BINIBINI SA MRT

12 0 0
                                    

Justin's POV

"JUSTIN!", Sigae ni mama, alam kong maaga ako ngayon, pero please lang konting tulog pa, umikot ako sa kama ko at tinakban ng unan ang tenga ko.

Hindi na sumigaw si mama kaya napangiti ako, pero mali pala ako, 'di na nga siya sumigaw pinaakyat naman niya si Kuya CJ sa kwarto ko, "Jah gising na, mahaba pila sa MRT", Mahinahong sabi ni Kuya kaya napatango nalang ako at tumayo, pag minamalas ka nga naman.

Agad akong naligo, 5:30 na nung natapos akong maligo, kumain na rin ako ng agahan at nag paalam na kila mama, nag prisinta si Kuya Yani na ihatid na ko, kaso tumangi ako, ginising gising nila ako para mag MRT tapos mag o-ofder si Kuya Yani, yawa lokohan na ata 'toh.

Nang makarating ako sa station nakita ko na mahaba na agad ang pila sa bilihan ng ticket, tinignan ko yung relo ko at nakita kong maaga pa, 6:30 palang ha! Napabuntong hininga nalang ako at pumila, mga 30 minutes pa kong nakapila, nabili ko naman agad yung ticket at hinintay nang dumating yung tren, habang naka upo ako sa isa sa nga bench may nakita akong babae, morena, maganda, di ganun katangkad pero nakuha niya agad yung atensyon ko.

Naka all black siya, napangiti lang ako, 'di ko namalayan na tumayo na pala ako sa pag kakaupo ko at lumapit na sa crowd na namumuo malapit sa may hintayan ng tren

"Oh boy, yellow line na", Sabi ni Kuya guard, napatingin ako sa baba at nakatapak na nga ako sa yellow line, natawa ako ng mahina at humingi ng tawad kay Kuya guard. Akala ko sira na araw ko dahil sa mga nangyari ngayon, 'di pala.

Ngayon ko lang nakita 'tong babae na 'toh dito, delikado ka na Jah, ang sabi ko pupunta lang ako ng training namin ngayon, bakit naman ako nakakita ng future bebe, habang nakatitig sakanya tumunog yung phone ko, pagka-check ko si Ken yung tumatawag.

"Bakit?"

Habang kausap ko siya palapit na ko ng palapit sa magandang binibini na nakita ko, tumabi lang ako sakanya, syempre di tayo mag papahalata 'no.

[Asan ka na?]

"Nasa MRT palang dre"

[Sige sabihin ko kila Josh, nandito na kaming lahat eh, ikaw nalang wala]

"Himala Ken Suson ang aga mo ha"

Natatawa kong saad at binaba ang tawag, pagdating ng tren, agad na nag unahan ang mga tao sa loob, kaya naman nakipag sabayan na rin ako, sakto din kasi pagkaupo ko, nakatabi ko siya, siksikan na kaya dikit na dikit kami sa isa't isa, 'di naman masama kung itanong ko pangalan niya diba?

Umandar na yung tren, pero wala parin akong sinasabi, nag cellphone lang siya sa tabi ko kaya 'di ako makahanap ng right timing para tanungin siya, hanggang sa tumingin siya sa'kin.

"Siksikan 'no?", Tanong niya kaya tumango ako.

"Ngayon lang kita nakita dito, bago ka?", Tanong ko at umiling siya.

Weird, pero nginitian ko lang siya, "Matagal na, kaso nga lang usually tanghali na ko", Sabi niya kaya napatango ako.

"Ano nga pala pangalan mo?", Tanong ko sakanya at ngumiti siya.

"Y/N", Sabi niya kaya napatango ako at inilahad sakanya ang kamay ko.

Tinanggap niya yun at ngumiti, "Nice to meet you..?"

"Justin", Sabi ko.

"Nice to meet you Justin".

Ngumiti lang ako, at binitawan na niya ang kamay ko, agad niyang binalik ang atensyon sa cellphone niya.

Pero ako, ito sumusulyap sulyap sakanya pag may chance, ang tanga ko lang sa part na hindi ko tinanong kung saan yung baba niya, bawat stop ng tren, tinitignan ko kung baba siya, pero hindi naman.

Nakatatlong stop na yung tren, lumuwag luwag na rin yung pwesto namin, dahil tutok siya sa oag ce-cellpone niya, pag andar nung tren napasandal siya sakin, nanglaki ang mata ko at hinawakan ang braso niya, "Cellphone pa more", Sabi ko kaya natawa siya.

"Thanks", Sabi niya at ngumiti ako.

Nakakita ako ng matanda na humahanap ng mauupuan kaya tumayo ako at in-offer sakanya yung upuan ko, at leats ngayon na nakatayo ako may rason ako para titigan siya.

Di ko namalayan na nakatulala na pala ako, shuta ang ganda talaga niya, pag katigil ng tren tumayo siya, dito ata baba niya eh, tama nga ang hula ko dahil bago siya bumaba, tumingin siya sa'kin.

"Nice meeting you SB19 Justin" Sabi niya at bumaba.

Teka?? Alam niya na member ako ng SB19? Itatanong ko pa dapat yung Facebook niya kaso sumara na uli yung pinto at umandar na yung tren.

Well until I see you again Y/N.

Magpa tanghali na kaya ako minsan para masabayan ko siya?

———

Pag dating ko sa studio, agad akong inikutan ni Josh, "Mukhang may nakitang magandang binibini sa MRT tong bunso natin ah!", Pang asar ni Stell.

Di ko siya kinibo kaya lalo siyang ngumisi, actually lahat sila nakangisi sa'kin ngayon.

Natawa nalang sila ng inikutan ko sila ng mata.

Hindi ko alam kung kailan ko ulit siya makikita pero sana soon.

———

-Keunsnsn_

SB19 ONESHOTSWhere stories live. Discover now