Chapter 35

328 9 1
                                    

Chaeyoung's Pov

Si Mina ang tumawag ng pauwi kami ni Tzuyu. Umiiyak siya at nagmamakaawa na bumalik na ako sakanya. Ang sakit para sakin na makita siyang ganun lalo na ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganun

Pagkatapos namin mag usap ni Tzuyu bumangon na ako at pumunta na sa kusina. Ng magkukunin na ako sa ref biglang may kumatok


"Huh? Tzuyu?" pagpunta kuna sa pinto


Pagbukas nito nakita ko si Mina na basang basa at nanginginig pa. Yakap yakap ang sarili at namamaga ang mata


"Mina?! anong ginagawa mo dito?" agad ko siyang hinila papasok sa bahay

"N-Na-namiss k-kita" nanginginig na sagot niya


Kumuha na muna ako ng towel at pinalupot sakanya. Kumuha narin ako ng damit at inaboy sakanya


"Magpalit ka muna baka magkasakit ka" sabi ko tsaka na ako pumunta sa kusina


Nakita ko siya na papunta na sa banyo, bago pa niya maisara ang pinto parang slowmo na nagtinginan kaming dalawa. Ang mata puno ng pagsisisi at lungkot. Pagkasara napahinga nalang ako ng malalim


After nyang magbanyo pinahintay kuna muna siya sa may sala. Ilang minuto pa lumipas natapos na ako sa pagluluto at dinala ko doon ang niluto ko


"Kumain kana muna" paglapag ko ng pagkain sa harapan niya

"S-Salamat" sabi niya na napansin kong nanginginig parin siya

Umakyat na muna ako at may kinuha sa cabinet. Pagbaba ko nakita ko siya na kumakain na

"Heto isuot mo" pagbigay ko sakanya ng jacket

"T-thank you ulit" nanginginig ang kamay niya kaya naman ako na nagsuot sakanya

"Bakit mo ba naisipan na pumunta dito? hindi mo ba alam na may bagyo?!" inis na tanong ko

"Miss na talaga kita" sagot niya

"Hindi dahilan ang pagkamiss mo sakin para pumunta ka dito at lalo ganito ang panahon" sabi ko

"S-Sorry talaga" nakita ko na may luha na siya sa mukha niya

"Aish! tumigil ka nga!" pagsigaw ko sakanya na masakit para sakin makita nanaman siyang ganito

"Kumain kana after nun magpahinga ka" mainahon na sabi ko

"Here" biglang pagabot niya ng spoon na may pagkain

"Sige na sabayan mokong kumain" sabi nito



Hindi na ako nakatanggi pa dahil alam ko kukulitin at kukulitin niya ako. After namin kumain, naghugas na muna ako ng plato. Habang naghuhugas naramdam ko ang isang yakap mula sa likod ko



"I really miss you Chaeng" pagpatong ng ulo niya sa balikat ko habang yakap ako

"A-anong ginagawa mo?" nagulat ako sa biglang kinilos niya

"Please ...magstay na muna tayo ng ganito" sabi pa niya na ramdam ko hininga niya sa leeg ko

"Tumigil ka nga" sabi ko na sinusubukan alisin ang kamay niya sa bewang ko

"Kahit ngayon nalang pleasee" pumatak ang luha niya sa kamay ko kaya naman hinayaan kuna siya


Makalipas ng ilang minuto humarap ako sakanya. Patuloy parin ang pagpatak ng mga luha niya. Ngayon ramdam ko na nagsisisi talaga siya sa ginawa niya


LOVE ME PLEASE - SATZUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon