Prologue

82 6 0
                                    

Malamig na hangin ang yumakap sa'kin habang naglalakad lakad ako dito sa dalampasigan. Sumasabay naman sa malalakas na alon ng tubig ng dagat ang buhok kong tinatangay ng hangin. Mabilis akong napayakap sa aking sarili ng makaramdam ako ng lamig.

Isang mapait na ngiti ang biglang sumilay sa aking labi habang pinapanood ko ang paglubog ng araw sa dulo ng dagat.

"Sunsets are proof that endings could be beautiful too.." Bulong ko sa'king sarili habang nakapikit kong dinadama ang lamig ng hangin na yumayakap saakin. 

It's been how many years since I last visited this place. Ngayon nalang ako ulit nagkaroon ng lakas ng loob na mag tungo dito pagkatapos ng lahat ng nangyari.

Wala pa 'ding pinagkaiba. Kung ano ang sayang naramdaman ko noong unang punta ko dito ay ganon parin ang sayang nararamdaman ko ngayon. May mga puwang ngalang sa puso ko dahil ang lugar na ito ang  syang naging saksi sa lahat ng sakit na naramdaman ko noon.

This is a very special place for me. It holds a lot of memories from my past. Both beautiful and bad. Memories that filled with laughter, stolen kisses, and promises of forever. It also holds all my pain and grieviances that broke me. 

Ngunit kagaya ng paglubog ng araw ay ganon 'din kabilis natapos ang lahat. Naiwan ako sa gitna ng dilim na patuloy pa 'ding nanghahanap ng mga kasagutan sa mga tanong na naiwan sa aking isipan.

"Lumalamig na. Pumasok ka na dito, baka magkasakit ka pa." Nilingon ko si Tita sa hindi kalayuan at napangiti.

Sandali ko pang nilingon ang araw na kaunti nalang ay mawawala na sa aking paningin bago nanglakad at napagpasyahang pumasok na sa loob.

Naabutan ko si Tita na buhat buhat ang mga plato at ilang kubyertos. Agad ko syang nilapitan at inagaw sa kanya ang mga hawak hawak nya.

"Let me help Tita."

Hinayaan na nyang ako ang mag ayos ng mga kubyertos sa hapag. Habang sya naman ay abala sa pagkuha ng mga pagkain sa kusina.

"Mabuti at naisip mong dumalaw. Ang tagal mo 'ding hindi nakabalik." Sandali akong napangiti.

Kahit sino namang sapitin ang mga nangyari sa'kin sa mga nagdaang taon, paniguradong maski sila ay hindi na gugustuhin pang bumalik sa pinagmulan ng lahat ng iyon. Mahirap umusad kung palagi may mga bagay na magpapa-alala sa'yo sa lahat ng sakit.

"Ang mahalaga Tita, nakayanan kong bumalik." Nginitian ko sya at nagpatuloy ako sa pagaayos.

"Kamusta ka naman?" Sandali akong nahinto dahil sa tanong na iyon. Nilingon ko si Tita na syang naglalagay ng kanin sa mga plato namin.

Mapait akong napangiti. Oo nga naman. Kamusta na nga ba ako pagkatapos ng lahat ng nangyari? Sa palagay ko ay ayos naman ako. Nakayanan ko naman at patuloy akong bumabangon sa kabila ng lahat.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago sumagot. "I'm okay Tita. I've always been okay." Binigyan ko pa sya ng isang sinserong ngiti para maniwala sya.

Pinatatag ako ng lahat ng pinagdaan ko kaya masasabi kong ayos na 'ko.

Sandali akong tinignan ni Tita. Ang mga mata nya ay puno ng pag aalala. "I'm always here okay? Always remember that."

Madness Of Summer (Season Series #1)Where stories live. Discover now