COLD (Stell)

29 0 0
                                    

"Dre dalian mo nga ipapakilala na saatin ni Sejun yung pinsan niya" Pag sigaw ni Ken sa may hagdan, ang bagal kasing kumilos ni Stell ngayong araw, at napaka unusual nun.

"Ito na" He said in a cold tone, hindi nman talaga ganito si Stell, mabait siya at napaka cheerful niya, pero nag bago lahat yun matapos ang graduation niya nung high school, hindi naman nung mismong graduation, nung ni-reject lang siya sa harap nang maraming tao, at hindi na niya kinausap ang bestfriend niya, doon lang yun nagsimula.

"Sino ba kasi yang pinsan ni Sejun, pa importante naman", Saad ni Stell, napabuntong hininga nalang si Ken sa sinabi ni Stell.

"Bago kasi siya sa Uni natin kaya naman sabi ni Sejun samahan daw muna natin, tour ganun, law daw kasi course niya -"

"Law naman pala eh, diba architecture ka? Hotel management ako. Ba't kailangan pa natin sumama doon?", Pagputol ni Stell kay Ken.

"Dre, please bago yung tao eh", Saad ni Ken kaya tumango nalang si Stell at nginitian siya ni Ken.

"Geh, nice, lika na baka ma-late pa tayo", Saad ni Ken at tumango naman si Stell sa sinabi ng kaibigan niya.

---

Ngayon ay nasa may gate sila para hintayin ang pinsan ni Sejun, agad naman na, na bad trip si Stell dahil ang tagal nga dumating nito.

"Nasan si Jah?", Tanong sakanila ni Sejun, nagtinginan lang ang apat, "Well I guess may gagawin pa siya", Saad ni Sejun sa sarili niya.

Pag kasabi nito ni Sejun may nakita silang tatlong tao na papalapit sakanila at mukhang may ine-explain ang dalawa doon sa nasa gitna nila, nang lumapit sila nang kaunti ay nakita ni Sejun na pinsan niya iyon kasama si Justin at Brei.

"Ate-" Naputol ang sasabihin ni Jah nang lumapit sakanila si Sejun at pinapunta sa harap nila Josh.

"Long time no see, Astrid", Saad ni Josh sa babae na nasa gitna, at nginitian siya nung Astrid.

"Oo nga lolo-", Natigil siya nang makita niya si Stell, tinignan niya si Brei at napatingin nalang siya sa ibaba, nginitian nalang ni Astrid si Josh bago ibalik ang tingin kay Sejun, napalunok naman si Stell, yung dahilan kung bakit siya naging cold nasa harap na ulit niya.

"Ah so yun na nga, ito si Ken - syempre kilala mo na si Josh - at mukhang kilala mo na si Jah - tapos - ah si Stell", Turo ni Sejun at tumango ang pinsan niya.

Napansin naman ni Brei ang titig ni Stell, "Sige, una na kami - ako na bahala sakanya", Sagot ni Brei, nginitian niya nang pilit si Stell at hinatak na si Astrid.

Nang makaalis na sila ay nginitian ni Jah ang mga kaibigan niya, "Ba't mo kasama pinsan ko?", Bungad na tanong ni Sejun nang maglakad na silang lika papunta sa sari-sarili nilang classroom.

Napakamot naman si Justin sa batok niya bago sagutin si Sejun, "Kasi nung nasa Australia siya nakilala niya si kuya - ano ata siya noon grade 11? Tapos pag tapos niya grumaduate automatic siya yung lawyer ng company namen", Saad ni Jah nang may ngiti at tumango naman sila.

"Pero ang ganda talaga niya dre", Saad ni Ken at napatango naman si Sejun.

"Maganda talaga yun - matalino pa, magaling kumanta", Sabi pa ni Sejun.

"May plano ka bang pag auditionin yun mamaya? Diba audition ng Music club", Saad ni Stell, he's hoping na natanong na iyon ni Sejun sa pinsan niya, dahil gusto talaga niya makausap si Astrid.

"Di ko naisip yun ha, sige tignan natin kung papayag siya - pero feeling ko papayag yun magkasama na naman yung Dance club at glee eh", Saad ni Sejun.

"Papayag yun di naataras sa hamon yun eh - ay wait kilala mo na ba yung dahilan niya kung bakit nag punta siya ng Australia?" Tanong ni Josh.

SB19 ONESHOTSWhere stories live. Discover now