CHAPTER 16

3.9K 170 59
                                    

Kevin's POV

Nang makaalis na si Katherine sa harap ko ay naiwan akong nakatulala sa kinakatayuan ko, bigla akong natauhan sa ginawa ko dahilan para mapapikit at maikuyom ko ang dalawang palad ko. Fuck! Nadala nanaman ako sa tindi nang galit na nararamdaman ko, diko inaasahan na magagawa ko yun sa kanya ngayon dahil nilamon nako nang tuluyan nang galit ko sa ginawa niyang pag bukas nang ilaw. Tang inang buhay to oh, naudlot pa.

Agad akong napasabunot sa buhok ko at humugot ako nang malalim na hininga at dahan dahan kong pinakawalan iyon. Bigla ako nakaramdaman nang konsensya sa nagawa ko, pero pilit ding sinasabi nang utak ko na nararapat lang sa kanya yun dahil malandi siyang tao.

Hindi ako puwedeng makaramdam nang konsensya dahil deserve niya yon, oo tama deserve niya yun kasi napakalandi niya. Hindi siya nararapat sa respeto ko, dahil kahit kailan hinding hindi ko rerespetuhun ang kagaya nyang babae. Nuknukan nang landi sa katawan.

Dumeretso ako sa bar counter dito sa bahay namin at inilabas ang isang bote nang alak, agad ko naman tinungga ito. Punyetang buhay naman to oh, kung kailan may mangyayare na samin ni Angel dumating pa si Katherine. Talagang panira nalang siya lagi sa lahat nang plano ko.

Ayun na e, may mangyayare na kaso biglang bumukas ang ilaw. Naudlot tuloy lahat nang plano ko sa gabing ito. Buong buo na ang desisyon ko na bubuntusin ko na si Angel, dahil gusto ko nang mag kaanak. Lumilipas ang araw at tumatanda na ako pero hanggang ngayon wala padin akong anak.

Sa totoo lang hindi naman natutuloy sa sex yung nagyayare samin ni Angel, dahil ayaw niya. Hindi pa daw siya handa at baka maging ina daw siya bigla pag may nabuo, pero ako putang ina gustong gusto ko na magka-anak. Gusto ko na makita ang magiging anak ko, gusto ko nang maramdaman maging isang magulang.

Lumagok ulit ako nang alak at napapikit nalang ako nang maramdaman ko ang pag guhit nito sa lalamunan ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, kung hindi siguro bumabagsak ang kompanya namin dati hindi ako makakasal kay Katherine. Hindi ako matatali sa isang relasyon na hindi ko naman ginusto edi sana masaya nako sa piling na taong mahal ko ngayon. Mapait akong ngumiti sa iniisip ko, itutungga ko na ulit sana yung bote nang alak nang biglang bumukas ang pinto nang sobrang lakas dahilan para ikabigla ko.

Tumambad sa akin si Alexander at tila hingal na hingal pa ito habang nakatingin sa akin, agad na nang init ang ulo ko nang makita ko siya. Ang lakas naman nang loob niyang pumunta pa dito sa kabila nang nagyare? Talagang plano mong agawin si Katherine sa akin, agad akong tumayo at lumapit sa kanya. Mag sasalita na sana ako nang bigla niya akong suntukin dahilan para bahagyang makaramdam ako nang hilo.

*Boooggsssshhhh*

What the hell? Siya pa ang may ganang manapak ngayon, ang lakas naman ata nang loob nang mokong na to e nakaapak naman siya sa pamamahay ko.

"Asan si katherine?" Malumanay ngunit mahihimigan mo ang galit sa boses ni Alexander, ano ba ang problema nang lalaking to?

"Ang kapal din ata nang mukha mo, nakuha mo pa talagang pumunta dito pagkatapos nang nangyare?" Halos matawa ako habang sinasabi yun sa kanya, pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil sa mga oras na ito ay gusto ko nang suntukin ang pag mumukha niya.

"Asan si Katherine!!?" Pagalit na sigaw nito sa akin dahilan para manginit ang ulo ko lalo.

"Bakit ko naman sasabihin sayo?! At ano bang ginagawa mo dito nang ganitong oras, ganun mo naba talaga kagusto ang asawa ko? Tsaka bigla bigla ka nalang susugod dito at mananapak na para bang may nagawa akong kasalanan sayo." May pagka iritang tanong ko sa kanya. Hindi ako papayag Alexander na maagaw mo sa akin si Katherine, dahil baka bumagsak nalang bigla ang kompanya namin pag nagkataon.

A Women's Pain (Pain Series #1) [ONGOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon