All of us agreed to Ms. Aiko.

"Great! Now, get your math book and let's continue our lessons yesterday."

Agad naming kinuha ang aming math book saka binuksan sa pahina kung saan tumigil kami.

"Xenon, saang bundok kaya tayo aakyat?", rinig kong tanong ni Drew sa 'kin.

"Aba eh, malay ko. 'Di mo ako guro kaya manahimik ka dyan baka mahuli pa tayo ni Ms. Aiko."

"Nagtatanong nga lang ang tao eh."

Napailing na lang ako sa kaniyang tinuran. Dahil sa kaniyang tinanong, napaisip din ako. Saang bundok kaya kami aakyat? Siguradong kulang ang isang araw para sa 'min.

Bahala na.



"SO ANO ang plano natin, Xenon? I'm sure that a day is not enough for our hiking trip." Saad ni Drew habang nilalaro ang pinggan na may pancit.

Oras na ng aming recess ngayon at kaya ng mga nakalipas na araw punuan na naman ang cafeteria. Parang mga patay gutom ang mga tao dito. Nakakarindi rin ang maya't mayang pagsigaw nila para sila ang unahin ng mga tauhan nga cafeteria.

Hindi ba nila alam na maghintay sa pila hanggang sa sila na ang susunod sa linya? Kung wala lang akong hiya at awa baka mabulyaw ko sila ng wala sa oras. Animo'y mga taong ngayon lang nakalabas sa kani-kanilang lun—

"Huy! Tulala ka na naman!"

Nabulabog tuloy ang isipan ko saka agad na tumayo nang sinigawan ako ni Drew malapit sa tenga.

"F*ck you! Don't you have manners in the table?! And why did you f*cking shouted near my ear?!"

"Eh paano, para kang timang kung nakatulala!"

Ang ungas tumawa lang. Pambihira naman oh, sa akin na ang atensiyonng mga estudyante dulot ng pagsigaw ko. Iba ay nag-uusap-usap at meron ding tumatawa na nakatakip ang kanilang bunganga.

Tumigil bigla ang pagtawa ni Drew at parang maamong tuta na dahan-dahang yumuyuko. Napansin ko na tumahimik ang paligid. Ano kaya ang nangyari? May problema ba?

"Mr. Evankhelle."

"Yes, si—"

Parang binuhusan ang katawan ko sa oras na humarap ako sa taong tumawag ng pangalan ko.
Patay ako nito. S-si mr. Garcia, ang school director ng p-paaralan!

"Please avoid using immoral words, and if you may, tone down your voice. You're not a vendor and this is not a marketplace. Am I clear?"

Sh*t, his voice is far more colder than mine. His stares are deep and void with emotions. It's digging my whole system and strengthen my nervousness.

"Y-yes sir, h-hindi na po m-mauulit.", utal-utal kong tugon sa kaniya.

"Great! Now finish your foods and return straight to your respective classroom."

Titig na titig pa rin ako sa kaniya habang lumalakad paalis sa lugar. Ang bilis umiba ng kaniyang modo. Kani-kanina lang ang lamig niya nang kaniyang sitahin ako tapos ngayon nakangiti na parang may malaking biyaya siyang natanggap.

"Ano... ahm... I-I am so sorry, Xenon. I-I didn't know that the school director is roaming around here. P-please forgive me." He apologies as I take my seat.

"It's okay, just don't do it again."

Sakto namang dumating sina Reese at Nicholi pagkaupo ko.

"Hello f*ck—"

"Mr. President, for the seventh time, please refrain yourself from saying inappropriate words." Nicholi stopped him from saying the 'F' word.

Classic Nicholi. Even if Reese is stubborn and has a kiddo heart, he still calm and level-headed while reminding him.

Scent Of My Memories (Complete)Where stories live. Discover now