Chapter 4

24 2 1
                                    

Imbes na sa bahay nila Sam ay dumiretso ang dalawa sa bahay nila Cedrick. Kahit anong pagpupumilit ni Cedrick ay wala itong nagawa. Kinuha ni Sam ang first aid kit at sinimulang linisin ang sugat na natamo ng boyfriend niya.

"Bakit nagawa mo yun, Cedrick?" mahinang tanong ni Sam, "hindi naman nila ko masasaktan, dapat hinayaan mo nalang sil..." hindi na natapos ni Sam ang gusto niyang sabihin ng bigla siyang yakapin ni Cedrick.

"Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sayo, lalo na kung alam kong may magagawa ako"

Sobrang pasasalamat ni Sam dahil may boyfriend siya na kagaya ni Cedrick at dahil sa ginawa niya ay mas lalo lang niyang naappreciate ito.

"Alam mo..." kinurot ni Sam ang magkabilang pisngi ni Cedrick, "kaya ko naman silang labanan eh" at pinakita niya ang muscle niya kay Cedrick.

Hindi napigilan ni Cedrick ang matawa sa ginawa ni Sam.

"Oyyy! bakit mo ko pinagtatawanan"

"Hahaha, kasi naman. Hahaha"

"Ang sama mo!"

"Baka isang hawi lang sayo tumalsik ka kaagad"

Tumawa ng malakas si Cedrick. Umokay na din ang pakiramdam ni Sam dahil kahit papano ay nakita niya ng tumawa si Cedrick. Mas gusto niyang nakikita ang boyfriend niya na masaya o di kaya nangungulit lagi sakaniya. Kesa sa makita siyang nasasaktan at ang malala pa ay kung alam ni Sam na siya ang dahilan nun.

Hindi na pumayag si Sam na ihatid siya ni Cedrick sa bahay nila. Habang papauwi ito ay napaisip siya kung anong pakay ng mga lalaking yun sakaniya. Hindi niya kilala ang mga sumugod sakanila at wala rin naman siyang atraso sa kahit na sino sakanila.

Napahinto sa paglalakad si Sam nung bigla niyang naisip si Madeline.

"Hindi kaya..." natigilan siya sa pag iisip nung mag ring ang phone niya.

"Nasan ka Sam?" pag aalalang tanong ni Rexan

"Pauwi na, bakit?"

"Kasama mo ba si Cedrick  ngayon?"

"Hindi, teka ano bang nangyayari?"

"Nasaan ka ngayon!" medyo napataas ang boses ni Rexan kaya nasabi ko bigla kung nasaan na ako banda. Actually medyo malapit na din naman ako sa bahay pero kinakabahan ako sa naging reaksyon ni Rexan.

Ilang sandali pa ay nakita ko na siyang tumatakbo papalapit sakin. Nung nakalapit na siya ay hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at tiningnan ang katawan ko.

"Okay ka lang ba? hindi kaba napano?" pag-aalalang tanong ni Rexan

"Ano bang nangyari?"

"Bakit hindi ka hinatid ni Cedrick? Nasan ang mokong na yun?"

"Rexan, ano bang nang..."

"Humanda sakin ang Madeline na yun bukas"

Pagkarinig ni Sam sa pangalang yun ay para bang may kung ano siyang naramdaman... galit

"May kinalaman talaga ang babaeng yun?" napataas na din ang boses ni Sam

"Buti nalang at walang nangyaring masama sayo. Kanina, nakita ko siya kasama ang grupo ng mga lalaki at buti nalang sinundan ko siya at narinig ko ang pinag uusapan nila. Balak ka nilang saktan Sam!"

Napaiyak na si Sam sa mga narinig niya. Bakit ganun si Madeline, tanong niya sa sarili niya. Bakit lagi niya nalang pinapahirapan ang buhay ni Sam at ngayon nga ay nadamay na din si Cedrick.

"Hindi ko na hahayaan na may masaktan pa siya"


***

Kinabukasan ay hinanap kaagad ni Sam si Madeline pero imbes na makita niya ito ay ang grupo ng mga lalaki ang nakita niya. Nilapitan niya ito ng walang takot.

"Nasaan si Madeline?!"

Kita ang malaking ngisi sa mukha ng mga lalaki nung biglang sumulpot sa harap nila si Sam.

"Pag sinuswerte nga naman, hindi na natin siya hahanapin"

"Oo nga pre, ang swerte natin ngayon," lumapit ito kay Sam at tumingin tingin pa sa paligid ang lalaki, "wala ata ang mahina mong boyfriend ah"

Dahil sa sobrang galit na nararamdaman ni Sam ngayon ay nasampal niya ng malakas ang lalaki.

"G*go!" akmang sasaktan na sana si Sam ng biglang dumating si Rexan

"P*cha! wag kang magkakamaling saktan si Sam!"

Nasurpresa si Sam nung biglang nagpakita si Rexan. Sa ibang University siya nag aaral kaya hindi niya inaasahan na makikita niya ito sa University nila.

Sa di malamang dahilan ay para bang natakot ang mga lalaki nung nakita nila si Rexan. Nagkatinginan ang mga lalaki sa isat isa ay nagsenyasan na umalis nalang.

"Okay ka lang ba?"

"Bakit ganun ang naging reaksyon nila nung nakita ka nila, Rexan?" pagtatakang tanong ni Sam

Napakamot nalang ng ulo si Rexan.

"Baka natakot sila sakin?" 

Alam ni Sam na may kung anong tinatago si Rexan pero hindi niya na muna uusisain ang bestfriend niya dahil ang importante ngayon ay makita niya si Madeline at makausap ito ng masinsinan.

Nagpunta siya sa building nito pero hindi niya pa rin siya makita kaya nagtanong na siya sa professor.

"Si Madeline? nagpaalam siya na kung pwedeng mag leave of absence muna siya"

"Bakit daw po?"

"Ang batang yun, pinilit niya pang mag enrol kahit may sakit siya at ngayon nga ay hindi kinakaya ng katawan niya."

Hiningi ni Sam ang detalye kung nasaang ospital si Madeline ngayon. Agad niya itong pinuntahan at nung pag bukas niya ng pinto ay nagulat ito nung makita niya si Sam.

"Anong ginagawa mo dito?"

Lumapit si Sam kay Madeline at kita nito ang panghihina ng katawan niya. Bukod pa dun ay namumutla ito at walang lakas.

"Ganun kana ba kadisperado na makuha ulit si Cedrick?" 

Pinilit ni Madeline na tumayo para harapin si Sam at nung nakalapit na ito sakaniya ay sinampal niya si Sam.

"Wala kang alam! Maswerte ka dahil meron kang kagaya ni Cedrick pero ako, wala. Hindi mo alam ang nararamdaman ko ngayon" tiningnan lang ni Sam ni Madeline.

"Marami ka ng nasaktan, Madeline. Bakit ba pinipilit mong makuha ang mga taong ayaw naman sayo? Hindi kaba napapagod? Alam mo naman diba na kahit anong gawin mo ay hindi babalik sayo si Cedrick?"

Hindi na napigilan ni Madeline ang maiyak. Walang maramdamang awa si Sam kay Madeline sa mga oras na to. Sa dami ng mga naranasan niya kay Madeline ay wala na siyang ni katiting na awa kahit umiyak ito sa harapan niya. Hindi niya na rin kayang may masaktan pang ibang tao dahil sa makasariling ambisyon ni Madeline.


"Itong tandaan mo Madeline, hinding hindi mo mababago ang nararamdaman ng isang tao. Kaya wag mong ipipilit ang sarili mo at ang gusto mo dahil ikaw lang din ang masasaktan sa huli"



*

BOOK 2: His and Her Promisesजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें