Epilogue (Part One)

Start from the beginning
                                    

"Kun aram ko sana na arog kaini an mangyayari, dae na kuta ako nag-iba," si Silas. (Translation: "Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi na sana ako sumama,")

"Aram ko na na arog kaini an mangyayari kaya nag-iba man garay ako," anya naman ni Kipp. "Dakol na taon na ako nakadukot saiya kaya dae ko kayang mahiling na nasasakitan siya." (Translation: "Alam ko na na ganito ang mangyayari kaya sumama pa rin ako. Maraming taon na akong nakadikit sa kanya kaya hindi ko kayang makita na nahihirapan siya.")

"Naks, an rarom kato, Kipp! Bilib na talaga ako saimo!" (Translation: "Naks, ang lalim 'non, Kipp! Bilib na talaga ako sa 'yo!")

Nagtawanan ang dalawang isip-bata.

"Arog baga dapat kaan an magbabarkada. Garo na man sana magkadugo kaya dawa na magsain siya, iibahan ko siya." (Translation: "Ganyan dapat ang magkakaibigan. Parang magkadugo na kaya kahit na saan siya pumunta, sasamahan ko siya.")

"Iiba mo man daw ako diyan. Nahiling mo ng igdi man garay ako nagbagsak dawa na kontra talaga ako sa offer na ito." (Translation: "Isama mo naman ako riyan. Kita mong dito pa rin ako bumagsak kahit na salungat talaga ako sa offer na iyon.")

"Tsk. Aram mo naman kaya 'yan si Jaimar, habo tapos biglang muya. Pabayaan ta na sana. Trabaho man garay ini." (Translation: "Tsk. Alam mo naman kasi 'yang si Jaimar, ayaw tapos biglang gusto. Hayaan na lang natin. Trabaho pa rin ito.")

"Sinabi mo pa-"

Napatigil ako sa paglalakad at mariin na napapikit sabay malalim na bumuntong-hininga. Hindi ko na matandaan kung paano ko nga ba naging kaibigan ang dalawang ito. Mukhang wala na talaga silang pag-asa na magbago.

"Ika kaya an rapak mo," bulong ni Kipp. (Translation: "Ikaw kasi ang bibig mo,")

"Bako sana ako an butungon mo pababa. Ika ngani diyan an nagpadagos kan ulayan," depensa naman ni Silas. (Translation: "Huwag lang ako ang hilahin mo pababa. Ikaw nga riyan ang nagpatuloy ng usapan,")

Napakuyom ako ng kamao bago sila hinarap. "Dae talaga kamo mapundo?" (Translation: "Hindi talaga kayo titigil?")

Todo iwas ang dalawa sa tingin ko. Kalaunan ay nag-unahan na sa pagpunta sa barko. Tss. What an irritating cowards, always blabbering and complaining nonsense things.

Sa pagharap ko ulit sa unahan ay saktong may dumaang lalaki sa harap ko. Bahagya akong napaatras dahil sa distansya na meron kami. Sinundan ko ng tingin 'yong lalaki. Napansin ko rin ang ilan pang kalalakihan na nakasunod sa kanya. They've got guns in their hands. Mukhang may hinahanap sila.

Hinanap ng mga mata ko kung may mga alagad ba ng batas ang nasa paligid pero wala akong makita. Halata rin sa mga tao ang gulat at takot nila sa mga armadong kalalakihan.

Napunta ulit sa barko ang tingin ko. Unconsciously, my brows started to create a little furrows because of wonder. I bet that woman is who they are looking for. But for what reason? What is that woman's greatest sin to these people? Why are they chasing her?

"Jaimar!"

I saw the two minions calling me using their hands. Sinamaan ko naman agad ng tingin kaya napatigil sila't diretso nang nagmamadaling pumasok sa barko.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Dahan-dahang lumiko ang mga mata ko sa lalaking dumaan sa tabi ko. Rage and desperation was reflected in his eyes as his jaw clenched.

Nang nasa barko na ay nakita ko ulit 'yong babae kanina. She's in the deck, feeling so vulnerable and helpless with the tears in her eyes.

"Mana sa laog," yaya ni Silas nang mapansin ang paghikab ni Kipp. (Translation: "Tara sa loob,")

EvanesceWhere stories live. Discover now