Chapter 10 [Ice-cream]

Magsimula sa umpisa
                                    

I don't have any choice but to go home. Mas lalo lang mauubos ang enerhiya ko kapag kasama ko pa sila. I think it's better to be alone sometimes.

Uuwi na lang muna ako sa bahay para makapagpahinga. Maybe I'm just exhausted these days and needed some recharge. Matagal na rin noong huling muni-muni ko. Gusto kong mapag-isa na lang muna.

"Bakit hindi tayo nagkakasabay?" tanong ko kay Rowena at siniko siya. Bumuntong hininga ako at umirap.

"Eh kasi ako ang naghahanda sa bahay, wala sila mama at papa, hindi ba, nagtratrabaho kila senyorito?" Napatango na lang ako sa tugon niya.

May narinig kaming humahangos at tumatakbong lalaki.

"Tristan!" tawag sa pangalan ko kaya napalingon ako at nakita ko si Jaycee na tumatakbo papunta sa gawi namin. Huminto kaming maglakad ni Rowena at hinintay siya.

"Ito na pala 'yong notes mo tsaka libro. Muntik ko pang makalimutan ibalik kanina," aniya. Binuksak ko ang bag ko at ipinasok ang notebook at Libro.

"Thanks."

"Sige, una na ako, salamat din." Nag-flying kiss siya sa akin. "Bye, Tristan."

"Bye, Jaycee!" saad ko bago pa siya tumakbo pasakay sa kotse nila. Bakit halos lahat ata ng lalaki dito sa campus may kotse? Sana lahat.

"Gwapo rin 'yong si Jaycee 'no, Tristan?" usisa ni Rowena sa gilid ko habang nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Ewan ko. Siguro okay lang." Nagkibit balikat ako.

"Siguro? Ewan ko? Okay lang? Wow, ang pihikan mo naman. Alam mo bang heartthrob 'yan dito sa campus si Jaycee, actually last year pa. Hindi ka ba nagwagwapuhan sa kaniya?" Nakita ko sa gilid ko ang mapanuring mga mata ni Rowena.

"Wala naman akong sinabing pangit siya. Well, gwapo naman siya. Mediocre, maputi, may abs for sure but hindi ko type," pagdadahilan ko at umirap sa ere.

"Baklitang ito! Hindi mo type o may iba nang nakabihag sa puso mo?" Napaawang ang mga labi ko sa narinig.

"Rowena! Nagpapatawa ka ba?" tumawa ako nang peke. "Kailan ba ako nagkagusto sa mga lalaki dito?" Tumawa lang siya sa sinabi ko.

"Asus! Kunwari ka pa. Nababalitaan ko at nakikita kong magkasama kayo ni senyorito Luke pati mga kaibigan niya. Hindi naman siguro malabong mahulog ka kay senyorito. Nagtratrabaho ka sa kaniya, magkaibigan kayo at malapit kayo sa isa't-isa."

"Bahala ka, Wena. Isipin mo ang gusto mong isipin." Nauna akong maglakad at umuwi sa bahay. Wala naman na kaming dapat pang pag-usapan ni Rowena dahil nababadtrip ako sa kaniya ngayon. Sa ibang araw na lang kami mag-uusap.

Habang binabagtas ko ang mainit na kalsada, nakarinig ako ng busina ng isang sasakyan mula sa likuran kaya halos mapatalon ako sa gulat.

"Ano ba?!" hinarap ko ito. Huminto ang sasakyan saka bumaba ang bintana. Nakita ko sa loob ng kotse si Wilbert. Nilapitan ko siya para murahin.

"Gago ka! Akala ko namang ano ginawa ko. Anong meron?" I raised an eyebrow at him.

"Gusto mo hatid na kita sa inyo para hindi ka mainitan?" Wala akong nagawa kung hindi ang umikot sa passenger seat at sumakay sa loob. Sobrang init sa labas at matagal kong inalagaan itong kutis kong hindi nasunog sa araw.

"Ang aga ng uwian natin ngayon, 'no?" pagsisimula ni Wilbert ng usapan. Sumulyap ako sa kaniya at tumango.

"Oo nga eh."

Narinig kong natawa siya at sinimulan nang paandarin ang sasakyan. "Bakit ka pala galit na galit kanina? Ang init-init ng ulo mo ah?" mabilis akong umirap sa narinig.

Fontabella 1: The Businessman's TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon