CHAPTER 34

1.4K 40 9
                                    

Katherine's POV

Habang tahimik naming natapos ni Alexander ang hapunan ay tahimik lang ulit akong pinagmasdan ang kapaligiran, ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na magiging ganito ang trato sa akin ni Alexander.

Oo alam kong may pagtingin siya sa akin nuon pa kaya laking gulat ko na talagang seryoso pala talaga siya sa bagay na iyon, pero may isang katanungan na tumatakbo sa isip ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang kasagutan. Tama ba itong pinasok ko?

Tama ba na pumayag akong ligawan niya ako? Tama ba ang desisyon kong ito?

Sa totoo lang mabuting kaibigan si Alexander, deserve niya nang isang taong mag mamahal sa kanya nang tapat at buo at alam ko sa sarili ko na hindi ko iyon maiibigay sa kanya.

Hindi dahil hindi ko siya matutunang mahalin kundi dahil sa anak ko, kahit na pilitin kong kalimutan ang ama nang anak ko ay hinding hindi parin mawawala ang puwang niya sa puso ko. Siya ang una kong minahal at siya din ang ama nang anak ko kaya kahit matutunan ko mang mahalin si Alexander ay hindi ko maiibigay ang puso ko sa kanya nang buo.

"Anong iniisip mo?" Dinig kong tanong ni Alexander dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Nagustuhan mo ba?" Dagdag pa na tanong nito sa akin habang nakangiti.

"Iniisip ko lang kung ano ba ang nagawa kong tama upang may isang taong magparamdam sa akin kung gaano ako kaepesyal." Nakangiting sagot ko din sa kanya at bahagyang tumango sa kanya. "At oo nagustuhan ko itong surpresa mo, salamat Alexander."

Kahit na wala pa akong nararamdamang pagtingin kay Alexander ay hindi ko parin maiwasan sa sarili ko na makaramdam nang kilig, kahit sino naman siguro kapag sinorpresa ka nang ganitong dinner date ay kikiligin ka din talaga.

"Mabuti naman at nagustuhan mo tsaka gusto kong malaman mo na you deserve to be treated like this Katherine, you deserve to be happy and to be loved." Nakangiting saad nito sabay hawak sa kamay kong nakapatong sa lamesa.

"Pangako mula sa araw na ito ay susubukan kong iparamdam sayo kung gaano kita kamahal Katherine, lahat gagawin ko para sayo dahil ganun kita kamahal." Ngumiti lang ako biglang sagot at tumingin sa kamay naming magkahawak.

Hindi ko ipagkakait sayo ang chance na deserve mo Alexander, susubukan kong buksan ulit ang puso ko para sayo. Susubukan ko ulit mag mahal pero sa ngayon hindi ko muna gagawin yun dahil masakit padin dito sa puso ko yung nangyare sakin sa past relationship ko.

Nagpalipas pa kami nang ilang oras dun bago napag desisyunang umuwi na, mag aalsdose na din nang gabi kaya nakaramdam na din ako nang antok. Habang nag kwekwentuhan kami ni Alexander kanina ay masasabi kong masaya siyang kasama, yung feeling na hindi ka maboboring buong araw dahil sa mga patawa niya.

Napatingin nalang ako sa bintana nang sasakyan nang makarating na kami nang bahay, bukas pa ang ilaw sa sala so it means gising pa sila Mommy at Daddy?

Nagising nalang ako sa kakaisip ko nang bumukas ang pinto sa harap ko, pinagbuksan na pala ako ni Alexander nang pinto diko ko man lang namalayan.

Agad akong bumaba sa sasakyan at nakangiting bumaba. "Thank you for tonight Alexander."

"Thank you also for giving me a chance Katherine." Nakangiti niyang saad at niyakap ako, ginantihan ko naman siya nang yakap.

"I have to go, gabi na din at para makapag pahinga kana." Kumalas naman ako agad nang yakap ng sabihin niya ang bagay na iyon.

"Sige ingat." Sabi ko sa kanya at pinanuod ko lang siyang umalis sa harap ko tsaka sumakay sa sasakyan niya.

Bumisina muna siya bago siya tuluyang umalis, nakangiti akong pumasok sa gate nang bahay namin. Papasok na sana ako sa main door nang mansyon namin ay napansin ko ang sasakyan ni Kevin, anong ginagawa niya dito?

A Women's Pain (Pain Series #1) [ONGOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon