"Nasasaktan ako na kahit anong gawin ko ay hindi nagiging sapat para alisin ang sakit at takot sa puso mo."

"Icarius, hindi sa ganoon–"

"Pero kagaya nga ng sinabi ko, maghihintay ako. Hindi ako mapapagod na tulungan ka hanggang sa makaya mo na ulit."

Naramdaman ko ang tingin niya sa akin pero pinili kong sa harap lang tumingin. Baka hindi ko na naman kayanin kapag nakita ko ang nararamdaman niya sa mga mata niya. Mga salita niya pa nga lang ay ang sakit ng pakinggan. Paano pa kaya kung salubungin ko pa ang mga tingin niya?

"I'm sorry, Icarius." Uminit bigla ang mga mata ko, nagbabadya ng panibagong sariwang luha.

Nasasaktan din naman ako na nakikita kang ganito kaya sinusubukan ko naman, gusto kong sabihin iyan sa kanya pero ayoko nang madagdagan pa ang bigat sa puso namin. We're both hurting each other because of my experiences. Nagawa kong ibahagi sa kanya ang mga pangit na pangyayari sa buhay ko through my words and actions without telling the exact events at hindi ko na alam kung paano ko pa iyon mababawi.

"Don't be sorry. This is my choice, Aislinn. Ginusto kong makihati sa mundo mo kaya ito ang kapalit."

"I'm sorry..." I have nothing else to say. Sorry is the only word that I could say to him right now. Ni hindi ko nga rin partikular na matukoy kung ano nga ba ang hinihingi kong tawad sa kanya. Iyon bang nangyari kanina o dahil sa nasasaktan ko siya o pangkalahatan na?

"But trust me, Icarius, what I'm feeling for you is–"

"You don't need to say it now just because I want to hear it. Tell me if you really feel like telling me. Tell me if your mind and heart are balance in the right condition. I can always wait for you, Aislinn. Iyon na lang ang tanging magagawa ko para sa 'yo at sa sarili ko."

Nakarating kami sa bahay ng tahimik na lang ulit. Kahit na anong hanap ko sa mga salita ay hindi ko pa rin sila mapagtagpi-tagpi. Ang tanging magagawa ko na lang muna sa ngayon ay kumapit sa mga sinabi niya sa akin.

"Ma, pakiasikaso si Aislinn. Bababa muna ako sa bayan."

"Ay ano bang nangyari't basang-basa ka, anak? Ayos ka lang ba?" si Mama Encarnacion nang salubungin niya kami sa may pinto.

"Opo." I smiled weakly.

"Alis na ako, Ma. Babalik lang ako agad."

Nagkatinginan kami ni Icarius. Binigyan niya ako ng ngiti bago niya kami tinalikuran at naglakad palayo. Nanatili naman akong nakatingin lang sa kanya habang ramdam ko ang pamumuo ng mga luha sa mga mata ko.

What did I do to deserve a man like him? Kung ito ang resulta sa lahat ng paghihirap ko ay ayoko nang bumalik pa. I will stay here as long as I want. Ngayon lang ako nagkaroon ng malakas na kagustuhan para manatili sa isang lugar na alam kong ligtas. Ngayon lang ako nakaramdam ng pagmamahal na ayokong bitawan sa kahit na ano mang paraan. I will continue to hold onto him no matter what happens. Hindi na ako bibitaw ulit sa isang bagay na alam kong magdudulot ng kasiguruhan sa buhay ko.

"Pasok na tayo, 'nak?"

Napakurap-kurap ako at bahagyang napatawa. "Ah, sorry po. Tara po." Napasinghot ako bago iniwas ang tingin sa daang tinahak ni Icarius.

When I was at the peek to feel happy, especially when I'm with Icarius, it feels like a second, but when I'm in pain and suffering, it feels like a never-ending hours in the phase of life. Maybe because I allow myself to be free when I'm happy, and I deprive myself like a prisoner when I'm sad. Mas buhay 'yong mga pangit na emosyon kapag malungkot ako kaya ramdam ko kung gaano kahirap na buuin ulit ang kapiraso ng sarili ko. The scars are just too deep as another wounds keep on coming to accept it easily.

EvanesceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora