May iilan siyang sinabi na teknikal, hindi ko maintindihan dahil ang hinihintay ko lang sa bibig niya ay sabihin na ayos lang ang pinsan ko.

"As of now, he's just asleep but is conscious. He's going to be fine but we still need to run a few more tests just to make sure."

That's all I needed to hear before I fell to my knees, then on to the cold floor. Patuloy ang pag-iyak ko roon at naramdaman ko na tumabi sa akin sa sahig si Elron.

"I told you he's going to be okay."

Sa sobrang ginawang naramdaman ko ay hindi ko napigilan na yakapin siya! Nakita ko ang gulat sa mata niya bago iyon pero naramdaman ko na yumakap din siya pabalik, pero hindi mahigpit. Sakto lang na nakadampi sa likuran ko ang kamay niya at alam kong nag-iingat siya.

"Sobrang thank you, ha? Thank you talaga! Super!" sabi ko nang kumalas ako sa yakap. "Don't mention it. Glad I could help."

Ilang sandali ang lumipas at may lumapit na nurse sa amin. Kalmado si Tita sa tabi ko.

"Ma'am? I just want to talk to you about the fees and the expected bill once the tests have been run." panimula ng nurse, at nanlaki ang mata ko sa laki ng babayaran namin.

Do we even have that much money? Ang alam ko lang, mayaman ang dad ni Amiel pero hindi ako sigurado kung sinusustentuhan ba siya nito. "Do you have money?" tanong ni Tita.

Agad akong tumango. Kahit papaano ay may ipon ako.

"Then pay for it. Since it is your fault," walang emosyong sabi niya. Hindi ako nagdalawang isip na pumayag dahil para kay Amiel naman iyon at alam ko... na kasalanan ko talaga. I'd willingly spend if it is for my cousin.

Just like that, all of my savings were gone.

But Amiel is okay.

"Is your cousin still in the hospital, Treya?" tanong ni Georgette, unang balik ko rito sa shop dahil ako ang nagbantay kay Amiel sa ospital. Halos dalawang linggo rin kami doon.

Tumango ako, "Oo, pero uuwi na mamaya... Sina Tita ko na raw ang bahalang mag-uwi sa kaniya."

"You must have been so scared! Sa ulo pamandin yata?" Nakaupo sila ngayon sa high stools sa harapan ko, nakaakbay siya kay Keann kaya medyo nakaangat ang balikat niya dahil mas matangkad ang lalaki. Bagay silang talaga kaya napangiti ako.

I smiled wider, "I know. The doctor even said that we were so lucky."

"Ikaw lang mag-isa ang nagbantay doon, Trey?" si Keann naman ngayon ang nagtanong.

Sinabi ko na nandoon si Jiro at halos hindi rin umalis. Kung aalis man ay para kumuha lang ng gamit ko at gamit niya, maliban doon ay hindi niya ako iniwan.

Kahapon lang ako nagtagumpay sa pagpapauwi sa kaniya dahil sa couch lang siya natutulog at sa laki niya ba namang tao ay talagang hindi siya magiging komportable doon. At tsaka uuwi na rin naman si Amiel.

"He's one dedicated... friend,"

Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Gette dahil alam kong isa sila sa mga nagbibigay ng malisya sa amin ni Jiro kahit wala naman talaga. At least, for him.

Nabaling ang atensyon namin sa mga maiingay na pumasok sa coffee shop, at hindi na ako nagulat na sila Jiro iyon. Kasama niya iyong mga kaibigan niyang babae, si Nikolai at 'yung nakababatang Alcazar.

Sa paninitig ko sa barkadahan nila na tila required ang pagiging gwapo o maganda ay hindi ko namalayan na nasa harap ko na si Kenjiro. "Keann just closed this, para solo namin. You should join."

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon