso ko lalabas na waaaaa! Simpleng salita lang na ganon e iba na nararamdaman ko shemayyy!

"P-Po?", pero wala na akong nakuhang sagot sa kanya at ang alam ko nalang e kasabay ko na siyang lumabas ng school.

"Mauna napo kayo Sir, may bibilhin lang po ako", ani ko sa kanya, palusot ko yon para diko siya makasabay waaaaa! Nahihiya kaya ako, kasabay ko ang isang hunk teacher ng school, at ang crush ko shucksss!

"Saan ka bibili?, I join with you", ani niya na ikinagulat ko lalo.

"P-Po, wag na po", pag tanggi ko sa kanya.

"No more but's Leah", pangagaya niya sa tono ng boses ko kanina kaya diko mapigilan ang matawa.

"Bahala nga po kayo Sir", ani ko nalang at di parin humuhupa ang ngiti ko sa kanya.

Naglakad kame papunta sa gilid ng school, natakam ako sa okoy e kaya gusto kong bumili, iniwan naman ako nung dalawamg mokong.

"Manong 20 pesos pong okoy at 10 pesos pong lemonade", sambit ko sa kanya habang nakangiti, last na bili kase namin non e nung nakaraang nakaraang linggo pa kaya natatakam ako, naging busy kase e.

"Sige hija", ngiti niya sakin.
"Nobyo mo ba siya hija?", biglang tanong ni Manong, buti nalang wala pakong kinakain baka nabugahan ko pa to sa sinasabi niya, buti nalang may kausap ngayon si Sir.

"P-Po?, hindi po teacher ko lang po siya", nakaramdam ako ng pag iinit ng mukha dahil don aishhhh!

"Ay akala ko nobyo mo Hija, bagay pa naman sana kayo", pag sasalita neto habang nag priprito ng okoy.

Mas lalo akong nakaramdam ng init sa mukha ko, at sure na sure ako na namumula nako sa mga pinagsasabi ni Manong.
Diko na siya sinagot, baka lalo pakong mamula sa mga dugtong niyang sasabihin.

"Ano yan?", turo ni Sir sa nakasalang sa kawali.

"Okoy po Sir", nawala na ang pag iinit ng mukha ko.

"Okoy?, what kind of food is that?", nagtatakang tanong niya, na lalong ikinalaki ng mata ko, wa? Hindi niya alam ung okoy, seryoso?

"Di niyo po alam ung okoy Sir?", tanong ko uli sa kanya.

"Nope, what kind of food is that?", pag uulit niya.

"Ano po, kalabasa po na hinaluan ng harina, itlog, paminta at iba papong pampalasa", pag papaliwanag ko sa kanya. Umangat pa ang tingin ko sa kanya, kase nga mas matangkad sakin to, nakakaawa nga ang pwesto niy e, na yuko kase medyo di siya kasya sa bubong nung stall ni Manong.

"Sounds good", ani niya pa, halatang natatakam siya.

"Taste good too", pagdadagdag ko sa sinabi niya na ikinatuko niya sakin.

"Thats good nasasanay kana", nakangiti niyang saad, waaaaa! Nanlalambot ang tuhod ko!

"Manong 30 pesos po", aniya dito.
"And this drink Manong, 20 pesos", turo niya sa lemonade.

Natapos ng maluti ni Manong ang okoy at maglalagay na kame ng sawsawan ng mapatingin siya sakin, nakita ko kase sa gilid ng mga mata ko.

"B-Bakit po Sir?", nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Hinalo mo ung suka at sauce?", takang sagot niya sa tanong ko, tsk! Ako una nag tanong e.

"Opo, masarap po ito, kame nila Yousef ganto po ung sawsawan", turan ko sa kanya, what the! Kumakabog ang puso ko ng pag kabilis bilis, pano naman kase nagkatitigan kame eeeeeeee!

Nagulat nalang ako ng gayahin niya rin ang sawsawan ko.
At kumain na, napangiti naman ako dahil halatang nagustahan niya ito dahil napapangiti pa siya at napapatango.

"Sabi sa inyo Sir e", ngiting sabi ko sa kanya, at kumain narin.

Naglakad na kame pauwi dahil malapit nga lang ito sa amin, at sa apartment niya.

"Anong gagawin mo sa loob ng isang linggo kung ganon?", tanong niya ng mapag usapan nanaman yung tungkol sa contest.

"Maggagala daw po sabi nila Yousef", sambit ko sa kanya dahil ayun naman talaga ang totoo.

"I see", aniya.

"Kayo po?, kasama rin po ba kayo sa mag aayus nung event?", tanong ko sa kanya.

"Papasok lang ako sa lunes pero after non ala na", aniya sakin.

Shuckkkksss! Never in my entire life na magkakaroon ako ng pag asang makasamang maglakad at masinsinang makausap ang taong ilang taon kong hinangaan waaaaa! Nakatulala tuloy ako sa kanya habang naglalakad, pero tumitingin tingin naman ako sa daan.

"Why are you staring at me?", tanong niya sa husky na tono, na ikinagulat ko at napabaling sa iba.

"Ah wala po", sambit ko nalang kase ayokong sabihin at malaman niya na hindi lang ako makapaniwala at baka masabi kong may crush ako sa kanya, ngayon pa ngalang na hindi niya alam e hiyang hiya nako, pano pa kaya kung alam na niya hay jusko! Baka di nako magpakita dito.

"San kayo galing bud?", tanong ni Kuya ng makarating kame sa bahay.

"Sa school", sakrastiko na sagot ni Sir.

"HA HA HA, happy ka bud?", kunwaring natatawang saad ni Kuya.

"Not really", ngisi neto kay Kuya.

"By the way, napapayag mo itong studyante mo?", tanong ni Kuya kay Sir at turo sa kin. Ay may kasalanan ka nga pala to .

"Ayaw e", maikling sagot ni si Sir.

"Leah, bat dika sumali?", tanong sakin ni Kuya at naka cross arm pa.

"Oo nga, bat ayaw mo sumali?", ani ni Sir, naku heto nanaman si Sir, pajulet julet nalang oo.

"Edi sana kayong dalawa nalang ang sumali, hayjusko! Ikaw Kuya, bat ba pilit ka ng pilit na sumali ako dun, at kumuntsaba ka pa ng magkukumbinsa ah, at ikaw naman Sir  paulit ulit ka po no?, kanina pa kayo tanong ng tanong, hayjusko!, bahala kayo diyan", inis na sabi ko sa kanila hays ang kukulet.

"Nyare dun bud?", boses ni Kuya yon.

"Malay", si Sir, juskoo nagsasalita rin pala ng ganon si Sir.

At naglakad na nga ako papasok sa bahay.














-----------
Morpheus🌙

Sir, Crush Kita! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon