Chapter 5

363 14 0
                                    

TZUYU'S HOUSE

Pagkauwi ni Tzuyu sa bahay nila ng 5am dumaretso siya sa kwarto at nakita niya na wala pa si Sana. Bumaba ulit ito para tignan pero wala talaga kaya naman naisipan na muna niyang maligo


After nun pumunta siya sa may sala para doon hintayin si Sana, nakailan tawag at text narin ito sakanya pero hindi nagrereply at sinasagot ang mga tawag


Nakuha ng nakatulog si Tzuyu sa sofa kakahintay kay Sana. Hanggang sa sumikat na nga ulit ang araw wala parin si Sana, napahimbing naman ang tulog ni Tzuyu dahil sobrang napagod ito sa work at puyat


9:23 na ng umaga at doon dumating na si Sana nakita niya ang kanyang asawa na mahimbing na natutulog sa sofa


"Hinintay niya ako buong gabi?" tanong nito sa sarili niya

"Hoy Tzuyu? Tzuyu?" pagtapik nito sa balikat niya na hindi man nagising

"Hey! Tzuyu-ah" medyo pagsigaw na ni Sana

Doon dahan dahan na binuksan ni Tzuyu ang kanyang mga mata, kita parin sa mukha ni Tzuyu ang pagod at tamlay nito

"N-Nakauwi kana" pabulong na sabi ni Tzuyu na narinig naman ito ni Sana

"Naghintay kaba sakin?" tanong ni Sana

"O-Oo, k-kagabi pa kita tinatawagan" nanghihinang sagot ni Tzuyu na napansin ito ni Sana

"Anong nangyayare sayo?" tanong ni Sana

"Wala, pagod lang sa work" sabi ni Tzuyu na bigla itong nahimatay

"Tzuyu? hoy gumising ka?" pag alog sakanya ni Sana

"Tzuyu? Tzuyu?" sabi pa ni Sana

Tatawag na sana ng tulong si Sana ng biglang hawakan siya sa kamay ni Tzuyu

"O-okay lang a-ako" sabi ni Tzuyu


Hinawakan ni Sana ang ulo ni Tzuyu at naramdaman niya itong mainit. Dali dali siyang pumunta sa kusina para maghanap gamot at kumuha ng palangga na may tubig at pimpo

Pagbalik niya dahan dahan niyang pinunasan sa basang pimpo si Tzuyu mula sa mukha hanggang sa katawan nito. Inalis ni Sana ang suot na damit ni Tzuyu na kumuha ng bagong damit


"S-Salamat" sabi ni Tzuyu habang binibihisan siya ni Sana

"Pano nalang kung wala ako edi wala rin mag aalaga sayo" sabi ni Sana

"Ganun na nga siguro" sabi ni Tzuyu

"Pwedi ba magpahinga ka naman maawa ka sa sarili mo tignan mo nagkakasakit kana" inis na sabi ni Sana sakanya

"H-Hindi ako nagsisisi na pinakasalan kita" biglang sabi nito

"Ano?!" pagtakang tanong ni Sana

"Ipagluluto nalang kita para mainom mo ang gamot mo" pagtayo ni Sana


Hindi na sumagot pa si Tzuyu at natulog nalang ito dahil sa sama ng pakiramdam. Habang nagluluto si Sana tinawagan niya ang mga magulang ni Tzuyu para sabihin na hindi na muna siya makakapasok sa work dahil may sakit ito







Sana's Pov

Hay kasalanan ko to kung bakit siya nagkasakit ,buong gabi ba naman niya ako hinintay at malamig pa ang panahon ni wala man lang siyang kumot sa katawan niya. Bakit ba kasi natitiis niya ako ng ganito? nakokonsensya tuloy ako sa tuwing ginagawa niya ito

"Hey Tzuyu-ah? gising na kakain na" pagtapik ko sakanya na tinabihan siya habang nakahiga sa sofa

Hindi ko alam pero napatitig nalang ako sakanya at dahan dahan hinawakan ang mukha niya. Hinaplos ko ito at ramdam parin ang sobrang init niya

"S-Sana ..." sabi nito habang tulog

Ano ba naman yan pati sa panaginip mo ako? wala na  ba talagang iba? hay kung pwedi lang talaga ibalik ang nakaraan ibabalik ko para mapunta ka sa tamang tao

"S-Sana" sabi pa nito na dahan dahan idinilat ni Tzuyu ang mga mata niya sabay sa pag alis ng kamay ko sa mukha

"K-Kumain kana" hindi ko alam pero bigla nalang ako nautal


Tinulungan ko itong makaupo ng maayos, sobrang tamlay at nanghihina siya halos hindi na talaga makakilos ng maayos


"Subuan na kita" sabi ko na kinuha ang pagkain

"Salamat" sabi nito na sinubuan ko na

"Masarap ba?" nahihiyang tanong ko dahil hindi naman talaga ako marunong magluto

"Pwedi na" birong sagot nito

"So di masarap?" tanong ko pa

"Hindi" seryosong sagot niya tsaka ko binitawan ang hawak ko

"Tapon ko nalang, magpadeliver ka nalang" sabi ko na tangka ng aalis ng bigla niya akong yakapin

Ramdam ko ang init ng hininga niya mula sa leeg ko dahil nakatalikod niya akong niyakap

"Hindi masarap, dahil sobrang sarap" sabi nito na parang statue ako sa ginawa niya

"Dito ka muna please ..." sabi pa niya 

"Tzu? kumain kana lalamig ang pagkain oh" sabi ko na iniba ang usapan

"Subuan mo ako" pag alis niya sa yakap

"Ano? may mga kamay ka naman kaya muna yan" pagsungit ko sakanya

"Sabi mo susubuan mo ako? sige na pweasee" pacute na sabi niya pero wala man lang akong reaction sa mukha

Pero sa loob loob ko sobrang cute at gwapo niya dahil first time kong makita na ganun si Tzuyu

"Sige na kunin muna ulit yun" pagturo ng labi niya sa pagkain

"Hay ikaw" inis na sabi


Hindi na ako nakipagtalo pa sakanya at sinubuan ko nalang siya. Pagkatapos nun pinainom kuna sakanya ang gamot at nilinis ang mga platong ginamit niya

Pagbalik ko sa sala nakita ko siya na hawak hawak ang phone at naglalaro. Tinabihan ko siya at pinanuod sa paglalaro


"Gusto mong itry?" tanong niya na hindi man lang nakatingin sakin

"Hindi na" sagot ko tsaka ako sumandal sa sofa at itinaas ang mga paa sa isang maliit na upuan

"Here" pag abot niya bigla sa phone niya

"Anong gagawin ko dyan?" tanong ko

"Try mo" sagot niya na hindi parin kinukuha ang phone


Dumikit siya sakin at niyakap ako, hinawakan niya ang mga kamay ko na pareho kaming hawak ang phone. Nagulat ako sa ginawa niya at napatingin nalang sakanya


"Madali lang to kapag impostor ka pwedi kang pumatay kapag naman hindi gawin mo ang mga tasks para manalo ka" paliwanag niya na nakatitig lang sakanya

"Pwedi bang tigilan muna yan may sakit ka diba?" sabi ko na napatigil siya at tinignan ako

Sobrang makalapit lang ang mga mukha namin dalawa kung saan parehong labi ng isa't isa ang tinitignan

"Okay lang ba kung magstay tayo ng ganito?" biglang tanong niya

"Magpahinga ka nalang" pagsungit ko

Binitawan niya ang phone na inilagay sa table, ipinatong niya bigla ang ulo niya sa balikat ko habang yakap yakap parin ako


"Ano bang ginagawa mo?" tanong ko na sinubukan umalis sa yakap niya pero hinigpitan niya ito

"Wag kang umalis dito ka muna" pagsuksok niya sa ulo niya sa leeg ko

"Tzuyu-ah? tumigil ka nga" inis na sabi  ko

"Okay lang naiintindihan ko pero kahit ngayon lang iparamdam mo" sabi niya na hindi ko naintindihan



Hinayaan ko nalang siya dahil nakaramdam ako ng konsesnya sa sarili ko. Hinayaan ko siyang yakapin ako at nagstay kami sa ganun posisyon. Hindi ko alam pero napangiti ako bigla at hinawakan ang kamay niya hanggang sa pareho nakaming nakatulog na yakap yakap ang isa't isa

LOVE ME PLEASE - SATZUWhere stories live. Discover now