Unang araw ng pasukan ay napagalitan ako dahil nahuli ako. Ayaw kasi akong paalisin ni Tita. Kaya siguro niyayaya ako ng mga kaklase ko ngayon ay dahil naaawa sila sa akin.

"Ah, thank you!" Tinanggap ko ang offer nila dahil ayaw ko namang maging loner ngayong college. Wala pa man din akong kakilala kahit isa rito.

Nagpakilala sila sa akin pero wala ni isa ang natandaan ng utak ko. Buong oras na kasama ko sila ay lumilipad ang isip ko. Ano kaya ang ginagawa ng mga kaibigan ko sa UGA? Ngayon din ang unang araw ng semester nila, eh.

Kasama ang mga kaklase ko, napagtanto ko na walang papalit sa mga kaibigan ko. Sa mga kaklase ko noong nakaraang taon.

Ayaw ko silang bitawan, pero kung gagawin ko iyon ay ako ang mapag-iiwanan.

"By the way, Lekha! Nakita na kita somewhere, sa TV yata?" sabi ng kaklase ko. Ano nga ulit ang pangalan niya? Gab yata.

Sadya rin na Lekha ang sinabi kong itawag nila sa akin para may pagkakaiba mula sa dati. Gosh, something is seriously wrong with me. Masyado akong sentimental.

Nagtaka naman ako doon habang tinitigan ako ng iba at pilit inalala kung saan ako nakita. "Ah! 'Yung nanalo doon sa Pautakan!"

Oh! Televised nga pala iyon! "Grabe! You guys set history doon, 'di ba? Ano ang pangalan noong isang guy? Ang gwapo."

Ngumiti lang ako sa nagtanong dahil hindi matutuwa si Ambrose at alam ko agad ang sasabihin niya, and I quote, "Did you just sell me off?"

Hanggang sa oras na para umuwi ay nagpipigil ako ng luha dahil sa lungkot na nararamdaman. Ayaw ko naman na mag-aral sa eskwelahan kung saan ako tumuloy. Wala akong ibang gusto kundi sa UGA, pero wala akong ibang choice. Kahit pa scholarship ay hindi ko pa rin kakayanin doon nang walang ipon.

Sa isang city college ako pumapasok ngayon at hindi rin basta-basta ang proseso dahil mga estudyante na talagang matataas ang marka lang ang nakakapasok rito. Kaya sigurado ako na ang mga nakasasalamuha ko ay masipag mag-aral o mga genius kung hindi.

Bachelor of Arts in Journalism ang kinuha kong kurso. Hindi ni minsan ako nagdalawang isip rito. Dito ko lang nakikita ang sarili ko na magiging matagumpay. Sabi ni Tita ay hindi ako kikita ng pera rito pero patutunayan ko na mali siya.

"Lekha? May naghahanap sa iyo sa labas." sabi sa akin ni Gab isang araw habang nasa loob lang kami ng room at galing sila sa labas. Nagpasalamat ako sa kaniya bago lumabas.

Bumungad sa akin doon ang isang babae at mula sa lanyard ng I.D. niya ay alam ko na agad na sa publication niya. Napataas ako ng kilay habang hinihintay siyang magsalita. "H-Hi po! Ako nga po pala si Angel."

Tumango ako, "Lekha Salonga po."

Mukhang ahead naman siya sa akin pero bakit kabadong kabado siyang kaharap ako? Ilang taong ganito ang reaksyon sa akin ang nakaharap ko magmula pa noong high school. Hindi naman ako nakakatakot, ah?

"Ah! Hello! Oo nga, we know you!"

Hindi ako sumagot kaya nagpatuloy siyang magsalita. "So uhm, kasi... Pinapatawag ka po ng EIC namin."

"Ha? Bakit daw?" Plano ko naman talaga na lumapit at sumali ulit sa publication kaya hindi ko inaasahan na ako ang una nilang pupuntahan.

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko rin po sigurado, eh. Pero visit ka nalang one time doon sa office, ha?"

Sobrang kuryoso ako kung bakit ako pinatawag ng EIC nila at bakit ako kakilala kaya hindi ko na pinatagal pa. Pagkatapos na pagkatapos ng klase ko pagpatak ng alas singko ay pumunta ako sa opisina nila.

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Where stories live. Discover now