They inserted tokens, too. Kasalukuyan na rin silang pumipili ng lugar at sasakyang gusto nila.

Nakatayo lamang ako habang si Lance ay nakayukong bahagya para alalayan ang anak namin sa gagawin.

Parang may humaplos sa puso ko sa naisip. Kahit hindi nila alam pareho kung ano ang totoo, masaya pa rin ako dahil kahit papaano'y mayroon silang moment na mag-ama.

Kinuha ko ang cellphone ko at pasikretong kinuhanan sila ng dalawang pictures. I checked it and they look cute. My son and his father, having their moment.

Kung sana ay maaari kong ipaalam sa kanila ang totoo, lalo na kay Lance... Ano kaya ang magiging reaksyon nila? Would Lance be happy for knowing he have a child?

Sobrang busy ng anak ko at ng kanyang ama. Parehong nasa screen ang mga mata nila at seryosong naglalaro katulad ng kasama ni Lance.

Nanatili akong nakatayo hanggang sa matapos nila ang laro. Nag-high five pa ang mag-ama at tuwang tuwa ang anak ko dahil siya ang nanalo.

"Mommy, did you see that?" My son asked proudly.

Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Yes, anak. Ang galing mo!" Puri ko sa kanya.

Then I take a look at his father and saw him looking at me, too. Umiwas ako ng tingin at binalingan ang anak.

"Baby, why don't we play other game? Basketball? Or something that we can collect tickets para pagkatapos maglaro ay makakapili ka ng gusto mong iuwi?" I asked, hoping that my son would agree, but my hope faded when he shook his head. Not wanting to leave the car machine.

Kung alam ko lang na narito si Lance, sana sa kabilang arcade na lang kami naglaro. But for sure would still choose this, because he just said earlier na dito raw sila naglaro ni Ven nung nakaraan.

"I'll play this mommy... I missed this po, e!" He spoke.

Binigyan ko na lang ng ngiti ang anak ko. "Gamitin mo ito, anak." I handed him the tokens we bought.

"You can use that. Marami akong token dito." Nagsalita si Lance.

"No. I bought this for my son and... hindi naman ako aalis dito. Babantayan ko ang anak ko." With straight face and a little bit serous voice, I said.

"Anak, here.." Hinintay kong tumayo ang anak ko para kunin sa akin ang token.

I don't want to come near his father. I feel nervous and.. awkward.

"If you want to give that token to him, lapitan mo siya." He stated.

Sinamaan ko siya ng tingin. Bakit ba siya nakikisali sa amin ng anak ko?

Hindi ako kumibo at naghintay na tumayo ang anak ko. Hindi ako nabigo, dahil ilang segundo lamang ay tumayo siya at lumapit sa akin.

Sinenyasan niya akong bumaba para pumantay kami kaya sinunod ko siya.

"Don't play too much, anak. And yung mata mo, 'wag masyadong malapit sa screen, okay?" Nilagay ko sa kamay niya ang token.

"Opo, mommy." He gave me a kiss on the side of my lips.

Nginitian ko siya at ganun din ang ginawa niya sa akin, revealing his cute dimples.

Tumayo ako nang bumalik siya sa pwesto at nang bahagya akong napalingon kay Lance ay nakita ko ang pag-igting ng panga niya habang tinutulungan si Jared na magpasok ng token.

Gumilid ako, dahil may iilang tao ang dumaraan sa pwesto ko. Nakakahiya naman kung humarang ako.

Sinandal ko ang sarili ko sa isang malaking palaruan din na sa tingin ko'y hindi gumagana dahil wala itong kahit na anong ilaw.

One Hot Night with a StrangerOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz