PIRASONG PAPEL || PART II NG LETTER (JUSTIN)

5 0 0
                                    

Naka graduate na sila Hallie and ngayon busy siya for a new project nakakabigay lang sakanya, she's a fashion designer at marami na rin siyang nabihisan, isa na duon ang SB19, her Kuya, Stell, Josh, Pablo, and the love of her life Justin.

Akala nila it'll work out, well nag work out naman, hanggang sa isang pangyayari.

———

They hid their relationship for years, 5 years to be exact sa fans. At first ang dami nilang misunderstandings, pero as days passed by they cleared it all, Ken was very understanding simula nung nag aaway sila ni Justin, tumutulong pa nga yun pag nanunuyo si Justin.

Hallie did everything para kay Justin, pero hindi niya inaasahang mag aaway pa pala sila pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan nilang mag kasama, hindi niya inaasahang makita si Justin na may kasamang iba, not until she went to his condo unexpectedly.

Alam ni Hallie kung ano ang code papasok sa condo ni Justin, lagi siyang nag sasabi pag pupunta siya, but today she wants to surprise her boyfriend, they haven't seen each other for a while dahil nga parehas silang busy ngayon lang ulit niya ito mabibisita, may dala na rin siyang agahan para pagsaluhan nilang dalawa.

Nang nakapasok siya sa loob ng unit ni Justin nakita niya na napaka kalat nito ang daming damit sa sahig, "Jah!", Pagtawag niya sa binata, i-che-check dapat niya yung kwarto kaso something caught her atensyon sa isang gilid ng silid na kinatatayuan niya, heels.. high heels.

"Jah!", Pag tawag niya ulit this time mas firm.

"Wait lang!", Sigaw nito pabalik

Alam niyang may tinatago sakanya si Justin kaya agad niyang binuksan yung pinto ng kwarto, oo nandun si Justin nag bibihis, pero may babae sa kama... Babaeng akala niya matagal ng wala sa buhay nila si Xine.

"Baby akala ko ba break na kayo, what is she doing here?", Malanding sabi nito, agad na kumalas si Justin kay Xine at hinabol si Hallie na tumakbo palabas ng condo niya.

"Hal", Pag tawag ni Justin nang mahawakan niya ang kamay ng dalaga.

"Jah, gaano katagal mo na kong niloloko ha? Kaya pala you don't have time to see me kasi may iba na, sana sinabi mo nalang sakin noh? Para naman di ako nasaktan ng ganto! Jah for years nilaban ko 'tong relationship natin, lalo na nung mga panahong sumusuko tayo — pero ano 'toh?" Galit na saad ng dalaga.

"Sasabihin ko din naman sa'yo eh — "

"Sasabihin mo sa'kin? Ilang buwan na Jah?"

"ILANG BUWAN NA DE DIOS!"

"Three months", Sagot ni Justin kaya napatango si Hallie.

"Sana masaya ka, mauuns na ko, agahan niyo nga pala", Saad ng dalaga at mabilis na naglakad papunta sa parking lot.

"Wait! Hal!", Hindi na nahabol ni Jah si Hallie, at alam niyang patay siya kay Ken at kay Josh nito.

———

Pagdating ni Justin sa practice nila inaabangan niya na bugbugin siya ni Ken at ni Josh, pero wala hindi nga siya kinikibo nung apat, tumabi sakanya si Stell at ngumiti, "Pasalamat ka kaibigan mo si Ken, kung hindi kanina ka pa nasapak niyan, mag explain ka na ha", Saad nito at tinapik-tapik sa likod ang binata bago umalis.

Agad na tumayo si Justin at lumapit kay Ken, "I was planning to tell her I really was, hindi ko —"

"Jah I don't need an explanation na, I think you've done enough damage, it's better kung palamigin muna natin yung sitwasyon, I only want to know one thing, bakit hindi mo manlang sinabi saamin?", Napatingin sa ibaba si Justin, bakit nga ba hindi niya sinabi sa mga kaibigan niya.

"I was scared", Sabi niya narinig naman niya ang pag scoff ni Josh.

"Scared? Funny thing to say eh ikaw nga tong nangloko! Jah if you told us matutulungan ka namin para sabihin kay Hal!", Pag sigaw ni Josh at akma pang susuntukin si Justin, pero agad na napigilan ni Pau ang kamay nito.

"He's right Jah, if you told us we could've explained it better, tignan mo ang nangyayari ngayon", Wise words from their leader.

"Kung sinabi mo naman I'm sure na maiintindihan ni Hallie yun", Sabi ni Stell.

"Sorry mga Kuya, I'm really sorry", Sabi niya.

"Wag mo sa amin sabihin yan kay Hallie", Sabi ni Josh at umalis sa studio.

———

At least yun yung kinuwento ni Ken kay Hallie na nangyari sa studio nila, now they're at peace magkaibigan na ulit si Justin at Hallie, hindi na rin galit si Josh kay Justin.

While she was sketching for her new clothing line biglang pumasok sa loob ng office niya ang Kuya niya, "Pinapabigay", Maikling saad nito at inabot ang isang puting envelope.

Pagkakita palang ni Hallie ng pagka calligraphy sa likod ng pangalan niya akam niyang invitation ng kasal ang binigay ng Kuya niya sakanya, invitation sa kasal ni Justin at ni Xine.

Pilit na ngumiti si Hallie sa Kuya niya, nung binuksan niya yung envelope.

"If you don't want to go it's fine", Sabi niya pero umiling si Hallie, pupunta siya even if it means na papanoorin niyang ikasal sa iba ang pinakamamahal niya.

She moved on and she's sure she can take it.

———

-Keunsnsn_

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SB19 ONESHOTSWhere stories live. Discover now