Chapter 1

57 4 5
                                    

Thank you for waiting. 

This chapter is dedicated for you @MafhynPantaleon. Thank you for the support!

__


Mabilis lumipas ang mga taon at ngayon nga ay nasa college na ang magkakaibigan.
Sila Samantha at Cedrick ay nasa parehong university dahil gusto ni Cedrick na laging makasama si Sam. Kumukuha siya ng engineering course at si Sam naman ay literature. Samantalang sila Ericka at Jenny ay nasa ibang universities.

Inaya ni Cedrick si Sam ma mag lunch na noon nga'y abalang gumagawa ng assignment para sa susunod niyang klase.

"Sandali na lang to" sagot ni Sam

"Bakit hindi mo pa kasi tinapos yan kagabi?" 


Hindi niya na sinagot si Cedrick at dali dali niya nalang tinapos ang assignment niya.

Dahil maunawain si Cedrick ay umupo siya sa tabi nito at hinihintay niyang matapos si Sam. Nakatitig lang ito sa dalaga na naging dahilan ng pagka concious nito.

"Wag mo nga kong tingnan ng ganyan" natawa ang binata sa naging reaksyon ng girlfriend niya

"Di ko lang mapigilan" sabay ngiti

Ilang sandali pa ay natapos na ni Sam ang assignment niya. Tumayo si Cedrick at binuhat niya ang bag ng dalaga at sabay pumunta ng cafeteria habang magkahawak ang mga kamay nila.

Tatlong taon na silang magkasintahan at tila ba walang nagbago sa nararamdaman nila sa isat-isa. Oo nga't nag aaway din sila pero mas pinili nila na alagaan ang relasyon na meron sila. Kaya kahit nag aaway man sila madalas ay hindi iyon nagiging dahilan para mabuwag ang relasyon nila.

"Anong gusto mo, Sam?" nakatitig lang ang dalaga sa menu at tila ba nahihirapan itong pumili, "heto na nga lang" sabay turo sa madalas niyang order in"

Binili ni Cedrick ang gusto ni Sam at nung nakahanap na sila ng mauupuan ay biglang nag ring ang phone ni Cedrick. Hindi nakaregister sa phone niya ang tumatawag kaya hinayaan niya lang iyon pero habang kumakain ang dalawa ay patuloy iyon sa pag ring.

"Sagutin mo na kaya yan"

"Hindi ko alam kung sino to" pinanliitan siya ng mata ni Sam

"Kaya nga sagutin mo na para malam mo kung sino. Baka emergency yan"

Wala ng nagawa si Cedrick kundi sagutin ang tawag at nung marinig niya ang boses sa kabilang linya ay tila bang nagtaka ito kung bakit bigla na lang siya nitong tinawagan. 

Tinanong ni Sam kung sino ang tumatawag at ilang sandali pa ay binaba ni Cedrick ang tawag.

"Sino ba yun?" tanong ni Sam

"Nagkamali lang daw siya"

Hindi mapakali si Cedrick nung buong lunch time at nahalata iyon ni Samantha. Nung pabalik na sila sa kanila kanilang building ay hinawakan ni Sam ang kamay ni Cedrick para pigilan siya sa paglalakad.

"May tinatago kaba? Kanina ko pa napapansin na may something sayo. Sino ba yung tumawag huh?"

"Wala nga yun, nagkamali nga lang daw siya"

"Nakuu, ako pa niloko mo, kilala kita Cedrick. Alam kong may something sa kausap mo kanina"

"Wala nga sabi"

Nung nainis na si Sam dahil ayaw umamin ni Cedrick ay nagsimula na itong maglakad pabalik ng building niya. Sinundan naman siya ni Cedrick pero natigilan ang dalawa nung may nakita silang pamilyar na mukha. Nilapitan niya sina Sam at Cedrick at halos walang imik ang dalawa.

"Long time no see, kamusta?" binigyan niya ang dalawa ng isang malapad na ngiti.

Hindi alam ni Sam kung anong magiging reaksyon niya sa sitwasyon na ito. Dun lang pumasok sa isip niya na baka siya ang tumawag kay Cedrick kanina. At nung tiningnan niya si Cedrick ay nakatitig lang ito sa babae.

"Mukhang wrong timing ata ako, ayaw mo kasing magsalita kanina, Cedrick"

"Madeline..."

"Don't worry, I will not do anything. So, relax ka lang."

"Bakit ka nandito?" tanong ni Cedrick

"Oh, hindi ba nabanggit sayo ni tita na nakabalik na ko galing States last week?" tahimik lang ang binata at hindi niya nagugustuhan ang mga nangyayari, "and, I decided to enroll in this university."

Dahil na din sa mga naririnig ni Sam ay nagdesisyon na ito na maglakad pabalik ng building nila. Nakita niya lang si Madeline ay bumalik lahat ng mga masasamang bagay na ginawa nito sakaniya. Naiinis din siya kay Cedrick dahil hindi man lang niya sinabi sakaniya na si Madeline pala ang tumatawag sakaniya kanina.

Dahil sa sobrang pagkainis nito ay hindi niya na pinansin si Cedrick kahit ilang beses siya nitong tinawag.

"Eh ano naman kung bumalik na siya. At bakit dito pa niya naisipan na mag enroll. Ano bang binabalak niya ngayon?"


Natapos ang buong araw na puro yun lang ang iniisip ni Sam. Halos hindi niya na naintindihan ang mga lessons niya. Nung nag aayos na siya ng gamit niya ay may natanggap siyang message galing kay Jenny. Inaaya niyang lumabas ni Sam kasama ang ibang kaibigan nila. Pumayag naman si Sam at  nung sinabi ni Jenny na isama rin niya si Cedrick ay bigla nitong sinabing na wag nalang. Dahil na rin sa message ni Sam ay tumawag na si Jenny para mang asar sa kaibigan.

"LQ na naman ba kayo? Lagi nalang kayong ganyan pero isang lambing lang ni Cedrick ay bibigay ka naman"

"Nakakainis kasi siya, lagi nalang siyang may tinatago"

"Ano na naman bang ginawa sayo ng mokong na yun?" rinig ni Sam sa kabilang linya

"Bakit ba sabat ka ng sabat, Rexan?" 

Gustong matawa ni Sam sa bangayan nila Jenny at Rexan sa kabilang linya. Kahit parang aso't pusa sila lagi ay bilib siya sa dalawa.

"Ano bang nangyari?" tanong ni Jenny

Kinuwento ni Sam lahat ng nangyari at nung marinig niya ang pangalan ni Madeline ay napasigaw ito.

"Aray naman, Jenny!"

"Bakit nanjan ang babaeng yan? at ano kamo? balak niyang mag enroll din jan?"

Napabuntong hininga nalang si Sam. 

"Hindi ko din alam, Jenny. Hindi ko alam kung anong binabalak niya."

"Nakuuu, Sammy! Kailangan malaman ni Ericka to. Kailangan nating mag usap mamaya!"

Nung nag aayos na ng gamit si Sam ay natigilan siya nung nakita niya si Madeline sa pinto. 


"Infairness, nagtagal sayo si Cedrick"


Ano bang gusto ng babaeng to?

Yun nalang ang naisip ni Sam habang nakatingin kay Madeline

"Siguro naman mahaba na ang three years."

"Ano bang gusto mo at bakit ka ba bumalik?" ngumiti ng nakakaloko si Madeline



"Gusto ko lang naman kunin ang kung ano ang para sakin"

BOOK 2: His and Her PromisesWhere stories live. Discover now