"'Wag kang umiyak, Anak. Pasensya ka na kung hindi ako pwedeng sumama sa'yo. Tao ako anak. Hindi niyo ako katulad," My mom said while crying. Lalo akong umiyak dahil ramdam ko na ayaw din ni Mama na umalis ako. Ako rin naman, ayaw kong umalis.

"Ma, kailangan ko ba talagang umalis at pumunta sa Yoso chuchu na 'yon?" tanong ko habang umiiyak. Si Gale ay umiiyak na rin sa gilid ko. Aba! Kasalanan niya 'to kaya 'wag siyang mag-inarte diyan! Nakakaloka!

"Kailangan, Anak," sagot ni Mama bago niya ako niyakap ng mahigpit.

"Gale!" Bigla kaming napahiwalay ni Mama sa pagkakayakap namin dahil biglang may sumigaw sa baba ng bahay namin. Sino naman daw kaya ang isang 'yon na umeeksena na naman sa dramatic moment namin ni Mama? Jusme!

"Nandiyan na si Derreck," sabi ni Gale na nagpupunas pa ng luha niya. Ang taray! Sino naman si Derreck?

"Katulad ko si Derreck, Aria. Isa rin siyang Zana. Sigurado ako na kasama na niya ang isa sa mga elemental people dito. Tara na?" Gale said. I looked at my mom at hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kaniya. Ayaw kong umalis!

"Ma..."

"Ssshh. 'Wag ka nang umiyak anak. Okay lang ako dito," sabi ni Mama. Biglang may pumasok sa nagmamatalinong neurons ko na isang bright idea.

"Teka, dadalhin ko ang cellphone ko!" Hinanap ko agad ang cellphone ko sa cabinet ko.

"Aria, hindi gumagana ang mga kagamitan na meron ang tao sa pupuntahan natin," sabi ni Gale na siya namang kinainis ng baga at atay ko.

"Ano?! Paano ko makakausap ang nanay ko kung hindi naman pala gumagana ang cellphone do'n?!" Nakakainis! Are they expecting me to just accept this crap nang walang reklamo?!

"Anak, okay lang ako. 'Wag mo na akong alalahanin. Bukas darating ang pinsan mo dito at siya ang makakasama ko. 'Wag ka nang mag alala pa, Anak," sabi ni Mama habang niyayakap ako.

"Pero, Ma, mamimiss kita," I said. Gusto ko nang humagulgol sa iyak kasi talagang hindi mag-sink-in sa akin na kailangan kong umalis at kailangan kong iwan si Mama.

"Ako rin naman, Anak. Iisipin ko na lang na sa bawat hangin na mararamdaman ko, ikaw 'yon at niyayakap mo ako," she said. Lalo akong naiyak. Ano ba naman 'to? Feeling ko tuloy ay nasa pelikula kami ni Mama at ang title ay, Bakit kailangan kong umalis? Jusko naman!

"Aria, kailangan na nating umalis," sabi ni Gale. Eksena naman ang tutubi na 'to. Nag-eemote pa nga ako e. Hinalikan ko si Mama sa noo niya at niyakap ng mahigpit.

"Bumaba ka na, Anak. Hindi na kita ihahatid sa baba at baka maglupasay pa ako doon at hindi na kita payagan na umalis," sabi ni Mama. Lalo namang nasaktan ang kaloob-looban ko sa sinabi ni Mama.

"Basta, Ma, babalik po ako. 'Wag na kayong magpapagabi diyan sa kalsada ha? Minsan inaabot kayo ng alas otso sa pakikipagtsismisan kay Aling Lucia e. Ma, mag-iingat kayo rito ha? Kakain kayo palagi. 'Wag puro pancit canton ang kainin niyo. Kilala ko kayo, Ma. Baka naman pagbalik ko ay ang payat niyo na. Ma, —— "

"Oo na, Anak. Loka-loka ka talaga. Ikaw pa ang nagbilin. Ikaw ang dapat na mag-ingat doon. 'Wag mong papairalin ang kabaliwan mo do'n at baka hindi ka na makabalik dito," sabi ni Mama. Grabe naman ang nanay ko na 'to! Ang galing magpalakas ng loob!

"Oo na po!" Nag-ngitian muna kami ni Mama bago ko ulit siya niyakap.

"Bye, Ma." Muli kong hinalikan si Mama sa noo niya at saka kami bumaba ni Gale sa bahay namin.

Tama si Gale. May isang tutubing tao este Zana na naghihintay sa amin. Katulad ni Gale ay abo rin ang pakpak ng tutubi na 'to. At aba, ang gwapo niya! Medyo mahaba ang buhok ng lalaking tutubi na 'to pero bumagay naman sa itsura niya.

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon