Hindi ko alam pero bakit nakaramdam ako nang kaba, napailing nalang ako at napag pasyahang pumasok na sa loob dahil malamig na dito sa labas. Pagkaapak ko palang sa sala ay naabutan ko si Kevin na nakahiga sa couch at mahinang sumisigaw, napakunot ako nang noo dahilan para lumapit ako nang bahagya sa kanya at dun ko nakita ang luha sa mga mata niya.

Agad akong napaiwas nang tingin sa kanya, bakit ako nakakaramdam nang kirot dito sa dibdib ko habang nakita ko ang luha sa mga mata niya? Bakit ako nakakaramdam nang ganito? Hindi ba dapat wala na akong pakialam pa sa kanya? Shit, I hate this feeling.

Kevin's POV

Napabalikwas nalang ako nang bangon sa pagkakahiga ko sa sofa nang bigla kong maramdaman ang malakas na sampal na lumapat sa pisngi ko, halos habulin ko na ang hininga kong tumunghay upang tignan kung sino man ang nag sampal sa akin.

Kita ko ang pag kairitang tingin sa akin ni Katherine, wait anong nangyare? Agad akong tumayo sa pag kakaupo ko sa sofa at hinarap siya. "Kanina kapa ba?" Malumanay na tanong ko at bahagyang ginugusot ko pa ang mga mata ko upang maaninag ko siya nang mabuti.

Naalala ko yung nangyare, panaginip lang ba ang bagay na iyon? Pero parang totoo dahil ramdam ko dito sa dibdib ko ang bigat at sakit.

"Kakarating ko lang, paakyat na sana ko sa kwarto ko pero napansin kitang natutulog diyan sa couch at sumisigaw. Ano bang ginagawa mo dito nang ganitong oras?" Dirediretsong sabi niya at umupo sa single couch malapit lang din sa couch na hinigaan ko.

Tinignan ko naman siya at umupo din sa mahabang couch habang pinapakalma ang sarili ko. "San ka nag punta?"

Kunot noo niya naman akong tinignan, may masama ba sa tanong ko? "Bakit kailangan mo pang malaman?"

Malamang asawa kita kaya kailangan kong malaman kung saan ka nag punta, yan sana ang gusto kong sabihin sa kanya pero alam ko sa sarili ko na wala akong karapatan na sabihin yan sa kanya pagkatapos nang sakit na idinulot ko sa kanya. "Nag aalala lang ako sayo, anong oras na at ngayon ka lang umuwi. Mamaya mapaano kapa diyan sa labas, marami pa namang loko sa panahon ngayon." Ayan nalang ang nasabi ko at bahagya pang tumungo upang iwasan ang titig niya sa akin.

Bakit ganun? Wala na yung mga kislap sa mga mata mo pag tinitignan mo ako Katherine, hindi ko na makita yung pagmamahal sa tuwing tinitignan mo ako. Ang tanging nakikita ko nalang sa mga mata mo ngayon ay galit at sakit, dahilan para halos ayaw kong tignan ang mga mata mo dahil sa tuwing tumitingin ako ay naaalala ko kung gaano ako kagago nuon sayo.

Kahit na bahagya akong nakayuko sa kanya ay kita ko ang pag irap niya na bahagya pang inilagay sa likod nang tenga niya ang ilang hibla nang buhok na nakaharang sa mukha niya. "Kumain lang ako sa labas." Saad nito.

Agad na napakunot ako nang noo, bakit kailan sa labas pa siya kakain kung marami naman makain dito sa loob nang mansyon nila? "Bakit sa labas pa? Marami naman makakain dito ah, bakit kailangan sa labas kapa kumain?"

"Bakit ang dami mong tanong? Interview ba ito?"

Agad akong nakaramdam nang kirot dito sa puso ko dahil sa way nang pakikitungo niya sa akin ngayon pero pilit kong hindi mag paapekto sa nararamdaman ko. "Hindi naman sa ganun, gusto ko lang malaman kung saan kaba nag punta at inabot ka nang ganitong oras." Pag iintindi ko naman sa kanya. "May nagyaya ba sayo kumain sa labas?" Dugtog kong tanong sa kanya.

Tinignan niya ako sa mga mata ko dahilan para mas tumindi ang kirot na nararamdaman ko dito sa dibdib ko, kita ko rito ang sakit at hindi nakatakas sa akin ang pamamasa nang mga mata niya. "Oo meron." Sagot nito sabay iwas nang tingin sa akin.

A Women's Pain (Pain Series #1) [ONGOING] Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα