HIGA (Ken)

47 1 0
                                    

Papunta na ang SB19 sa isa sa mga school attack nila, at syempre excited ang lima dahil doon din nag aaral ang kapatid ni Stell.

"Dre, she's listening to it again" Saad ni Ken na ngumiti sa katabi niyang si Josh.

"Who? You're soulmate?" Tanong ni Josh, simula kasi nung nirelease ni Arthur Nery yung kanta niyang Higa ay lagi na itong pinapakingan ng soulmate niya, kaya naman itong si Ken sinearch yung kanta at nagustuhan din niya.

"Ken tingin mo mahahanap mo na soulmate mo?" Pagsali ni Stell sa usapan ng dalawa, mag sasalita pa dapat si Ken, pero binuksan na ang pinto ng kanilang sinasakyan at sinabihan silang lumabas na dahil may naghihintay na sakanila sa harap ng school.

Dali dali namang bumaba ang lima sa kanilang sinasakyan, nang makababa na sila ay binati sila ng kapatid ni Stell.

"Hi mga kuya, sundan niyo muna ako", Tugon nito at tumango naman ang lima habang nag lalakad sila patungo sa classroom na kanilang pag sstayan ay may biglang tumawag kay Rose.

"Rose!", Sigaw nito, napakunot naman ng noo si Stell dahil lalake ang tumawag sa kapatid niya, bago sumagot si Rose ay siya na ang sumagot dito, "Bakit? Anong kailangan mo sa kapatid ko?"

"Ay, magandang araw po, ako po si JC, JC Santiago, ako po yung Secretary ng student council namen, sabi po nung Vice and President, ako na daw po mag hatid sainyo, choice po ni Rose kung sasama siya", Sambit ni JC, napatingin naman sila sa binata bago tumango.

Ngumiti sakanila si JC bago mag lakad papalayo, nagkatinginan na lamang ang lima bago sundan ang binata, habang nag lalakad si Pablo ang unang nag salita para may itanong kay JC.

"Nasaan ba yung President ninyo? Bakit hindi siya yung sumundo saamin?" Tanong nito, natigilian naman si JC at tumingin kay Rose, at parang sinasabi na siya na ang mag explain kung nasaan ang dalawa.

"Ah—"

"Dre, nalakas", Sambit ni Ken kay Josh, kaya lahat napatingin sa dalawa, "Is there a possibility na nandito soulmate ko lumalakas yung higa —"

"Higa ni Arthur Nery?" Tanong ni JC na may malaking ngiti.
"Oo eh, kilala mo ba kung sino nag papatugtug?" Tanong ni Ken dito.

"Um — kuya Stell?", Wika nang isang babae nang makita niya si Stell, napangiti naman si Stell nang makita niya ang dalaga

"Uy, Cass, dito ka rin nag aaral?" Tanong ni Stell nang makita niya ang babae, mag kapitbahay kasi sila dati, at gumaan ang loob sakanya ni Stell, kaya naman kay laki ng ngiti niya ng makita niya ang babae.

Tumingin si Cass kay JC at tumango, nakuha naman ni JC ang gusto niyang ipahiwatig kaya ngumiti nalang siya, tumingin siya sa mga kasama niya at ngumiti, napadpad ang tingin ni Cass kay Ken at nginitian 'toh, nang laki naman ang mata ni Ken, hindi alam ni Cass kung bakit pero binaliwala niya nalang ito.

"Sorry po kung si JC at si Rose pa nag sundo sa inyo, may ginawa lang po kami sa office, ako po yung President ng student council", Sabi ni Cass ng may ngiti, "Malapit lang po yung classroom kung saan kayo mag sstay", Pag patuloy pa nito.

Habang nag sasalita si Cass ay nanigas si Ken, dahil nung nag tama ang mga mata nila bigla na lang natigil ang kanta, para bang alam na niya, alam na niya na nahanap na niya ang soulmate niya, bago pa sila makapasok ng classroom ay hinatak niya si Stell sa isang gilid.

"Hoy, gago", Gulat na sabi ni Stell, napatingin naman siya kung sino ang humatak sakanya at nakita niya si Ken, "Tangina Suson, bakit ka naman nanghihila?" Sabi niya at tinignan ng masama si Ken.

"Sorry Stell promise di ko sinasadya, may sasabihin lang kasi ako sayo", Saad ni Ken na tumingin sa ibaba, nang lambot naman ang tingin ni Stell sakanya.

"Ano yun?", Maikling sabi ni Stell, "Nahanap ko na soulmate ko dre", Saad ni Ken nang itaas muli niya ang kanyang ulo para tignan si Stell.

Ngiting ngiti naman si Stell nang marinig niya ito, dahil finally meron na siyang ka-grupo na nakahanap ng soulmate, "Sino?" Excited na tanong ni Stell, tumawa ng alanganin si Ken, bago inguso ang pinto kung saan dapat sila papasok.

Napatakip bigla ng bibig si Stell, kinagat naman ni Ken ang labi niya, mukhang may pagbabanta na magaganap, "Si Cass?" Tanong ni Stell at tumango naman si Ken.

"Mukhang alam na rin niya, pero kausapin mo parin, minsan napaka tigas ng ulo nun eh", Pagpatuloy ni Stell at tumango si Ken, "Oh lika na baka hinahanap na nila tayo doon", Sabi ni Stell at sabay sila ni Ken na pumasok sa loob ng classroom.

"San kayo galing?", Pang bungad na tanong ni Sejun nang makapasok na ang dalawa.

"Kayo nang iiwan talaga kayo sa ere, chismis naman oh, mukhang may nanalo", Pang asar naman ni Josh.

Nakita naman nila ang reaksyon ni Ken kaya napangiti si Justin, "Siya noh? Si Cass?" Tanong nito at tumango si Ken.

"Pwede naman kayo mag usap kung gusto mo, dre, ako na bahala", Saad ni Sejun na nakangiti sa ka-grupo niya, tinignan naman siya nang apat na para bang nagloloko siya.

"How would you do that? Shouldn't Stell do it? 'cause you know they're close", Pag English ni Josh.

"Gago na nosebleed ako dun ah", Sabi ni Ken at tumawa naman ng mahina ang apat.

"Nakapag usap kami kanina, and turns out you're her bias", Saad ni Sejun nang may malaking ngiti, "Don't ruin your chance, talk to the girl and tell her what you know", Pag encourage ni Sejun.

Tumango naman si Ken bago lapitan si Cass, "Cass, pwede ba tayo mag usap?" Tanong nito nagulat si Cass pero tumango na lang siya, nginitian siya ni Ken at inaya siya sa labas.

Nang nasa isang sulok na sila ay nginitian siya ni Ken "Higa pinapatugtog mo kanina noh? Nung sinundo mo kami?" Tanong ni Ken sakanya, kumunot naman ang noo ni Cass sa sinabi niya, pero tumango siya.

'Baka sinabi sakanya ni JC, batang yun talaga' Sabi ni Cass sa sarili niya ayaw niya kasing umasa na siya ang soulmate niya.

"P-paano mo nalaman?" Nauutal na tanong niya, kahit na iba ang nasa utak niya na sasabihin sa lalaki na nasa harap niya. Lalo lang lumaki ang ngiti ni Ken ng na utal ang dalaga, at bigla siyang tumawa, "Ano nakakatawa?" Inis na saad ni Cass.

Tumigil si Ken bago siya yakapin, "Ikaw nga", Saad niya nagulat naman si Cass sa ginawa niya pero niyakapa na lang rin niya pabalik si Ken, "Tumigil yung kanta nung natitigan kita", Bulong niya habang hinahaplos ang buhok ni Cass.

———

-Keunsnsn_

SB19 ONESHOTSWhere stories live. Discover now