May isang lalaking nakasuot ng visor cap at naka kulay red na uniform na sa tingin ko'y isang staff dito.

"Ma'am, maupo po kayo dito.." Binigay niya sa akin ang isang upuan na nanggaling sa sinasandalan ko.

Napabaling ako sa kanya, pero sa gilid ng mga mata ko ay kita ko si Lance na nakatingin at nanonood sa amin.

"Salamat!" Ani ko at naupo.

Kanina pa nangangalay ang paa ko, buti na lang at may lumapit na staff para ibigay sa akin ang upuan.

He left after that at ako naman ay nanood na.

Naka-limang laro na ang anak ko at hanggang ngayon ay hindi pa nagsasawa. I wondered my eyes to look for my friends, pero hindi ko sila makita. I covered my mouth when I yawned. Nakaramdam ako ng pagkaantok, siguro dahil kanina pa ako ditong naghihintay sa anak kong hanggang ngayon ay enjoy na enjoy pa rin sa paglalaro.

Lance then looked at me for a few seconds tapos ay may binulong sa anak ko na nagpalingon sa kanya sa akin. Kinawayan ko siya.

"My, why don't you try this? It's fun!" He said.

Umiling ako bilang hindi pagsang-ayon. "I'm fine here, anak.." I replied.

"Do you want to play other game po?" Tumayo na siya at iniwan si Lance sa kinauupuang stool ngayon.

Niyakap ako ng anak ko. "Sorry, mommy.. I enjoyed car machine too much and Tito Lance taught me some tricks po kasi.." My son explained.

"It's fine, anak. Nagugutom ka na ba?" I asked habang hinahaplos ang mukha niya.

"Hmm.. no, my. But.. I want to play basketball! Tara!" Hinila niya ako kaya napatayo ako.

"Magpapaalam lang po ako kay Tito Lance, My." He said at naglakad palapit kay Lance.

"Thank you po, Tito! Maglalaro po kami ni Mommy ng basketball." Narinig kong sambit niya kay Lance and Lance glanced at me.

Tumango ito sa anak ko at bahagyang ginulo ang buhok. "It's nice playing with you." He said.

Hinila na ako ng anak ko paalis doon. Hindi ako nakapagpasalamat kay Lance, dahil sobrang sabik naman yata ng anak kong maglaro ng basketball.

Katulad ng sa car machine ay dalawang token ang kailangang ipasok. "My, I forgot our token!" Histerikal na sambit ng anak ko.

"It's fine.. kukunin ko lang, stay here." I said and he nodded.

As I was about to walk and get the token, biglang dumating si Lance na hawak ang token at inabot iyon sa amin. Sa likod naman niya ay ang mga kasama niya kanina na mukhang tapos na sa paglalaro sa car machine kanina.

There are total of six basketball machine here and the other one is occupied by a couple. Nagtatawanan sila tuwing may nashu-shoot sila na bola. Tapos ang isa naman ay mukhang hindi gumagana.

"Pustahan tayo, who will ever have the highest score wins and the loser will have to pay." Hindi ko pa alam ang pangalan ng lalaki, pero ito 'yong nakaitim na t-shirt.

"Tito Lance, what are their names po?" My son asked with a hint of curiousity on his voice.

Lance took a glance of my son then to his friends. When he was about to speak, nagsalita na ang lalaking nakaitim na t-shirt.

"I'm Xhan. You can call me Tito Pogi." Binaling niya sa akin ang kanyang tingin tapos ay kumindat.

"I'm Vince. Don't call him Tito Pogi, okay? Pangit niya kaya!" Angal nito sa sinabi ni Xhan.

Tumawa ang anak ko tapos ay binalingan ang lalaking tahimik.

"Exhi." Simpleng sabi nitong nakapamulsa.

"Tito Xhan, Tito Vince, Tito Exhi..." Inisa isa ng anak ko ang pangalan nila tapos ay lumingon sa akin.

"Mommy, if Daddy is here, do you think they will become friends?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng anak ko.

Unable to talk, my son added more words that made my heart hurt. "I always see my classmates na may Daddy po.. tapos ako, wala." Nakangiti ang anak ko habang sinasabi niya ang mga iyon, ngunit kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Lagi po silang sinusundo ng daddy nila and.. their daddies carry their bags po!" Uminit ang gilid ng aking mga mata. Akala ko'y hindi sumasagi sa isip ng anak ko ang ganitong bagay, but I was wrong. May mga nakikita pala siyang mga ganoon na nagpapaisip sa kanya kung nasaan ang daddy niya.

"And when they fetch my classmates po, I saw them talking to each other and laughing..."

Pinigilan kong tumulo ang luhang nagbabadya galing sa aking mga mata. Binuhat ko ang anak ko pagkatapos ay hinalikan ito sa kanyang sentido.

"Andito si Mommy, oh..." I whispered, not wanting those four men hear my words.

It hurts. It hurts so much that my son is so near to his father now, yet so far.

"Laro na tayo?" Pag-iiba ko sa usapan. I can sense those four men staring at us, unable to utter a word maybe because of my son's words.

"Opo!" He agreed.

Nagsimula na kaming maglaro habang si Xhan, Exhi, at Vince ay nagkanya kanya na rin ng puwesto.

Nilingon ko si Lance na nakatayo pa rin sa parehong pwesto, pero kaagad ko ring binalingan ang anak ko nang binigay niya sa akin ang isang bola.

I distracted my mind with playing basketball with my son. Magagawan ko pa naman siguro ng paraan para mapawi sa utak ng anak ko ang tungkol sa kawalan niya ng Ama.

But knowing that my son is growing, imposibleng hindi niya hahanap-hanapin ang daddy niya.

"Salamat nga pala sa pag-eentertain sa anak ko kanina.." I finally had the chance to say thank you to Lance. My friends texted me na nasa labas na raw pala sila kaya sinabi ko rin sa anak kong sumunod kami sa kanila.

"It's fine.. even though hindi ako gano'n kahilig sa bata. Your son seems to have the same interests as mine, so I guess that made me feel okay playing and entertaining him." Isang maliit na ngiti lamang ang naging sagot ko, dahil sa sinabi niya.

He just gave me another reason to hide my son's real relationship with him. Una, ang pagkakaroon niya ng relasyon kay Lauraine na ayaw kong sirain. Pangalawa, ang pagiging hindi niya mahilig sa bata. Kahit pa nakaramdam siya ng ginhawa sa anak ko, natatakot pa rin akong ayawan niya ang anak ko.

I hold my son's small hand.

"Say goodbye to your..." Daddy... How I wish I could say he's your father, anak.

"Tito na, anak." I continued my words and my son nodded.

He looked at his father with joy in his eyes.

"Thank you, Tito Lance! I hope to see you soon again and.. let's eat outside po! I have ipon.. ililibre kita!"

Nakatakas ang isang ngiti sa labi ni Lance. I saw his dimple on his cheek, same as my son's.

"I'll meet you again soon, Jared."

One Hot Night with a StrangerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora