At pagtingin ko di na rin ako nagulat kung sino siya. Eh nung una kaming magkita nito, kadramahan na niya narinig ko.
Sa lahat ng lalaki siya lang yung nakilala kong madrama mas madrama sa babae ang depungal.
Lumapit ako sa kanya at sinapakan ng panyo sa mukha.
"Alam mo bang kalalake mong tao napakaiyakin mo." umiirap na saad ko sakanya, at gulat naman siyang napatingin sakin at sa panyo na sinapak ko sakanya.
"Bakit porket ba lalake ako? Bawal na ako umiyak or kami? Alam mo ba Sandiwa Kyline, na karamihan sa mg lalaki umiiyak sila ng walang kahit sinong nakakakita. Dahil mas pinipili nilang sarilihin para lang ipakita sa lahat na wala lang sakanila, kahit ang totoo nadurog din sila." paliwanag niya sakin at pinunasan ang luha niya.
Tama rin naman siya at medyo natauhan ako, pero wala pa din makakatalo sa pagiging iyakin niya.
Umupo ako sa tabi niya at inakbayan siya, at tumingin sa bundok na kitang-kita rito.
"Alam mo, Brylle! Pag di mo tinigil iyang pagiging iyakin mo. Baka maturn-off sayo mga babae at wala ng magkagusto sayo. Sige ka tatanda kang binata." pang-aasar ko sakanya kaya medyo natawa rin siya. Tinanggal ko ang pagkakaakbay sakanya.
"Akalain mo yun Sandiwa Kyline, marunong ka pala magbiro?" out of nowhere na sabi niya.
"Aba bakit anong tingin mo sakin? Di marunong magbiro, di naman ako ganto dati. May mga bumago lang sakin." sabi ko sakanya at medyo nalungkot ako pero agad ding nakabawi para di niya mapansin.
"Alam kong privacy mo na yan kaya di na ko magtatanong kung bakit. Alam mo Sandiwa Kyline, masarap ka pala kasama. Nakakatakot ka kasi tingnan sa malayo." sabi niya sakin, kaya napalingon ako sakanya.
Infairness dito kay Brylle gwapo siya at talagang pwedeng gustuhin ng kahit sinong babae kaso nga lang yung status sa buhay niya tinitingnan ng mga echoserang mga bruhang estudyante rito.
Pinagmasdan ko siya na nakatingin lang sa mga bundok at doon ko lang napansin yung uniform niya. Katulad na siya nung akin? Hindi na ba siyang scholar?
Kulay violet na to eh ganun din yung ID niya, kaya di mo na akalain na scholar siya.
"Di naman talaga ako nakakatakot, sila lang nag-iisip nun dahil sa ugali ko pero mabait naman ako wag mo lang bwibwisitin. Maiba tayo, bakit pala violet na damit mo? Parang kahapon lang blue yan ah?" sabi at tanong ko sakanya. Napatango siya at tsaka sinagot yung tanong ko.
"Ah, kahit ako nagulat sa Headmistress Mika. Inaaccept ko na kasi yung inooffer nilang dorm para sa mga scholars? At eto yung benefit, di na kami scholar isa nalang din kami katulad niyo. Bakit hindi ba bagay sakin?" paliwanag niya at sabay lingon sakin na siyang kinagulat ko.
Nagkatinginan kami at parehas napatigil at di namin alam kung sino unang iiwas. At tsaka ko naramdaman ang mabibilis na kalabog ng dibdib ko. Kaya ako na ang umiwas. At tsaka siya umiwas nung umiwas ako.
"H-hindi ah, bagay kaya sayo. Mas nagmukha kang Mafians at estudyante rito. Isipin mo yun from Stupid, stupid pa din.." nakangising saad ko, kaya ayun sinamaan niya ko ng tingin. "..hindi biro lang. Tara na kaya baka naroon na prof natin." saad ko at tumayo.
Wala na kong narinig sakanya at tumayo na rin siya.
"Eto na pala yung panyo mo." sabi niya at akmang iaabot na sakin yung panyo pero..
"Wag na sayo na yan, madami naman akong ganyan. Tara na at baka mapagalitan ka." pigil ko sakanya ng akmang ibibigay niya sakin yung panyo at tsaka niyaya siya at tsaka nauna na, naramdaman ko namang sumunod.
Pagdating namin sa room.
At nagkakagulo sila at wala pa yung prof namin, ni hindi nga yata nila ako napansin dahil sa sobrang taranta nila. Humiwalay na sakin si Brylle at umupo sa upuan niya.
Anong nangyayari sa mga to?
"Sigurado ba kayong di niyo siya makita?" rinig kong tanong ni Allyson sa mga kasama niya.
"Oo Sandiwa Ally, we never see him sa kahit anong sulok ng Academy." sagot naman ni John.
Him? Sinong nawawala sakanila? Taeng yan ang lalaki na na nila para mawala pa. At isa pa may mga kapangyarihan kami para proteksyunan ang sarili namin.
At nasa ganun kaming sitwasyon ng humahangos na dumating si Mia, umiiyak siya at agad yumakap sa mga kasama niya.
"Anong nangyari, Mia?" nag-aalalang tanong ni Cheska ahas kay Mia.
"Si Clyde.." humihikbi na paniwala ni Mia, dahilan para mapalingon ako sakanila at makaagaw ito ng atensyon ko. "..napakabilis ng pangyayari, magkasama lang kami nun then isang napakabilis na nakaitim ang tumangay sakanya. Nawawala ang pinsan ko." umiiyak na sabi ni Mia.
"Ano? Nawawala si Clyde?" out of nowhere na sigaw ko. Nakita ko ang gulat sakanila at napatingin sakin. Lalo na ng mga dati kong kaibigan.
"Sandiwa Ky?" nagtatakang saad ni Jaryl pero di ko siya pinansin.
At tsaka walang pasabing lumabas ako ng room, wala na kong pake sa iisipin nila. Di naman porket galit ako kay Clyde ay gugustuhin ko ng mawala siya.
Myghad Clyde! Nasaan kang gago ka?
YOU ARE READING
Savage Sandiwa
Fantasy(Completed) TCPAA - New Generation: In a world filled with deception and hidden truths, a story unfolds. One lies, one secret, and one mistake intertwine to shape the destiny of Kyline, known as the Savage Sandiwa. Date Started: Sept. 14, 2020 Date...
Kabanata 11
Start from the beginning