"Nakita ko siya." Wala sa sariling bigkas ko, naguguluhan naman akong tinignan nang dalawa kong kaibigan.

"Sino?" Sabay nilang tanong.

"Nakita ko siya, nakita ko si Katherine." Biglang nangilabot ako at tumaas ang balahibo ko nang banggitin ko ang pangalan niya.

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nila lalo sa si Alexander. "W-what?" Halos pabulong na sabi ni James dahil sa gulat at bahagya pa itong nakakunot ang noo.

"Napaka impossible man pero nakita ko talaga siya mga dre." Napayuko nalang ako at napasabunot sa buhok ko. "Nakita ko siya, nakita nang dalawang mata ko." Hindi ko na napigilan ang pag agos nang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

"P-pero wala na siya Kevin, patay na siya." Agad kong naramdaman ang tindi nang kirot sa dibdib ko nang sabihin sa akin iyon ni James.

"Sa sobrang kakaisip mo lang yan kaya kung ano ano nalang nakikita mo, kailangan mong ipahinga yan dahil baka kulang ka lang sa tulog kaya ka nag kakaganyan." Dugtong pa ni James, hindi naman ako sumagot sa kanya at agad kong kinuha ang isang bote at itinungga iyon.

Nang maubos ko ang laman nun ay napatingin nalang ako sa langit at mapait na ngumiti. "I wish you were here so I could tell you how much I need you right now and how much I love you Katherine." Wala sa sariling bigkas ko at naibato ko nalang ang boteng hawak ko dahilan para mabasag iyon.

"I-i miss you." Halos habulin ko na ang hininga ko dahil sa paninikip nang dibdib ko, napapikit nalang ako habang nakatangay parin sa langit at hinayaang umagos ang mga luha ko. "I miss your voice. I miss your smile. I miss your smell. I miss your hug. I miss your laugh. I miss how you made me feel how much you love me. I fucking miss everything about you Katherine, I miss you so much."

Naramdaman ko nalang ang pag hagod sa likod ko dahilan para mas lalo akong mapaiyak, yumuko ako at sinakop nang dalawa kong kamay ang mukha ko.

It hurts, sobrang sakit na nang nararamdaman ko Katherine. Sobrang sakit na halos mamatay nako sa sakit, hindi ko alam kung hanggang saan ko makakayanan itong sakit na nararamdaman ko.

NAGISING nalang ako dahil sa sinag nang araw na tumama sa mukha ko, agad akong napahawak sa ulo ko nang makaramdam ako nang pagkahilo.

Shit, ano bang nangyare kagabi? Wala na ako halos maalala dahil sa kalasingan ko. Pilit akong umupo sa kama at hinilot ang sintido ko, naparami ata inom ko kagabi.

Napatingin nalang ako sa wall clock dito sa dating silid nang asawa ko at mag aalas otso palang nang umaga, ang aga ko naman nagising tch.

Tatayo na sana ako sa pagkakaupo ko nang biglang tumunog ang cellphone ko, napakunot nalang ako nang noo nang makita ko kung sino ang tumatawag.

Angel's calling. . .

Diko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil simula nung nag usap kami sa park na malapit sa subdivision namin ay yun na ang huling araw na nakita at nakausap ko siya.

Napag disisyunan kong sagutin iyon. "H-hello?" Ramdam ko ang pag aalinlangan sa boses niya nang mag salita ito.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko, ayaw kong mangunahan nanaman ako nang galit ko. "Anong kailangan mo?"

"Puwede ba tayong mag kita at mag usap?"

"Para saan pa?" Mag usap? Para saan pa? Ano pa ang dahilan bakit kailangan pa namin mag usap?

"P-please?" Napapikit nalang ako, siguro kailangan ko ito ngayon at yun ang makausap ko siya nang maayos at matapos na nang tuluyan ang namamagitan sa aming dalawa.

A Women's Pain (Pain Series #1) [ONGOING] Where stories live. Discover now