Halimaw

2 0 0
                                    


Si Keinash ay ang nag-iisang napakaganda at napakabait na anak nina Shafie at Kendrick Velez na nakatira sa probinsya ng Leyte. Ang kanilang pamilya ay maituturing na isang perpektong pamilya sapagkat ang kanilang pamilya ay mayroong maayos na buhay mula sa pinansyal maging sa pag-uunawaan at pagmamahalan. Mayroong mga kaibigan si Keinash na sina Alaey at Vaure na itinuturing niyang parang kapatid at naging sandigan niya sa lahat ng kanyang problema. Ngunit tuwing gabi, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay palaging nalulungkot at minsa'y umiiyak si Keinash kahit mayroon siyang mapagmahal na pamilya at kaibigan na laging nariyan para sa kanya.

Noong bata pa lamang si Keinash ay hindi na niya nakakasama ang kanyang ama. Nagtatrabaho ang kanyang ama sa ibang bansa bilang isang OFW upang maiahon sila sa kahirapan at hindi na magkaproblema sa pera. Palaging binubully si Keinash na wala ama sa paaralan ng kanyang mga kaklase dahil daw kahit isang beses ay hindi pa nila nakikita ang kaniyang ama na dumadalo sa kahit anong okasyon sa paaralan. Nakapagpatayo sila ng isang sari-sari store at hardware na patuloy na lumalago sa loob ng 18 taong pag-aabroad ng kanyang ama. Noong siya ay naging 16 na gulang na ay napagpasiyahan ng kanyang amang umuwi na sa kanila ng pangmatagalan. Hindi na bumalik si Kendrick sa ibang bansa at pinagpatuloy na lamang ang pagpapalago ng kanilang negosyo. Pilit siyang bumabawi sa mga panahong wala siya sa tabi ng kanyang nag-iisang anak ngunit ito ay huli na. Sa loob ng 16 na taon, si Keinash ay nakaramdam ng pangungulila sa pagmamahal ng kanyang ama dahil ito ay malayo sa kanya at dahil na rin sa mga pambubully na naranasan niya sa paaralan. Sa loob ng mga taong ito, gabi-gabi lagi siyang nalulungkot dahil gusto niyang maranasang nasa tabi niya ang kanyang amang ilang taong malayo sa kanya at matigil na ang mga pambubully ng kaniyang mga kamag-aral. Dahil dito, nagkaroon siya ng isang sakit na mahirap gamutin at labanan kahit na bumalik at naranasan na niya ang kanyang pinapangarap na makatabi ang kanyang ama palagi. Nagkaroon siya ng depresyon ngunit palihim niya itong nilalabanan. Hindi niya sinasabi sa kanyang mga kaibigan maging sa kanyang mga magulang kahit na mauunawaan nila ang kanyang karamdaman.

~

Isang araw, nagpasiya si Keinash na yayain ang kanyang mga kaibigang sina Alaey at Vaure na manood ng sine. Pumayag naman ang dalawa dahil ang kanilang mga magulang ay magkakaibigan at mayroong silang tiwala sa kanilang tatlo. Napagkasunduan nilang kumain muna bago manood ng "Death by Nightmare" na tungkol sa isang batang mayroong depresyon.

"Kei, bilisan mo na ang pagkain mo baka hindi tayo makaabot sa ating panonoorin," pagmamadali ni Vaure. Mahina talaga ako kumain dahil maliit lang lalamunan ko pero binilisan ko ang aking pagkain dahil nagmamadali na sina Alaey at Vaure. Pagkatapos kong kumain ay pumunta na kaagad kami sa sine at naghintay sandali sa pagbubukas ng aming panonoorin. Natatakot ako pero interesado sa aming panonoorin dahil sa kwento nito. Paano kaya niya nilalabanan ang depresyon? Nalabanan ba niya ito? O tuluyan na siyang kinain nito ng lubusan? Sana may matutunan ako upang malabanan ko rin ang akin.

Hindi nagtagal ay nagbukas na nga ang sine at 15 minuto lang ang ilalaan para sa iba pang mga manonood na wala pa. Nasa ika-3 hilera kami kaya medyo malapit-lapit kami sa buong screen ng sinehan. Nasa gitna ako nina Alaey at Vaure habang kumakain kami ng popcorn na binili namin bago pa kami pumasok. Sour cream ang lasa nung akin habang sa kanila naman ay keso. Naghintay muna kami ng ilang minuto bago tuluyang nagsimula ang aming panonoorin. Nakakainteres ang simula ng kwento. Tulad ng naranasan ko noong bata pa ako ay nabully rin siya kaya naman nararamdaman ko ang kanyang nararamdaman.

Sa kalagitnaan ng pelikula, nag-iiyakan na sina Alaey at Vaure dahil sa mga mabibigat na pangyayari. Walang mapagsabihan ang bata dahil hindi kompleto ang kanyang pamilya at wala rin siyang kaibigang mapagsabihan. Napagtanto ko na mapalad ako dahil may kumpleto akong pamilya at mayroon akong mga kaibigan na aking naging sandigan sa lahat. Ngunit bakit hindi ko magawang sabihin ang aking nararamdaman sa kanila kahit na alam ko naman na maiiintindihan nila ako. Ako lang ang hindi umiyak sa aming tatlo sa hindi maipaliwanag na dahilan kahit naman nakakalungkot talaga ang mga pangyayaring nangyayari sa pelikula.

HalimawDonde viven las historias. Descúbrelo ahora