We drifted to another oneself's desire
As I imagine I was yours and you were mine
As we lay on the grass there in the field
Beneath the sky

Our knees were so weak
We were wrapped in a gentle breeze
You were so shy
But I was feeling butterflies

So the heat of desire
Flashed very high

We drifted again in different times
The feeling was so sublime
You lost yourself to me there in the dark
Beneath the sky

Napalaki na lang ng mga mata si Anderson sa nabasa. Hindi naman sa hindi pwede ngunit nagulat lang siya. Alam na alam niya kung gaano kamahal iyon ni Asher ngunit nawala na. Para itong bulang naglaho sa isang kisapmata.

Masakit ngunit kailangang tanggapin.

Nang nrinig niyang nagbukas ang pintuan ay napalingon siya rito at nakitang sumungaw ang ulo ni Asher.

"Dad, that's mine." Kinuha nito ang kwaderno at itinago sa isang kahon. "Kanina ka pa namin hinahanap nandito ka lang pala nakikitsismis." Natawa si Aderson sa sinabi ng anak.

"Tara na, kakain na tayo, pa."

---

Sa kanilang bahay ay puno ng kulay, ngunit hindi lahat ng buhay ay masaya.

Isang matandang babae ang naglalakad sa kalsada. Umuulan, madilim, at basang kalsada ang kanyang nilalakaran. Ramdam niya ang gutom na bumabalot sa buong katawan niya. Bawat tahanan na kaniyang madaanan ay patay ang ilaw, siguro ay malalim na ang gabi at malamang ay tulog na.

Patuloy lang sa paglakad ang matanda nang mapansin niya ang isang malaking bahay na nagbubukod tanging bukas ang ilaw. May kaunti siyang naririnig na ingay ng nag-uusap kaya mabilis niya itong nilapitan at sumungaw sa gate nitong mataas pa sa dalawang tao kung pagpapatungin.

"T-tao p-po..." nanghihinang tawag ng matanda mula sa labas ng malaking gate. "Tao po!" muli niyang sigaw.

Nakita niyang bumukas ang pintuan at lumabas ang isang magandang ginang.

"Oh, manang, gabi na ho, anong ginagawa niyo? Pasok ho." Binuksan nito ang malaking gate at pinapasok ang matanda. Napangiti ang matanda.

"Maaari bang makikain? Kahit iyong tira-tira lang ayos na ako sapagkat buong araw ako walang nakain. Kahit na anong ibigay niyo sa akin ay siya kong tatanggapin nang buo," nakayukong sabi ng matanda.

Hinawakan lamang siya ng naturang ginang sa balikat sabay sabing, "Nako, lola, kahit sumabay na ho kayo sa mesa, ayos lang. Pasok ho kayo." Sabay silang pumasok sa malaking bahay at bumungad sa matanda ang malinis at glamorosong bahay nito. Mabilis nga siyang nagalak as nakita.

"Nakakahiya naman... Napakaganda ng bahay niyo para sa hindi hamak kong dukha lamang," turan ng matanda.

"Ay, wala ho iyon," nakangiting sabi naman ng ginang.

Dumiretso sila sa kusina kung saan naroroon ang pamilya ng ginang. Nakita naman ng matandang babae na may lima itong anak na puro lalaki at ang isang lalaki naman ay panigurado ang padre de pamilya.

"Si nanay, narinig ko sa labas gusto makikain," turan ng ginang.

"Nay, upo ho kayo. Pagpasensiyahan niyo na at ito lang ang makakain namin." Sabay turo sa lamesang may marami na pagkain para sa kanilang lahat.

"Ako nga ho ang dapat mag pasensiya sa inyo, ginoo, sapagkat nakakaistorbo ako rito."

"Wala po 'yon. Luke, give lola a seat." Nilingon ng padre de pamilya ang isang binatilyo at tumayo ang isang binata para kumuha ng isang upuan.

Fontabella 1: The Businessman's TrapWhere stories live. Discover now