Chapter 14

217 22 0
                                    




I'm not the jealous type.

At least that was how I saw myself.

But after what happened that day, napaisip ako kung ano nga ba ang reason kung bakit napapraning ako when it comes to Skylar.

Pagkagaling namin ni Lise kina Jackie, didiretso na sana siya sa kuwarto para magbihis pero nagsalita ako.

I said I'm sorry.

She stopped in front of the bedroom door and turned around to look at me.

"You don't get to just apologize for what you did." Matigas ang mga panga niya.

Galit pa din talaga.

Pigil na pigil siguro siya noong kasama namin si Maricar at Jackie.

Nakikipagbiruan siya at nakipagvideoke.

Pero noong kami na lang sa kotse, bumalik ang silent treatment niya sa akin.

She never said a word from the time we left until the time na makabalik na kami sa bahay.

"What do you want me to do then?"

"We have to talk about what's bothering you?" Umupo siya sa sofa, "ayokong paulit-ulit nating pagtalunan ang tungkol kay Skylar. Wala siyang ginagawa para magselos ka. Wala din akong ginagawa para magkaganyan ka."

"Aminado naman ako na mali ako eh." Umupo ako sa tabi niya.

"Pero hindi ko ma-explain kung bakit kapag nababanggit mo si Skylar o kapag nakikita ko na masaya kang nakikipagtext sa kanya, umiinit ang ulo ko."

"Am I spending too much time with her, Nel? Napapabayaan na ba kita? Am I overstepping boundaries?

Umiling ako sa sunod-sunod na tanong niya.

"Tama ba ako na may kinalaman ang ginawa kong pagchi-cheat kay Dan dati?"

"I never thought about it until you mentioned it."

"Kung alam ko lang na magkakaganito ka kapag magkasama na tayo, hindi na sana ako pumayag na pumunta dito." Bigla siyang tumayo pero nahawakan ko siya sa kamay.

"Nel, I moved countries to be with you. If you can't trust me because of what I did in the past, I don't see the point in being here." Hinablot niya ang kamay at pumasok na sa kuwarto.

That night, hindi siya kumain.

Kahit pa tinawag ko siya at niyaya na magdinner, nakahiga lang siya at hindi sumagot.

Dahil nakatalikod si Lise, hindi ko makita ang itsura niya.

I was torn.

There was a part of me na gusto siyang amuin.

But the other part was telling me to give her space.

I listened to the latter.

Besides, everytime I open my mouth, I end up saying the wrong thing.

Ilang araw din na hindi ako kinausap ni Lise.

She still wakes up early in the morning para asikasuhin ako.

Pero there was an invisible wall between us.

There was none of the affection.

Laughter was also absent.

Para siyang robot.

Ginagawa ang mga bagay na nakasanayan niya.

Pagkatapos kong maligo, nakahanda ang gagamitin ko para sa work.

6ix Days Book TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon