CHAPTER 01

767 28 2
                                    

IONI'S POV

"MY toes..My knees..Your crush is manhid🎶"kanta ko habang nagwawalis.

"My toes..My knees..Suko ka na sis🎶"tuloy ko.

Ang pagkanta lang kasi ang libangan ko habang naglilinis ng buong bahay. Nakakabored naman kasi eh. Walang magawa, my ghod!pero infairness sa lalamunan ko, magandang pakinggan. Buti nalang biniyayaan ako ni lord nang beautiful voice.

Ako nga pala Si Ioni Yvette Gonzales, Ang isang napaka-gandang sirena at kung hindi niyo ako kilala, ako yung pinsan ni ARIEL. Oh diba ang tigas ng mukha ko?hehe choss lang yun. Ang totoo ay isang lamang akong isang ordinaryong babae na may angking kagandahan. hehe choss ulit!pero Ioni talaga ang pangalan ko, oh diba lakas maka-sosyal. 22 yrs/old palang ako. But you can call me ate maganda, choss!Ioni nalang ang itawag nyo sakin. Isa akong maganda't mahinhing dalaga, in-short ako yung second version ni Maria Clara, choss ulit!pero maganda talaga ako, syempre kailangan kong purihin ang self ko no. Hindi na nga ako pinupuri nang iba, hindi ko pa ba pupurihin ang sarili ko?oh back to reality tayo mga ka-bibo. Talaga namang maganda ako no, pero this time hindi na choss or whatever..abah! Mala-Kathryn Bernardo ata ang face ko!

"Hoy!"

"Ay, Kathryn ka!"gulat na sabi ko. muntik pa akong mapatalon. Nabitawan ko pa ang walis na hawak ko. My ghodness!

"Hahaha!"tawa ni kuya Ion. siraulo ata to eh!

"Ano ba naman yan kuya?!para kang tanga!"bulyaw ko sa kanya. tumigil naman sya sa kakatawa at ngumuso. yuck!

"Tsk!wag ka ngang ngumuso. Mukha kang pato!"asik ko pa. lalo naman syang ngumuso. yuck my ghod!

"Ihh ang bad mo Ioni!"nakanguso nyang sabi. super yuck my ghod!

"Tsk!ano ba kasi ah?bat ka nanggugulat?nanalo ka ba sa loto?"nanlalaking mata'ng tanong ko. umiling naman sya.

"Ano ba naman yan lil'sis, ang aga aga ang laki ng bunganga mo!"sabat ni kuya Ivan habang kumakamot sa ulo. kalalabas lang ng kwarto.

"Eh ito kasi eh!"sumbong ko sabay turo kay kuya Ion na nakanguso parin. super duper yack!my ghodness!

"Eh may sasabihin lang naman ako eh,"sabat naman ni kuya Ion.

"Ano ba kasi yon at kailangan mo pang manggulat?"nangungunot noo'ng tanong ko.

"Pinapatanong ni Xandra kung tuloy pa raw yung pagtatrabaho mo sa kanila."natigilan ako.

"Ahh yun ba..Oo naman, nakapag-impake na nga ako eh."

Si Xandra ang isa sa mga best friends ko. Xandra Kim Ramirez ang full name nya, oh diba pangalan pa lang mukhang mabango na. Patok na patok!Wala sya dito sa probinsya dahil nakatira na sya sa manila. Doon na pinagpatuloy ang pag aaral at nakakaproud lang kasi isa na syang ganap na doctor tulad nang pangarap nya, oh diba ang bongga ng kaibigan ko. Kaya proud na proud ako sa kanya eh!at ako?eto maganda parin hehe choss!tapos na rin ako sa pag aaral wala nga lang mananap na magandang trabaho. Hindi daw kasi nababagay ang magandang face ko dito eh.

Saka isa pa, inalukan nya na kasi ako ng trabaho bilang personal maid nung kuya nya. Yung panganay daw. Kaya ayun, tinanggap ko na sayang naman kung pakakawalan ko pa, diba?

Isa pa hindi ko pa naman nakikita yung kuya nyang panganay eh, pangalan nga hindi ko alam eh. Pero yung isa nyang kapatid nakita ko na. Si Xavier. Close kami non eh, skl hehe.

MAID TO BE INLOVE (ON-GOING)Where stories live. Discover now