UNUTTERED WORD #2: Buhay

5 1 0
                                    

Noon pa man sadyang
kay lupit ng mundo.
Kahit ano ang iyong gawin,
kahit ikaw ay maging positibo
Sadyang dadating ang punto
na kaunti nalang susuko ka na.

Bakit ba ang lupit ng
mundong kinagagalawan natin?
Bakit hindi ito naaayon
sa gusto nating mangyari?
Napakahirap ang umasa
sa mga bagay na parang
wala naman pag-asa,
Sa mga bagay na gustuhin
mo man makamit ngunit
hindi para sa iyo.

Sa mga taong akala mo
ay kilala mo ngunit hindi pala.
Sa mga taong hinuhusgahan
ka base sa kung ano ang gustong
masaad  ng kanilang mga bibig.
Sa mga taong akala mo ay totoo
sayo ngunit ginagamit ka lang pala.
Sa mga taong laging nakikinig
sayo ngunit ang totoo ay
rinding rindi na sila sa iyo.

Bakit sadyang madaya ang buhay?
Buhay na kailanman ay hindi
natin malalaman kung
hanggang saan, kung hanggang kailan.
Buhay na siyang tanging
nagbibigay lakas sa nakararami,
Ngunit bakit parang sayo ay ipinagkait?
Ni minsan ay hindi nasagi
sa isipan mo na may
ipagmamalaki ka rin gaya ng iba
Dahil iba ang tingin mo sa mundo,
iba ang tingin mo sa buhay.

Buhay na sadyang ninanais mo ng kitilin.
Ngunit sadyang ang iyong kaisipan
ang siya ring pumipigil dito.
Dahil ang pagkitil ng sariling buhay
ay siyang pinaka malaking
kasalanan na hindi mo nanaiisin gawin.

Kaya BUHAY, ang nagbibigay kulay,
lakas, pagsubok at kasiguraduhan,
Na lahat ng bagay sa mundo
ay may KABULUHAN.

Unuttered WordsWhere stories live. Discover now