SIMULA

40 3 0
                                    

Taong, Isang libo't walong daan at dalawang pu (1820) Dalawang siglo na ang lumipas mula sa kasalukuyan.



"Damiel, ikaw na ang bahala sa mga anak natin." nakangiting ani ng asawa nito. Kahit nanghihina'y nakuha parin nitong abutin ang kamay ng asawa. Sa pagkakataong iyon ay hindi naman malaman ni Damiel ang kanyang gagawin, tanging paghikbi at impit na pagiyak na lamang ang kanyang naging tugon.

"Lilia mahal ko. Patawarin mo ako." tumatangis na anito habang mahigpit na nakahawak sa asawa. Tila naman sinasaksak ang kanyang puso tuwing makikita ang kalagayan ng asawa. Sobrang payat na nito at talagang hindi na makilala dahil sa malaking pagbabago ng itsura.

"Wag na huwag mong sisisihin ang sarili mo Damiel. Ako ang may kagustuhan na huwag tanggalin ang sumpa kaya ako nagkakaganito. Mas pipiliin ko na lamang na mamatay kaysa makasakit nang iba. Ayokong maging halimaw kung kaya't pinili ko na lamang mamatay kaysa ang pumatay." nakangiting sabi parin nito. Kahit hinang-hina na ay pinipilit parin niyang maging malakas at masaya sa harapan nang pinakamamahal niyang asawa.

"Naalala mo pa ba ang sinabi ko noon sa iyo na kung iibig ka saakin ay dapat tanggapin mo rin ang sumpang nakadikit sa aming pamilya? Lahat nang kababaihan sa amin ay may sumpa. Mamamana iyon ng mga susunod pang henerasyon. Kaya hihilingin ko sana na ikaw na ang bahala sa anak nating si Dali. Huwag mong hayaan na matulad ang anak natin sakin. Hanapin mo si Avellino, siya lang ang taong pwedeng tumulong at pumigil sa sumpa. Lagi mo lamang tatandaan na mahal na mahal ko kayo ng mga anak ko----- habang buhay." pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay bigla na lamang siyang naging abo.

Dahan-dahan namang kinuha ni Damiel ang damit ng kanyang asawa at saka nito niyakap ng mahigpit. Labis parin ang kanyang pagdadalamhati dahil sa katotohanang wala na ito. Wala na ang kaniyang mahal na asawa.

"Mahal na mahal din kita Lilia. Panghabang buhay." tumatangis na bulong nya. Nasasaktan may pinilit parin itong tumayo upang tupdin ang ipingako sa asawa.

-----

Lumipas ang ika-walong pung taon tsaka pa lamang nahanap ni Damiel si Avellino. Ang nilalang na may kakayahang pigilan ang sumpa.

"Mabuti na lamang at natagpuan kana rin namin." ani Damiel kay Avellino.

Nasa isang kwarto sila na puno ng mga libro. Hindi kasi sila pwedeng mag usap sa labas sapagka't walang ibang nakakaalam tungkol sa sumpa, kundi siya lamang at ang mga anak niya.

"Alam ko ang kailangan mo, gusto ninyong ipatanggal ang sumpa sa katawan ng inyong anak hindi ho ba?"

"Paano mo nalaman na iyon nga ang aking hangarin?"

"Dahil iyon ang nakikita ko sa mga mata mo. Mukhang wala pa ho kayong nalalaman tungkol sa akin? Bigyan nyo po sana ako ng maikling pagkakataon upang maipakilala ko ang aking sarili." nakangiti namang yumukod bilang paggalang si Avellino.

"Ako po si Avellino Savior, isa ho akong mang-gagamot hindi lang basta sakit ang kaya kong pagalingin kundi, pati sumpa at mga itim na mahika ay kaya kong tanggalin sa isang tao o nilalang na kagaya nyo. Nakakabasa din ho ako ng isip at ang aking asawa nama'y nakakabasa ng hinaharap."

Napatango na lamang si Damiel at napangiti kaakibat ang pananabik at pagdadalawang isip na baka hindi nito mapagtagumpayan ang kanilang ninanais para sa anak.

"Ikinagagalak kitang makilala Avellino sa tingin ko'y magiging mabuti ang ating samahan bilang magkaibigan."

"Ikinagagalak ko rin po kayong makilala senior Damiel sa tingin ko rin po ay tama kayo. Ngunit maiba ho ako. Ano ho bang klase ng sumpa ang ipapatanggal nyo sa inyong anak?"

THE IMMORTAL CURSEDWhere stories live. Discover now