Chapter 4

1.1K 101 10
                                    

Deina's POV

"Yes sir I'm on my way" sabi ko sa boss ko sa kabilang linya habang nag mamadali ng inaayos ang bag.

May meeting kami ngayon ni Boss Daniel Ford with the other Company sinama niya ako dahil gusto niya na ako ang mag present ng aming plano, nakita din niya kung paano ko hawakan ang aking Team and He wants to see more from me

Gusto ko naman siya pakitaan kung gaano pa ako kagaling.

Nang nag susuot na ako ng aking sapatos bigla naman may kumatok sa pintuan.

"Coming!" sigaw ko dito dahil nasa sala ako naka upo habang nag susuot ng heels, pag tapos ko ay dinala ko na din ang bag ko at pinag buksan na ang kumakatok.

"Arthur?" nag tataka kong sambit sa pangalan nito.

"Where's Vicky?" naka kunot noo na tanong nito sa akin.

"Ah hindi niya ba nasabi sayo? He fly on America last night business trip" madali at kalmado kong saad dito.

"Ok aantayin ko siya dito." walang emosyon na sabi nito at sumandal sa gilid ng pintuan.

"Hello? 3 days siya sa America." sabi ko dito dahil mukhang nahihibang na ata ito.

"I'll stay here, I wait for her." sabi nito ng wala pa din emosyon habang naka titig sa mga mata ko at nilagpasan ako para pumasok sa Condo.

"O- ok" yun na lamang ang nasabi ko at tumakbo na papuntang elevator.

Hindi ako na gising ng maaga ngayon dahil hinatid ko kagabi si Vicky sa Airport papuntang America dahil biglang nag email sa kanya ang Boss niya na kailangan siya doon as her make up artist.

Siguro kaya hindi alam ni Arthur ay hindi nasabi sa kaniya ni Vicky dahil sa pag mamadali at hindi din naman niya alam na bigla na lang susulpot si Arthur sa harapan ng Condo namin.

Dumaan muna ako ng Starbucks para bumili ng Coffee dahil hindi pa ako nag aalmusal at antok pa ako.

Pag dating ko naman sa H&G Company one of the most famous Company in the World ay agad akong sinalubong ni Boss Daniel.

"Sorry Boss, I'm late." pag hingi ko ng tawad dito.

"It's ok, hindi pa naman sila dumadating." sabi ni Boss Daniel kaya nag paalam muna ako dito para mag punta ng Rest Room.

Pag pasok ko sa rest room ay agad akong humarap sa salamin para mag lagay ng unting lipstick and  eye shadow, sinuklay ko na lamang ang mahaba kong buhok at inilagay sa likuran.

Pag kalabas ko naman ng rest room ay ininom ko na ang inorder kong blonde roast brewed coffee sa Starbucks, maya- maya naman ay dumating na ang may ari ng Company.

Inalalayan na din kami ng isang Assistant papunta sa Meeting Room.

After 3 hours.

"Thank you sir for agreeing in this plan." masayang sabi ko kay Sir Noah habang nakikipag shake hands.

"We're glad for having Crestview Enterprise Company as our partner." sabi naman nito sa akin at ngumiti.

Hindi naman namin maiwasan ni Boss Daniel na mag katinginan at mag bigay ng malaking ngiti sa isa't isa.

"Siguradong matutuwa si Roberto  pag nalaman niya ito." sabi ni Boss Daniel habang nag lalakad na kami papalabas ng Company.

Naisipan ko naman na tawagan sila Daddy sa probinsiya.

"Oh sige I go ahead, may lunch date pa kami ng misis ko." naka ngiting sabi ni Boss Daniel at may tumigil ng sasakyan sa harapan namin.

"Sige po, ingat po kayo." naka ngiti rin sabi ko dito at sumakay na ito sa sasakyan.

Dali dali ko naman kinuha ang phone ko sa bag at nag dial sa aking Mommy.

Sinabi ko rito ang tungkol sa nangyari sa meeting kanina at pag kakasundo ng H&G Company and Crestview Enterprise Company natuwa naman ito at mag hahanda daw siya ng madami sa aking pag babalik sa Probinsya agad din binalita nito kay Daddy, natuwa naman din si Daddy at pinaalalahanan ako na mag trabaho ng mabuti.

Pag pasok ko sa Condo ay inalis ko agad ang aking suot na sapatos at suot na blazer at naupo sa may sofa.

Halos 5 minutes din akong naka upo sa sofa at naka pikit ang mata para mag relax na pag isipan ko na mag bukas na lang ng delata ulam ko ngayong gabi dahil pagod na ako at iminulat na ang mga mata.

Sa pag mulat naman ng aking mga mata nakita ko ang isang lalaking nag rereflect sa may tv.

Agad akong napatayo at mabilis na tumitibok ang puso dahil sa kaba.

Napahinga naman ako ng maluwag ng malaman kong si Arthur lang pala ito.

Seryoso talaga siya aantayin niya si Vicky?

"Nandito ka pa pala, hindi kita napansin." naiilang na sabi ko dito.

"Gusto mo ba kumain ng hapunan? saglit lang mag luluto ako." sabi ko ulit dito at nag punta na sa kusina, naramdaman ko naman na sumunod ito sa akin.

Nang tapos na ako mag luto hinain ko ang mga niluto ko dito sa maliit na dining table namin ni Vicky at saka tinawag ito.

Nag luto ako ng hotdogs at bacon dahil ito lang naman ang meron sa Condo namin ni Vicky hindi din ako ganoon kasanay mag luto dahil si Vicky lagi ang nag luluto ng pagkain namin.

Habang kumakain kami ay tahimik lang ito kaya hindi ko naiwasan mag tanong dito kung seryoso siyang aantayin niya pa din si Vicky na agad naman na  tumango ito.

"Umm... pwede ka dito sa kwarto ni Vicky matulog para komportable ka." sabi ko dito at binuksan ang pintuan ng kwarto ni Vicky, sinilip naman niya ito at tuluyan ng pumasok.

Naiwan naman ako dito sa dining area na nag liligpit ng aming pinag kainan.

"Grabe naman yun hindi man lang nag pasalamat siya na nga ang pinagluto ko." pag rereklamo bulong ko sa aking sarili.

"Wala naman talaga ako balak mag luto ngayong gabi dahil pagod ako, pero dahil nandiyan siya nag luto ako para sa kaniya." bulong na pag daing ko pa.

"Ganyan ka ba mag reklamo?"

Narinig kong sabi ng isang lalaki.

Humarap naman ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at hindi nga ako nag kamali si Arthur nga!

Naka sandal ito sa pader habang naka titig sa may kisame.

Sa sobrang hiya ko ay hindi ko alam ang gagawin kaya wala akong nagawa kung hindi tumakbo sa kwarto ko at nag lock ng pinto.

Nakakahiya ka Deina Roberta! Bakit ganoon ang nilabas na salita ng bibig mo? Sabay palo sa aking bibig.

Tumalon ako sa aking kama at sabay talukbong ng kumot.

Nakakahiya talaga huhu.

Be With You (COMPLETED)Where stories live. Discover now