Chapter 23

807 50 0
                                    

Hello! before you start reading this chapter I want to say thanks to you because you are one of the reasons why it reaches 800 reads and 576 votes this date of December 11, 2020 thank you so much!!!

Deina's POV

Free your heart...

Free your heart...

Free your heart...

Paulit ulit na salita pumapasok sa aking isipan galing sa isang palabas na pinanood ko kaninang gabi.

Ganoon na ba ako naging kasama kay Arthur para paulit ulit na tamaan ako ng salitang free your heart.

Nasaktan niya ako ng sobra kaya may karapatan akong magalit at ipag tabuyan siya.

Kahit sino naman magagalit sa isang lalaki na pag tapos ka iwan ng mahigit dalawang taon ay biglang mag babalik.

Ngunit kahit anong galit ko ay hindi ko siya magawang saktan kahit na inuudyukan ako ng aking utak na sampalin at murahin siya noong araw na nasabi ko na lahat sa kaniya.

Kailangan ko na nga ba talaga pakawalan ang mga sakit sa aking puso para sa ikabubuti namin dalawa.

May natitira pa rin naman siguro ako pag mamahal kay Arthur ngunit hindi ko lang mahanap ito dahil puro hinanakit ang laman ng aking puso.

"Anak tulala ka ata dyan." rinig ko sabi ni Mommy.

"Hindi ka pa rin ba maka get over sa pinanood natin kagabi? napansin ko na tahimik ka simula ng matapos noong gabi ang movie." dugtong pa ni Mommy at naramdaman ko ito naupo sa sofa.

Inalis ko na ang aking mga tingin sa backyard at hinarap si Mommy.

Masayang naka ngiti si Mommy sa akin na sinuklian ko din ng matamis na ngiti bago ay nahiga ako sa mga hita nito.

"Mommy may tanong po ako sa inyo." nahihiyang sabi ko kay Mommy.

"Hmmm... ano yon?" pag tatanong ni Mommy habang sinusuklay ang aking buhok gamit ang mga daliri nito.

"Kung kayo po yung nasa movie susundin niyo po ba yung payo ng kaibigan niyo at patatawarin ang anak niyo?" pag tatanong ko kay Mommy tungkol sa pinanood namin na movie noong gabi tungkol sa mag ina na nag karoon ng matagal na galit sa kanyang anak dahil sa kabila ng pag papalaki dito ng maayos ay nauwi sa wala.

"Oo naman, anak ko yun eh at mahal ko yun." naka ngiting sabi ni Mommy sa akin.

Patatawarin ko na ba si Arthur o ako ang dapat na humingi ng tawad dahil sa mga hindi magandang salita na nasabi ko sa kaniya.

Maaayos nga ba ang lahat pag nag ka ayos kami.

"Tsaka alam mo anak walang magandang idudulot ang galit sa puso, makakasama lang yan." pag sasalita ni Mommy.

"Kaya kung ano man ang argumento niyo ni Arthur mas mabuting ayusin yan at hindi patagalin." pag papayo ni Mommy sa akin na ikinagulat ko.

Ibinangon ko ang aking sarili at naupo na lamang sa tabi ni Mommy.

"Alam niyo po Mommy?" naka kunot noo tanong ko kay Mommy.

"Aba siyempre! wala ka matatago sa akin anak." natatawa sabi ni Mommy sa akin.

"Wala ka matatago sa amin ng Daddy mo, ni pag iyak mo sa gabi alam namin." naka ngiti sabi ni Mommy sa akin at hinawakan ang aking kamay.

"Mahal ka namin, ayaw namin na sasaktan ka." naiiyak na sabi ni Mommy.

Wala ako nasabi kay Mommy kundi patahanin ito at yakapin.

Totoo nga wala ka malilihim sa magulang mo dahil sila ang gumawa sayo, unang nag mahal at nag alaga.

Be With You (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt