CHAPTER 23

45 0 0
                                    



LEAH

Natapos na kameng mag sikain, at napuno ng tawanan, asaran at pikunan ang nangyari, ansaya lang, pati si Sir ay inisar nila, pero ng makita nilang seryoso ito ay nilubayan rin nila. Pagkayari naman ay si Yousef ang inasar ni Kuya Dwayne. Ansarap lang sa feeling HAHAHAHAHA pikon na pikon na si Yousef at parang gusto ng masapak.

"HAHAHAHA ansakit na ng tiyan ko tama na", natatawang ani ni Bill at nakahawak pa sa tiyan nito.

"Tas gulat na gulat siya ng makita ako ng nasa banyo, nakatakip pa ang dibdib at yung nasa baba", sambit pa ni Kuya Dwayne, kinuwento niya kase samin yung nangyari sa cr kanina.

"HAHAHAHAHA", tawa kame ng tawa.

"Okay masaya ka jan e, TANGINA mo!", hiyaw ni Yousef kay Kuya Dwayne, na nakapagpatigil saming lahat kakatawa, yayy! Sumobra na, padabog itong tumayo at lumabas sa bahay.

"Hala ka!", sambit namin ni Bill.

Nakatigil na rin si Kuya Dwayne at bakas dito ang pagsisisi.

"Sundan lang namin", paalam namin ni Bill sa kanila, nagbigay naman ng go signal si Kuya Lance.

"Hoy anong ka dramahan yon", bungad ka agad namin kay Yousef nakita namin siyang nakaupo sa may lupa sa hardin na may mga tulog na bulaklak.

"Nakakaasar kase e", sambit niya habang nakatingin sa buwan.

"Hoy umiiyak kaba?", tanong ni Bill dahil may kumislap sa mukha neto.

"Hoy bat ka umiiyak?", nag aalala kong tanong dito at lumapit sa kanya at umakbay.

Dali dali naman itong nagpunas ng luha.

"Woi sis sorry na", sabay naming sabi ni Bill.

"Nakakabusit kase yung Dwayne nayon napakasarap sapukin", sambit niya pero nakatingin parin sa buwan.

Tumingala nalang ako sa buwan at ganon din si Bill.

"Ang ganda ng buwan", naiusal ko nalang.

"Sana buwan ka nalang", natatawang ani ni Yousef.

"Baliw", naiusal ko nalang, bumalik na HAHAHAHA

"Its been a years na rin no, since naging magkakaibigan tayo", si Bill ang bumasag sa katahimikan.

"Oo nga, naalala ko pa mga nagtatampisaw lang tayo dun sa sapa sa likod nila Leah", sambit ni Yousef.

"Naalala mo pa pala yon?", sambit ko.

"Aba oo naman, ako pa ba", mayabang nitong usal.

"Pero sana after 5 or more years tayo parin ang magkakaibigan no, even we met a new people in the future", malungkot na dagdag niya.

"Aba marunong ka narin pala magdrama", natatawang saad ko.
"Oo naman sis, walang magbabago", dagdag kopa.

"Andami kong kilalang magkakaibigan na mga nagbago dahil may mga dumating na bago", si Yousef.

"Edi sana all magaling mag rhyme HAHAHAHA", natatawa kong ani.

"Sira!", at nagtawanan kameng tatlo.

"Thank you for the 11 years and still counting of friendship guys mahal na mahal ko kayo", bigla nalang naiusal ko.

"Sana all magaling mag english", bawi ni Yousef.

"I love you guys", biglang yakap ni Bill.

"Nakupo naman, si Yousef lang ang umiiyak dito e, bat pati ako", natatawa kong ani habang naiiyak na.

Sir, Crush Kita! Where stories live. Discover now