Chapter 6: Surprise

Start from the beginning
                                    


“Pasensya ka na at hindi ko nasabi sa’yo ang tungkol sa sitwasyon ni Miss Park nong isang araw. Alam mo naman na kailangan kong protektahan ang privacy ng mga pasyente ko.”


Sabi ng doctor.


“Naiintindihan ko po doc.”


Ayoko sanang pumunta ng doctor dahil hindi naman kailangan at kagagaling ko lang din ng ospital pero mapilit talaga si Kevin.


“Anong maitutulong ko sa inyo?”


“Doc, pwede na po bang malaman kung babae o lalaki ang anak namin?”


Excited na tanong ni Kevin.


“Dalawang buwan palang na buntis si Miss Park..”


“Mrs. Choi po doc..”


Biglang bulalas ni Kevin.


Natawa naman ako sa ginawa niya. Pano ba naman kasi. Napakaseryoso nong doctor sa pag eexplain sa kanya pero bigla nalang niyang siningit iyong Mrs. Choi.


ahahahha!!


Pero infairness sobrang namiss ko iyong apelyido ko.


hihihi!!


“Oh yes..si Mrs. Choi..Hindi pa natin malalaman kung anong gender ng baby since sobrang aga pa.”


Sinundot ko si Kevin sa balikat.


“Sabi ko naman sayo eh maaga pa. Ikaw naman kasi..Excited ka masyado..”


“Sige po doc. Maraming salamat po sa oras niyo. Aalis na po kami..”


Paalam ko sa doctor. Tumayo na ako para aalis na sana pero biglang hinigit ni Kevin ang braso ko at pinaupo ako ulit.


“Doc, may itatanong pa po ako sa inyo. Gusto ko sana na kay Maybelline na itanong ang lahat pero nababahala po ako. Ano po ba ang kondisyon niya? At anong klaseng cancer ba ang meron siya? Kelan po ba pwedeng simulan ang pagagamot sa sakit niya?”


Nagulat ako sa sinabi ni Kevin sa doctor. Napag-usapan na kasi namin na, babalik na kami sa dati kung san masaya kami.


Inakala ko, na kasama na don ang pagpapanggap na wala akong nararamdaman. Akala ko hindi na namin pag-uusapan pa ulit ang tungkol sa sakit ko pero nagkamali pala ako.


“Your wife has a leukemia.. If a person is healthy, the bone barrow makes white blood cells, red blood cells at platelets. Ang tatlong iyan may iba’t ibang role sa katawan natin. But in Mia’s case, Ang bone marrow niya, gumagawa ng madami at abnormal na white blood cells. Tinatawag itong leukemia cells. Dapat sana, ang white blood cells tumutulong na lumaban sa mga impekson na papasok sa katawan natin. Pero ang leukemia cells, hindi na nagwowork gaya ng white blood cells. Patuloy ang mabilis na production nito and they don’t stop growing when they should.”


Pagpapaliwanag ng doctor kay Kevin.


Alam ko naman kung ano ang sitwasyon ko at alam ko ang tungkol sa sakit ko dahil pinaliwanag na sa’kin to ng doctor noon. Kung tutuusin, hindi ko na kailangan pang marinig iyon dahil mas lalo akong napanghihinaan ng loob, pero dahil kasama ko naman si Kevin, alam ko na hindi na ako dapat pang mag-alala.


Sa tingin ko, mas mabuting alam ni Kevin ang tungkol sa sakit ko para nadin matulungan niya ako.


Alam kong, malalampasan namin ang lahat ng ‘to dahil magkasama kami.


Memoirs of the Casanova's Wife (Completed)Where stories live. Discover now