Chapter 11

229 19 0
                                    




Lagi akong busy.

Kung kailan naman kasama ko na si Lise, mas mahaba ang oras ko sa trabaho kesa sa bahay.

Minsan tuloy naiisip ko kung tama ba ang desisyon ko na tanggapin ang promotion na maging assistant manager.

Pero wala pa din siyang work.

At mas madami na kaming gastos dahil sa tumaas na ang upa namin ng lumipat kami sa taas.

These responsibilities remind me why I'm working harder than I used to.

Pero hindi ako nagsisisi na lumipat kami.

Ang tagal ko ng namamalagi sa basement.

It was a good idea to move upstairs dahil bukod sa hindi masyadong malamig, maliwanag din.

Kahit nakakapagod, hindi ako puwedeng sumuko.

Isa pa, hindi lang naman sarili ko ang dapat kong isipin.

I have Lise to think about.

Nang magdecide siya na pumunta sa Canada, siyempre natuwa ako.

It was a big leap lalo na para sa kanya.

Pero ang sabi niya, it was a no-brainer.

Gusto niya akong makasama.

Hindi daw siya tatagal kung long distance kami ulit.

She did that before with Dan.

It was very lonely.

Kaya lang parang nakakaloko ang tadhana.

Bago pa man siya makarating dito, nangyari ang pandemic.

Akala ko, madedelay ang pag-alis niya.

Buti na lang at hindi naman kami naghintay ng matagal.

Ang masaklap nga lang, kahit isa siyang magaling na accountant, the opportunities were scarce.

Kaya patuloy siya sa pagtatrabaho sa company nina Arlene.

Hindi ko sinasabi kay Lise pero minsan nahihiya ako sa kanya.

She was a certified public accountant sa Pinas.

Pero cleaning ang trabaho niya pagdating sa Canada.

Hindi naman siya nagrereklamo pero kung ako ang masusunod, hindi ko siya papayagan na gawin ito.

Malinaw naman sa akin kung bakit siya nagtitiis.

She's a proud and independent woman.

Ilang besen niya ding nabanggit na ayaw niyang may masabi ang mga magulang ko lalo na si Ate Estee.

Ayaw niya daw maging pabigat sa akin.

Hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya.

Mukhang nakakapag-adjust na din naman siya.

Regular na din ang work schedule niya.

Kung dati ang bahay lang nina Skylar ang nililinis niya, ngayon ay naa-assign na din siya sa ibang lugar.

Unti-unti na ding dumadami ang mga nagpapalinis kina Arlene kaya laging may trabaho si Lise.

Pinapagamit ko sa kanya ang kotse dahil out-of-town ang karamihan sa kliyente nila.

Mga acreage houses din.

Malimit niyang mabanggit sa akin si Skylar.

When I asked kung nagiging close sila, oo daw.

When I asked her kung dapat akong magselos, ang tanong niya ay bakit?

Oo nga naman.

Bakit?

6ix Days Book TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon