EPILOGUE

2.9K 91 5
                                    

THIRD PERSON

Nagkakagulo, nagsisigawan, nagkakasakitan, at nagtutulakan.

Iyan ang sitwasyong makikita mo ngayon sa Capital. Halos magkaundaga na ang mga tao dahil dito.

Ang pinapangamba nila ay tuluyan na ngang kumawala.

Hinding-hindi na ito mapipigilan pa ng kahit sino man.

Sa taong X781 ay lumaganap ang kadiliman sa mundo ng mahika.

Tuluyan ng nagbukas ang tarangkahan ng kadiliman. At mula sa kinatatayuan ng mga miyembro ng Origin Clanners ay puro pangamba lang ang kanilang reaksiyon.

Malakas na tunog ang bumalot sa Capital at binalot ito ng liwanag. Ngunit sa pagkaalos ng liwanag ay siya namang pagbungad sa kanila ng mga naiwang balahibo ng mga pakpak na kung titignan mo ay galing ito sa pakpak ng isang anghel.

Hindi.. Mali..

Mga anghel na binalutan na ng kadiliman sa kanilang mga puso.

Kung tatawagin ay...

Sinnerellian

Sa kabilang banda naman kung saan may isang lugar na walang katao-tao. Hindi ito sakop ng Capital bagkus napakalayo nito.

Mayroong grupo ng mga kakaibang tao ang tahimik na nagmamasid.

"Ang sakit ng katawan ko! Matagal-tagal narin pala nung huli kong gising!" Sabi ng isang di kilalang babae na may suot na pangdigma na kasuotan.

"Marami na palang nagbago. Mayroon pa kayang natitira na kamiyembro natin?" Saad ng lalaking mukhang natutulog.

"Siyempre naman! Never underestimate our clan." Masiglang sambit ng isang lalaking kanina pa tumatalon-talon.

"Enough for that, Eres." Seryoso namang saad ng babaeng may hawak na isang espada.

"Masyado ka namang seryoso, Hikra. Let's enjoy for now the surroundings." Nakangiting sambit ng isang babae na siyang ikinatango ng ilan sa mga kasamahan nila.

"We still have a mission to finish na hindi natin nagawa noon." Masungit na saad ng isang lalaki habang inaayos ang kaniyang kasuotan.

"Aim for that mission. We have only one mission. Reform our clan and kill those clans."

"WE WILL AVENGE OUR COMRADES WHO SUFFERED A LOT!"

Lumen Academy: Who Am I?Where stories live. Discover now