"Naka move on na ako."

Gulat itong napatingin sa akin, maski ako ay nagulat din dahil bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.

Pilit akong ngumiti sa kanya at nag iwas nang tingin, tama ba ang sinabi ko? Tama ba na sinabi kong nakamove on na ako kay Kevin? O mali dahil baka umaasa siya na wala na talaga akong nararamdaman sa asawa ko, hindi ko na alam dahil maski ako ay naguguluhan na din sa nararamdaman ko.

Bigla nalang kami natahimik pareho, para bang pinakikiramdaman namin ang isat isa. Napabuntong hininga nalang ulit ako, baka oras na talaga para sa bagong simula.

Nagkwentuhan pa kami ni Alexander sa mga nangyare sa akin sa Korea bago siya nagpaalam na aalis na daw siya dahil may meeting pa daw siyang pupuntahan. Niyaya niya naman akong lumabas bukas kaya pumayag naman ako, wala namang masama dahil friendly date lang naman daw iyon.

Iniligpit ko yung baso na pinag inuman niya nang juice kanina tsaka ako umakyat sa taas, naabutan kong tulog pa ang anak ko habang si Nay Esther ay nakangiting pinag mamasdan ang anak ko.

"Nay Esther."

"Oh iha ikaw na pala yan, kamusta na yung pag uusap niyo sa baba ni Alexander." Alam ko nagtataka kayo kung papaanong nakilala ni Nay Esther si Alexander, once ko na din kasing napapunta dito si Alexander nuon bago ako umalis sa bansa kaya kilala siya nila Mom, Dad at Nay Esther.

Nakakapag taka nga lang dahil nung araw na pinapunta ko siya dito ay close na agad sila nang parents ko, para bang matagal na sila magkakakilala tapos sabi pa nang parents ko sa akin na ang gaan daw nang loob nila kay Alexander.

"Ok lang naman Nay Esther." Saad ko at umupo sa tabi nila sa kama ko, tinignan ko naman ang anak kong mahimbing pading natutulog.

"Katherine anak wag mo sana mamasamain kung itatanong ko ito sayo pero may gusto kaba sa lalaki iyon?" Natigilan ako dahil sa sinabi ni Nay Esther. "Halata kasi sa kanya na may pag tingin siya sayo kaya kita tinatanong kita kung may gusto ka din ba sa kanya." Dagdag na sabi pa nila sa akin.

Napayuko nalang ako at tumingin sa mga palad ko. "Hindi ko po alam Nay Esther."

"Hindi mo alam, paano si Kevin? Paano ang anak mo, ang pamilya niyo?" Naiintidihan ko naman yung pinupunto nila pero hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko kay Nay Esther. "Anak bago ka gumawa nang desisyon o pumasok sa bagong relasyon pag isipan mo munang mabuti dahil may anak na maiipit pag tuluyan kayong nagkahiwalay ni Kevin."

Agad akong napatingin sa anak ko, paano ko ba mabubuo ang pamilya namin para sa anak ko kung hanggang ngayon ay may galit akong nararamdaman kay Kevin?

Paano ko ba hahanapin sa puso ko ang kapatawaran kung hanggang ngayon ay hinahabol pa din ako nang nakaraan? Nakaraan na ayaw ko nang balikan at maranasan pa ulit.

Magsasalita na sana ulit sila nang biglang may narinig kaming ugong nang sasakyan, tatayo na sana ako para tignan kung sino iyon pero agad akong pinigilan ni Nay Esther. "Ako na iha, bantayan mo nalang yung anak mo."

"Salamat Nay Esther." Tumango lang sila sa akin habang nakangiti tsaka sila lumabas nang silid ko.

Napatingin ako sa anak ko nang bigla itong nagising at umiyak kaya dali dali ko itong kinuha at pinadede dahil paniguradong gutom na ito.

Habang pinag mamasdan ko ang anak ko ay bigla nalang ulit bumukas yung pinto at dumungaw dun si Nay Esther.

"Iha andyan si Kevin." Anong ginagawa niya dito? Simula nung gabing nagpakita ako sa lahat ay hindi na kami ulit nakapag usap ni Kevin, ngayon lang ulit.

A Women's Pain (Pain Series #1) [ONGOING] Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang