Chapter 27

292 11 0
                                    

HAN RIVER

"Aaahhh!" napaluhod si Tzuyu na humahagulgol sa pag iyak

"Bakit??? Bakit ganito?!" na paulit ulit pinagsusuntok ang daan na sobrang lakas ang ulan


"Sir?!" biglang dating ng babae


"Hali na po kayo magkakasakit po nyan kayo" sabi pa nito na inalalay sa pagtayo si Tzuyu

"Ang sakit" sabi ni Tzuyu

"Alam ko po" sabi ng babae

"Chaeyoung ...sabihin mo, deserve ko pa ba siya?" pag iyak na pagtingin ni Tzuyu sakanya

"Hindi na po Sir ..harap harapan niya po kayong niloko" sagot ni Chaeyoung

"Pero bakit ganun?! nasaktan na nga ako, gusto parin ng puso ko si Sana!" pag iyak parin nito

"Hali kana po Sir" pagakbay na ni Chaeyoung sakanya


Nung naakbayan na niya ito biglang niyakap siya ni Tzuyu. Nagulat si Chaeyoung sa ikinilos nito, pagyakap niya humagulgol ulit sa pag iyak si Tzuyu


"Tahan na po, balang araw makakahanap ka rin ng mas higit sakanya at mamahalin ka ng totoo" paghalos ni Chaeyoung sa likod nito

"Aahhh! hindi kuna kaya ang sakit!" paghigpit na yakap pa ni Tzuyu na umiiyak

"Sige lang labas niyo na muna yan" ngiting malungkot na sabi ni Chaeyoung na niyakap narin niya ito


Halos sampung minutong pagyayakapan at malakas parin ang ulan. Nagdesisyon na si Tzuyu na alisin ang yakap


"Hali kana po Sir doon ka muna po samin" paghawak ni Chaeyoung sa kamay niya

"Salamat" ngiting pilit ni Tzuyu

Sakanilang biyahe paulit ulit na bumabahing si Tzuyu. Hanggang na nakadating na sila s bahay at agad ng pumasok

Iniabot agad ni Chaeyoung ang makapal na towel kay Tzuyu at gumawa ng hot choco

"Sir heto po" paglapag ni Chaeyoung ng hot choco sa table

"Magpalit ka muna ng damit baka magkasakit ka" sabi ni Tzuyu sakanya

"Sige po wait lang po at pangkukuha narin kita ng damit" ngiting pag akyat ni Chaeyoung

Habang naghihintay si Tzuyu paulit ulit na tumutunog ang phone niya. Ayaw niya itong kunin dahil alam niya na si Sana lang yun. Hanggang sa inoff niya nalang phone niya at sumandal sa upuan

"Pagmamahal lang naman gusto ko eh ...bakit hindi ko maranasan?" napabuntong hininga nalamang siya






CHOU'S OFFICE

Pagkaalis ni Tzuyu napaiyak na ng sobra si Sana. Samantalang si Dahyun hindi parin siya makapaniwala sa nalaman niya

"I'm sorry Sa-" isang malakas na sampal ang dumapo sakanya

"Diba sabi ko sayo na tumigil kana?! bakit hindi ka nakinig?!" galit na paulit ulit na pagsuntok ni Sana sa dibdib ni Dahyun

"S-Sorry h-hindi ko naman alam" pag iyak rin ni Dahyun

"Asawa ko siya! at mahal na mahal ko" pagiyak ni Sana na napaluhod nalang

"Alam ko naman na nagkamali ako ..kaya nga ako nakipagbreak sayo para itama na ang lahat" dagdag pa nito

"Ayoko rin naman saktan ang kaibigan ko, simula pa noon siya na nagtatanggol sakin at nagpapasaya sakin" sabi naman ni Dahyun

"Hindi ko naman alam na ikaw ang asawa niya" dagdag pa nito

"Aaahh!" pagsigaw nalang ni Sana



Ilang minutong pag iyak tumayo si Sana at lumabas na ng office. Naiwan naman si Dahyun na nakatayo parin at hindi tanggap ang nangyare


Sinubukan hanapin ni Sana si Tzuyu kung saan saan kahit sobrang lakas ng ulan. Paulit ulit niya rin itong tinatawagan pero hindi sumasagot. Hanggang sa hindi na niya ito macontact. Nagpatuloy parin naman siya sa paghahanap



"Tzuyu? nasan kana ba?" tanong nito na tumingin tingin sa daan

"Pleaseee ...nasan ka"






Chaeyoung's Pov

Lahat narinig ko at alam ko na sobrang sakit ngayon. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ngayon ni Tzuyu kaya naman sinundan ko agad siya paglabas niya ng office

Pagbaba ko nakita ko siya na nakapatong ang ulo sa table. Paglapit ko tinapik ko siya dahil natutulog na ito


"Sir? heto na po ang damit magpalit kana po muna" pagtapik ko parin sakanya

"Sir?? gising na po baka magkasakit kayo" sabi ko pa


Hanggang sa dahan dahan niyang binuksan ang mga mata. Napansin ko na namumula siya kaya hinawakan ko ang ulo niya

"Sir?! may lagnat po kayo" alalang sabi ko

"O-okay lang" sabi nito na namumutla narin

"Hali po kayo kailangan niyo ng magpalit ng damit" pag alalay ko sakanya papunta sa banyo

"Sir? sige na po magpalit na po kayo" pag abot ko sakanya ng damit

"Okay sige" pagpasok na niya at naghintay lang ako sa kusina


Kalahating oras na lumilipas at hindi parin siya lumalabas ng banyo. Nag aalala na ako na baka kung ano na nangyare sakanya. Kumatok ako at tinawag siya


"Sir? tapos kana po ba?" tanong ko pero walang sumagot kundi naririnig ko lang ang pagtulo ng gripo

"Sir?? okay ka lang po ba?" pag alala kuna ng sobra

"Sir Tzuyu?? naririnig niyo po ba ako?" doon dali dali na akong kumuha ng susi

Naghanap ako sa cabinet ko hanggang sa nakita na ito. Kabang bubuksan na ang pinto ang banyo. Ng tuluyan kuna itong mabuksan nakita ko siya na nakahandusay walang suot na t-shirt pero may suot na short


"Sir!" gulat at tarantang sabi ko


Agad ko siyang tinulungan na makatayo. Inakbayan ko siya papunta sa sala at dahan dahan na inihiga sa sofa. Kumuha ako ng towel at inilagay agad sa ulo niya


"Sir?" pagtawag ko sakanya na iminulat na ang mata

"N-Nasan ako?" mahinang boses na tanong niya

"Nandito po kayo sa bahay ko Sir" sagot ko

"N-Nasan si Sana?" nagulat ako ng marinig niya yun

"S-Sir ..."

"O-Oo nga pala  ..niloko niya ako" pagtuloy niya

"Sir? ipagluluto ko lang po kayo"

Tatayo na sana ako ng biglang hawakan niya ang kamay ko

"Nilalamig ako" sabi niya na napatingin ako sa katawan niya

"S-Suot niyo po ito" pagkuha ko sa t-shirt niya at ibibigay na sakanya ng bigla niya akong hilain


Napahiga ako sa katawan niya na niyakap ako ng mahigpit. Dahan dahan akong tumingin sakanya at nakita ko na nakapikit na ito


"P-Please ....stay" sabi niya


Hinayaan ko nalang siya dahil alam ko na kailangan niya rin ito. Nasasaktan lang siya kaya siya ganito. Ipinatong ko nalang ang ulo ko sa dibdib niya na rinig ang pagtibok ng puso niya

LOVE ME PLEASE - SATZUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon